CELESTINE AFTER THREE DAYS Nakahilata ako sa sala namin habang nagpipindot sa cellphone ko. Wala kasi akong magawa. Bored na bored na ako sa totoo lang. Wala ring makausap. Puro hindi naka-online ang mga kaibigan ko kaya wala akong ma-chika at makulit. Ako lang din mag-isa sa bahay dahil wala si Mama. May pasok kasi ito at mamayang hapon pa ang uwi nito. Tuloy puro hilata lang ako hanggang sa dumating ito. Wala pa rin akong nare-recieve na text o e-mail mula sa Hotel Trevino regarding kung kailan ako magsa-start sa trabaho ko. Pangatlong araw na ngayon. Naibigay ko na kay Tito Arman ang mga requirements ko no'ng isang araw pa at sinabi niyang naipasa na niya iyon kahapon. Wala akong choice kundi ang maghintay. Atat lang talaga ako na makapagsimula sa work. Aside do'n ay gusto ko na ulit

