CELESTINE "Hala! Seryoso ka po, Sir?" paninigurado ko pa. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Sir Kim. Hindi ko alam kung totoo ba talaga iyon o pinagloloko lang niya ako. Nakakapagtaka naman kasi na bigla na lamang ito pupunta. Ni wala man lang pasabi muna. Ang tanong ko, bakit naman niya ako pupuntahan dito sa bahay? Sa tingin ko naman ay wala namang dahilan para gawin niya iyon. Sabi naman niya ay wala naman problema at kulang sa mga requirements ko. Sabi niya rin ay hindi niya rin ako nami-miss. Pero bakit? Why oh why? Kaya tuloy hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. Kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil pupunta siya rito sa bahay namin. Ewan ko ba. "Yes!" Dinig kong sagot nito mula sa kabila. "At kailan pa ako hindi naging seryoso, Ms. de Castro?" Kunsabagay tama naman

