CHAPTER 6: Golden Cage

2001 Words
-=Shaira's Point of View=- Umagang-umaga ay agad kong kinatagpo sa bandang SM North Edsa at maigi kong pinakinggan ang mga sinasabi nang nakilala kong si Cadio. "Ang ibig mong sabihin kahit magkano ang makuha ko sa subastang iyon ay makakakuha ako ng seventy percent ng biddder?" tanong ko dito, mataman kong pinapakinggan ang mag detalye sa pinag-uusapan namin dahil sarili ko na ang nakataya dito. "Yes at sa loob ng tatlong taon ay magiging pagmamay-ari ka ng taong makakabili sa iyo at kahit anong ipagawa niya sayo ay kailangan mong gawin ng walang tanong." paliwanag naman nito na para bang nagpapaliwanag lang kung paano bang gumamit ng remote control ng TV. "So ang ibig mo bang sabihin kung gusto niyang ano......kailangan kong gawin ang bagay na iyon?" mahina kong sinabi nito habang namumula ang magkabila kong pisngi hindi ko akailan na makikipag-usap ako sa kahit na kanino tungkol sa bagay na iyon. "Kung ang ibig mong sabihin ay s*x, oo angf sagot doon, most of the time kung bakit bumibili ang mga mayayaman na taong iyon ay upang makasigurado sila na malinis at wala pang experience ang makukuha nila and by the way how your face blush I can tell na wala ka pang karanasan." balewala nitong sinabi na lalong nagpamula sa mga pisngi ko na malakas nitong tinawanan, napatingin tuloy sa amin ang ilang customer doon. "Shhhh puwede bang hinaan mo naman ang boses mo!" naiinis kong sinabi dito at matapos ang ilang segundo ay nagtanong na naman ako dito. "Pero pano kung ang gusto nilang ipagawa sa akin ay life threatening?" kinakabahan kong tanong dito and this time naging seryoso na ang itsura nito. "Tungkol sa bagay na yan ay makakasigurado ka sa kaligtasan mo, hindi lahat ng gustong sumali sa subasta ay maaring makasali, bago namin sila tanggapin sa auction ay gumagawa muna kami ng thorough check, maaring silang magsama ng mga guest kung gugustuhin nila ngunit pipirma sila nang waiver just in case." paliwanag nito at kahit paano ay bahagyang nabawasan ang alalahanin ko sa dibdib nang marinig ang bagay na iyon, ngunit pilit pa ding naglalaro sa isipan ko ang kaisipan na may isang estranghering hahawak sa katawan ko at agad akong nakakaramdaman nang pangdidiri ngunit kapag naaalala ko ang kalagayan ni Nanay ay mas tumatatag ang dibdib ko sa kahit na anong mangyari. "Kailangan ko ng pera within this week." matiim kong sinabi dtio at kita ko ang pagkagulat na rumesthiro sa mukha nito. "Well meron kaming magaganap na subastahan ngayong linggo nito ngunit lahat ng spots ay may nakakuha na, hindi lang naman ikaw ang taong may malaking pangangailangan." paliwanag nito. "Kailangan kailangan ko na ng pera dahil kailangan ko ng pera para sa operasyon ni Nanay." walang kagatol gatol kong sinabi dito, tinaningan na kami ng doctor at gagawin ko ang lahat para makaligtas si Nanay kesehodang ibenta ko ang katawan ko. Matiim ako nitong tinitigan na para bang tinatantiya nito kung gaanon ba ako kaseryoso sa sinabi ko at matapos ang ilang minuto bago muli ito nagsalita. "Ok give me a day or two para magawan ko ng paraan ang bagay na iyan." seyoso nitong sinabi at matapos ang naging pag-uusap naming iyon ay dumiretso agad ako sa ospital upang puntahan si Nanay. Sobrang dami nang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na iyon, parang gusto ko na nga lang na tumakbo palayo sa lahat ng ito, sa lahat ng problemang kinahaharap naming pamilya, ngunit alam ko namang hindi puwede iyon dahil may dalawang mahalagang tao ang umaasa sa akin at hindi ko sila maaring biguin. "Kamusta ka na anak? Ang laki ata ng binagsak ng katawan mo ah." malungkot na sinabi sa akin ni Nanay nang makarating ako sa ospital. "Ok lang iyon Nay ang tagal ko na kayang ginustong pumayat nang ganito." biro ko dito at nasaktan ako nang makita ko ang mapait na ngiti sa mga labi nito. "Pagpasensyahan mo na si Nanay anak ha, napakabata mo pa para pasanin ang ganitong kabigat na responsibilidad." she said, I just shook my head for protest. "Huwag na huwag niyong isipin iyon Nay ang mahalaga ay gumaling na kayo, meron na akong plano kung paano natin makukuha ang pera para sa operasyon ninyo." ang sinabi ko dito, at nakikita ko nang tinatalo na ito nang antok. Malayang bumagsak ang mga luha sa magkabilang pisngi ko nang tuluyan nang nakatulog si Nanay, ayoko kasing makita nito na umiiyak ako, ayokong makita nito na nahihirapan ako dahil ayokong madagdagan ang alalahanin nito. Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko nang makita kong paparating si Sadie ngunit mukhang nakita na nito ang pag-iyak ko lalo na nang makita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. "Stop Sadie, sapat na ang isang iyakin sa pamilya." pagbibiro ko dito, pilit akong tumatawa upang ipakita dito na ayos lang ako na magiging maayos lang ang lahat ngunit nang mahigpit na ako nitong yakapin ay tuluyan nang humulagpos ang tinatago kong sama ng loob, lahat ng pagod at sakit ay malaya kong pinakawalan nang mga oras na iyon. Nang araw na iyon ay sakto naman na dumalaw ang mga kapitbahay namin na may dalang mga prutas para kay Nanay, nakiusap naman ako kay Aling Lucy na bantayan muna sandali si nanay upang makausap nang masinsinan si Sadie. Niyaya ko ito sa cafeteria na nasa loob ng ospital na iyon, nagdecide na akong sabihin dito ang mga plano ko. "Ate Shaira may alam ka na ba kung paano natin makukuha ang isang milyon na kailangan para sa magiging operasyon ni Nanay?" tanong nito, kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha nito, napansin ko din na medyo nangayayat din ito tulad ko marahil sa pag-iisip din sa mga nangyayari sa pamilya namin. "Huwag ka nang mag-alala Sadie may nakita na akong tutulong sa atin." nakangiti kong sinabi dito, umaasa akong hindi niya mahalata ang pinagdadaanan ko. "Mabuti naman kung ganoon, pero paano ka makakakuha ng ganoong kalaking halaga sa maikling panahon?" nagtataka nitong tanong. "May nahanap kasi akong trabaho sa ibang bansa and willing silang iadvance ang sahod na iyon ngunit dahil nga sa ibang bansa iyon kailangan kong mag stay ng tatlong taon sa kanila." pagsisinungaling ko dito, hindi ko makayang tignan siya ng diretso sa mga mata sa takot na mabasa niya ang totoo. "Ibig sabihin hindi ka namin makikita ni Nanay sa loob ng tatlong taon?" ang malungkot nitong sinabi, agad ko naman ginulo ang buhok nito to show her my affection. "Huwag kang mag-alala tatlong taon lang naman iyon at dahil dito hindi na natin poproblemahin ang pera kapag nagkataon." paliwanag ko dito. PInaliwanag ko dito na ngayong linggo din ang magiging pag-alis ko at alam kong maraming bagay na gumugulo sa isip ngayon ng kapatid ko like kung saan ako kukuha ng passpot gayong hindi naman ako nag-apply ng passport noon dahil hindi ko naman naisip na mag-abroad pero kahit ganoon ay nanatili lang itong tahimik. The following day ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mang Cadio na nakahanap na daw ito ng spot para sa akin, napakiusapan nito ang kasamahan na ibigay ang puwesto ng nakuha nito. "Mangyayari ang subasta ngayong sabado  kaya kung may kailangan kang gawin ay gawin mo na." pagtatapos nito bago tapusin ang tawag. Dumating ang araw ng subastahan nagulat na lamang ako dahil nakita kong nasa dalawampu ata na halong babae at lalaki mula 18 hanggang 25 ang edad ang kasama ko sa isang kuwarto at tulad ko ay pinasuot din sila ng mga damit na hindi appropriate para sa edad nila ngunit sino ba naman ako parang magreact since pumayag ako sa kasunduan. Hindi ko inaakalang aabot sa sampung milyon ang magiging bid sa akin since hindi naman ako ganoong kaconfident sa itsura ko ngunit hindi na mahalaga sa akin iyon ang mahalaga ay may pera na sa operasyon at may pera pang matitira para sa pamilya ko. "Ang suwerte mo hija, alam mo bang ikaw ang may pinakamalaking nakuha ngayong araw na to, the guy that bought you must be filthy rich." he said sabay abot ng seven million sa akin matapos kong mapirmahan ang mga dokyumento. At ngayon nga ay nasa isang bahay ako na hindi ko alam kung saan naghihintay kung anong mangyayari sa akin sa loob ng tatlong tao, ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang malaman na ang taong minahal ko noong college ang magiging master ko. Naputol ang pagpababalik tanaw ko nang marinig ko ang banayad na katok sa pinto ko. "Pasok po." mahina kong sinabi at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng matandang kasambahay. "Pinapatanong sa akin ni Elijah kung gusto mo ba daw kumain?" tanong nito sa akin ngunit umiling na lang ako dahil parang wala akong ganang kumain sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. "Maraming salamat na lang po, wala po akong gana." tanggi ko sa matanda na nagpakilalang si Manang Fe. "Ah ganoon ba sige maiwan na kita para makapagpahinga." ang nasabi ng matanda, at pagkatapos noon ay umalis na ito at naiwan ako sa loob ng maganda kuwarto na ito, habang hawak ang paper bag na naglalaman ng pera para sa pamilya ko. "Kailangan kong dalhin ang perang ito sa ospital." I said to myself at hindi ko alam kung paano ako makakapagpaalam kay Elijah ngunit kailangan ko na talagang dalhin ito since go signal na lang ang hinihintay para matuloy ang operasyon. I decided to talk to Elijah tomorrow morning kahit na nga ba hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kahilingan ko dito. Nakatulog ako na iyon ang nasa isip, nagising ako na madilim pa at nakita kong mag aalas tres palang, dala nang mga nangyari ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Nagdecide akong bumaba upang pumunta ng kusina, tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa akin since hindi ko mahanap kung saan ang switch ng ilaw, kaya ng masanay ang mga mata ko sa dilim ay nagpatuloy ako sa pagtunton ng kusina at sa wakas ay nakarating ako sa kusina. Binuksan ko ang fridge to look for food at sakto naman may mga prutas kaya after kong kumuha ng dalawang mansanas at isang pitsel ng tubig ay sinarado ko na ang pinto ng fridge. Nagulat na lamang ako nang napatingin ako sa bandang pintuan ng kusina. Kung saan nakatayo si Elijah, still wearing his work outfit. "You scare the hell out of me! Bakit ka ba nananakot?" pagalit kong nasabi dito. I saw how his lips flick with a mocking smile in his mouth. "Sorry kung alam ko lang kasi na may dagang pupuslit sa kusina ko ay nagpahanda sana ako ng engrandeng pagsalubong para hindi ka magulat." he said sa nanunuyang tono. Bigla naman akong natauhan na ang kinakausap ko ay ang taong naging dahilan para mapagaling ko si Nanay. "Pasensiya na nagulat lang talaga ako." paghingi ko nang paumanhin dito. "Save it, I don't care." he said in his cold voice, muli ko na naman naalala ang malamig na pakikitungo nito kahit na kaninong tao and it made me wonder kung may pinagdaanan ba ito upang maging ganito kacold. "Nga pala Elijah, kailangan ko nang ihatid ang perang ito para sa operasyon ng Nanay ko and I was hoping na makaalis bukas para mabigay ko sa kanila ang pera." mahina kong sinabi nito, kinakabahan ako kung papayagan ba ako ng binata. Humarap ito sa akin ngunit dahil sa dilim ay hindi ko makita ang expression ng mukha nito. "Mag text ka na lang sa kapatid mo at sabihin na makikipagkita sa kanya si Bruno para ibigay ang pera at bigyan mo na din ng instruction si Bruno, hindi mo na kailangan makipagkita sa kanila sa loob ng tatlong taon, nagkakaintindihan ba tayo?" malamig nitong sinabi. "Oo." malungkot sabi dito since nasa kontrata naman na talaga na once na may bumili na sa amin hindi kami maaring magpakita sa mga mahal namin sa buhay. Naiwan ako sa kusina nang nag-iisa muli ay nawalan na naman ako ng gana kaya binalik ko na ang kinuha kong pagkain sa ref at bumalik na sa kuwarto ko. Lying in my bed hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Elijah at ang pag-iisip kung bakit ganito ang pakikitungo ng binata sa mga tao, muli ay tinalo na naman ako ng antok na ang nasa isip ay ang binatang pinilit kong kinalimutan sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD