-=Shaira's Point of View=-
Naiuwi na namin si Nanay galing ospital at ang bilin ng doctor ay huwag siyang masyadong magpagod, puwede naman siyang bumalik sa trabaho ngunit hindi niya puwedeng puwersahin ang sarili niya dahil makakasama ito sa kalagayan niya.
"Pasensya ka na Anak ha, napilitan ka pa tuloy na tumigil sa pag-aaral." malungkot nitong sinabi sa akin napagtapat ko na kasi sa kanya ang ginawa kong paghinto sa pag-aaral, noong una ay tumutol siya ngunit naipaliwanag ko naman sa kanya ang lahat.
"Wala po iyon Nay ang mahalaga ay ang gumaling ka." nakangiti kong sinabi dito.
"Basta kapag gumaling na ako ay hindi puwedeng hindi ka bumalik sa school." she said with finality in her voice.
Medyo nakonsensya lang ako dahil hindi ko naipagtapat dito na nang magdrop out ako ay kasabay na ang pagkawala ng scholarship ko sa school na iyon.
The following day ay napagdesisyonan ko nang pumasok sa trabaho ko, kinausap ko na ang Manager namin at naintindihan naman niya ang sitwasyon kaya pinayagan ako nitong mag extra hours sa trabaho madalas ngang double shift ang pinapasok ko dahil kailangan namin mag ipon dahil naubos ang ipon namin sa mga gamot ni Nanay, patuloy pa din ako sa pagsasideline sa karinderya sa kabilang kalye namin ngunit hindi tulad noon ay mas mahabang oras na ang pinapasok ko upang makadagdag lang sa kikitain ko.
"Sumama ka naman sa min Shaira." aya sa akin ni Arlene isa sa mga kasamahan namin sa Jollibee ngunit katulad ng dati ay tumanggi ako dito.
"Sorry Arlene alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya ko." I told her at matapos nilang magpaalam ay umalis na sila, nakita ko kung paano sila nagkakasayahan, nagdecide kasi silang mag outing at nakita ko kung gaano sila kasaya at aminin ko man o hindi ay naiinggit ako sa kanila dahil parang wala silang problema hindi tulad ko, binura ko sa isip ko ang nararamdaman ko at inisip ko na lamang ang pamilya ko.
Kahit paano naman ay naging maayos ang trabaho ko at ang lagay ni Nanay, nakasanayan ko na ang kakaunting tulog kahit na nga ba pinapagalitan ako ni Nanay, nakabalik na din siya sa trabaho at kahit paano naman ay naigagapang namin ang pang araw araw na pangangailangan namin, kahit na anong pilit ni Sadie ay hindi ako pumayag na tumigil siya sa pag-aaral, ako ang panganay kaya ako dapat ang pumasan ng responsibilidad.
Rest day ko sa Jollibee at imbis na ipahinga ko ay inuubos ko ang oras ko sa karinderya ni Aling Nena, at doon ako naabutan ni Sadie na kagagaling lang sa school.
"Ate naman magpahinga ka naman baka naman ikaw ang magkasakit niyan." ang sabi nito sa akin at napangiti na lang ako sa pag-aalala nito sa akin.
"Wow sweet naman nang kapatid ko, pero ok lang ako huwag kang mag-alala." ang nasabi ko na lang dito pero nagdecide na din akong umuwi dahil baka nga magkatotoo ang sinabi nito at mapagastos pa kami, saka ika nga sa commercial sa panahong ito bawal ang magkasakit iyon nga lang wala akong pambili ng clusivol.
Pagkarating na pagkarating sa bahay ay agad kong kinuha ang libro na binili ko nang magsimula ang klase na sandali ko lang din nagamit, hindi ko mapigilang hindi malungkot habang binubuklat ko ang pahina nang mga libro dahil sa totoo lang ay miss na miss ko na ang bumalik sa school, gustong gusto ko na ulit mag-aral ngunit sa panahong ito ay malabo pang mangyari ang bagay na iyon.
"Shaira kung gusto mong bumalik sa school ay gawin mo na, huwag mo na akong alalahanin dahil maayos na din naman ang pakiramdam ko." nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Nanay sa bandang likuran ko hindi ko napansin na naabutan pala ako nito habang tinitignan ko ang libro ko.
Itinabi kong muli ang mga libro at ngumit lang ako sa kanya. "Nay kapag magaling na magaling ka na talaga, pangako ko sa inyo babalik ako sa kolehiyo." nakangiti kong sinabi dito at kita ko ang pagtutol sa mga mata nito mabuti na lang talaga at hindi na nito pinilit ang bagay na iyon dahil nahihirapan na akong magtago sa kanya.
Hinintay lang namin Sadie para sabay sabay na kaming kumain nang hapunan, hindi ko maiwasang tignan ang pamilya ko at kahit paano ay nawawala ang pagod at kalungkutan na nararamdaman ko kapag nakikita ko sila.
Lumipas ang mga buwan na naging taon, hindi ko nga namalayan na halos magtatatlong taon na pala ang lumipas magmula nang madiagnose si Nanay sa sakit nito sa puso at ang panahon na nagdrop out ako sa school.
First year college na din si Sadie sa PUP, kumukuha ito ngayon ng Marketing sa naturang unibersidad, sa mga nakalipas na mga taon ay naging maayos naman ang lagay ni Nanay at pumasok na din sa isip ko ang magbalik sa kolehiyo.
"Yes! Finally puwede na akong bumalik sa school." sa loob loob ko nang mapagdesisyunan ko nang bumalik sa pag-aaral.
Excited akong umuwi sa bahay upang ipaalam kay Nanay ang naging desisyon, at sigurado akong matutuwa ito dahil noon pa lang ay pinipilit na ako nitong bumalik sa pag-aaral.
"Nay?!" tawag ko dito pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay, ngunit nagtaka ako dahil walang sumasagot sa akin samantalang bukas naman ang pinto.
Dumiretso ako sa sala ngunit wala ito doon kaya naman dumiretso ako sa kusina at biglang nanglaki ang mga mata ko nang makita ko itong nakabulagta sa sa sahig at wala itong malay.
"Nay! Gumising po kayo." sobrang pag-aalala ko habang pilit ko itong ginigising ngunit nanatili lang itong nakapikit at hindi gumagalaw, agad naman akong humingi ng tulong sa mga kapitbahay namin at agad namin siyang dinala sa malapit na ospital kung saan din siya naconfine nang malaman namin ang sakit niya sa puso.
"Doc ano pong problema, bakit siya nawalan ng malay?" tanong ko sa doctor na sumusuri sa mga resulta ng test na ginawa dito.
Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko nang makita ko ang naging reaksyon ng doctor, which is not a good sign.
"I'm sorry Shaira pero mukhang lalong lumala ang sakit ng Nanay mo sa puso." malungkot nitong sinabi sa akin.
"Pe...pero paanong nangyari iyon, hindi naman siya nagmimintis ng pag-inom ng mga gamot niya." ang naguguluhan kong tanong dito, hindi ako makapaniwala na mangyayari na naman ito sa amin, gayong nakikita ko na ang paglakas niya sa nakalipas na taon.
"Ang nangyari kasi Shaira ay naging immune ang sakit ng Nanay mo sa mga iniinom niyang mga gamot kaya naman mas lalong nanghina ang puso ng pasyente." paliwanag nito.
Pinilit kong huwag maiyak sa harap nito lalo na't kailangan kong magpalakas ng loob sa sitwasyon namin.
"Sige po ano po ba ang gamot na kailangan kong bilhin para tuluyan nang gumaling si Nanay." tanong ko dito ngunit bigla akong nanglumo ng makita ko ang biglaan nitong pag-iling.
"Ikinalulungkot ko hija ngunit sa lagay ngayon nang Nanay mo ay wala ng gamot ang makakapagpagaling sa kanya, your mom needs to undergo a surgery para mapigilan natin ang magiging komplikasyon sa puso ng pasyente." paliwanag nito, bigla akong nalula ng sinabi na nito ang kakailanganin naming pera para sa operasyon.
"Isang milyon? Pero saan po ako makakakuha ng ganoong kalaking halaga?" nanglulumo kong tanong dito, hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa pamilya ko, hindi ko na napigilan humulagpos ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Humahangos na dumating si Sadie galing sa school at nang mabalitaan nito na sinugod si Nanay sa ospital ay agad itong dumiretso sa ospital.
"Kamusta na si Nanay?" nag-aalalang tanong nito, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang sinabi sa akin ng doctor, sa totoo lang ayokong ipaalam sa kanya ang sitwasyon namin ngayon ngunit wala naman akong choice kung hindi sabihin sa kanya ang lahat.
Kitang kita ko ang panglulumo sa kapatid ko at sobra akong naawa dahil napakabata pa nito para magkaroon ng ganitong kabigat na pasanin.
"Ate hihinto na muna ako sa pag-aaral para makatulong sayo." seryoso nitong sinabi.
"Sinabi ko nang hindi ka kailan man titigil sa pag-aaral hindi ba?" matigas kong sinabi dito.
"Pero Ate saan naman tayo makakakuha nang isang milyon kung hindi ako makakatulong sa iyo." patuloy nitong pangungumbinsi sa akin ngunit desidido akong huwag siyang idamay sa problema namin.
"Gagawa ako ng paraan." sinabi ko dito kung paanong paraan ay hindi ko pa alam, basta ang alam ko lang ay gagawin ko ang lahat para gumaling si Nanay.
Ilang araw din nanatili si Nanay sa ospital ngunit kahit ganoon ay hindi pa din ako nagmimintis sa pagpasok at pagbabantay sa ospital.
"Ano ba naman yan Shaira umuwi ka naman halatang halata na pagod na pagod ka na sa kakatrabaho." nag-aalalang sinabi sa akin ni Maam Aida, siya kasi ang store manager namin si Jollibee.
"Maam kailangan kailangan ko po talaga ng pera." pakiusap ko dito ngunit marahil nga ay halatang halata na ang pagod ko kaya naman hindi na ito pumayag na magextend pa ako.
Mag-aalas onse na ng gabi ng makalabas na ako ng trabaho, wala na din kasi akong nagawa dahil hindi na pumayag si Maam Aida, nagdecide na lang ako maglakad pauwi dahil kailangan kong mag-isip ng paraan para kumita ng pera dahil hindi sapat ang sinasahod ko, kahit pa ata bente kuwatro oras ako magtrabaho ay hindi ko kikitain ang isang milyon piso.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko napansin na napadaan na pala ako sa sinasabi nilang tambayan ng mga callgirl sa lugar namin, nagulat na lang ako ng may isang magarang kotse ang huminto malapit sa akin at nakita ko ang isang matandang lalaking nakangiti sa akin.
"Hija, magkano ka?" tanong nito sa akin na pinagtaka ko ngunit sandali lang iyon nang marealize ko kung nasaan ako at kung bakit ako napagkamalan callgirl.
"Sorry po sir, hindi po ako prostitute." hintatakot kong sinabi dito at nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit sa kasamaang palad ay nagpatuloy pa din sa pagsunod ito sa akin.
"Pag binigyan kaya kita ng limang libo magbabago kaya ang isip mo?" narinig kong sinabi nito at nakita kong naglabas ito nang limang tig-iisang libo sa pitaka nito.
Bigla akong napahinto sa paglalakad nang makita ko ang perang hawak nito, bigla naman gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
Napipilitan akong sumakay sa kotse nito, sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko sa pinasok kong ito at sa naging desisyon ko.
"Short time." narinig kong sinabi nito nang makarating na kami sa isang motel hindi kalayuan sa bahay namin.
"Sir pasensya na po hindi ko po talaga kaya." takot kong sinabi dito, hindi na nga ito nakapagreact ng bigla akong bumaba sa kotse nito at dali daling tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapaiyak sa awa sa sarili dahil muntik ko nang ibaba ang sarili ko sa naging desisyon ko.
"May ibang way para magkapera na hindi ko kailangan ibaba ang sarili ko." ang nasabi ko sa sarili.
Lumipas ang gabi na hindi ako masyadong nakatulog sa sobrang pag-iisip kung paano sosolusyunan ang problemang kinahaharap ko, pero kahit kulang sa tulog ay pumasok pa din ako sa trabaho.
"Paulo wala ka bang ibang alam na malaki ang kita?" ang tanong ko sa kasamahan ko sa Jollibee.
"Naku Shaira sensya na wala eh pero kapag meron sabihan kita." he said, napansin ko ang isa naming customer na kanina pa tingin ng tingin sa akin at sa suot nitong mga damit at dalang gamit ay alam kong may kaya ang lalaki, ngunit nagdecide na akong hinding hindi ko ilulublob ang sarili ko sa isang bagay na pagsisisihan ko.
Lumipas ang mga oras at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong umalis na ang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
"Sige po Maam una na ako." paalam ko sa manager namin at binalak kong dumiretso na sa ospital upang palitan si Sadie sa pagbabantay.
Kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa aking itim na kotse at nang paglingon ko ay nakita ko ang kaninang customer namin na sakay ng kotse.
"Hija narinig kong nangangailangan ka ng pagkakakitaan, baka makatulong ako." he said smiling at me.
"Pasensya na po, hindi po ako callgirl." inis kong sinabi dito, hindi ko malubos maiisip kung bakit ba ako napagkakamalang callgirl.
"Sino bang nagsabing callgirl ka?" natatawa nitong sinabi.
Napagdesisyunan kong pakinggan ang gusto nitong sabihin at nakita kong napasipol ito nang malaman nitong isang milyon ang kailangan ko
"Woah malaking halaga yan." naiiling nitong sinabi, well alam ko naman na malabo akong matulungan nito kaya naman nagulat ako nang muli itong magsalita.
"Well there's a way to earn that kind of money but it will cost you three years of your life and your obedience." he said at nacurious ako kung anong ibig nitong sabihin.
"Ano pong ibig mong sabihin?" tanong ko dito.
"We will auction you in an underground auction house and the highest bid will win and you will get 70% of the total amount of the bid." pagpaliwanag nito.
Nanglaki ang ulo ko sa sinabi nito, hindi ako makapaniwala na may ganoong auction house since ang alam ko lang na mga inauction ay gamit hindi tao.
"Hindi ako nakikipaglokohan mister kaya paalam na." galit kong sinabi dito ngunit hinabol pa din ako nito at inabot sa akin ang calling card nito.
"Sakaling magbago ang isip mo ay tawagan mo ako." ang sabi nito at umalis na ito, naiwan akong tulala sa offer ng taong iyon.
Pagdating ko sa ospital ay bigla akong kinabahan dahil nakita ko ang mga doctor at nurses nang ospital na humahangos sa kuwarto ni Nanay.
Nanglumo ako dahil mukhang lalong lumalala ang sitwasyon nito.
"I'm sorry Shaira ngunit kailangan nang maoperahan ang Nanay mo within this week." ang sabi sa akin ni Dr. Perez.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera sa loob ng isang linggo and then it hit me.
Kinuha ko ang calling card sa bulsa ko at binasa ang nakalagay dito, isang desisyon ang pumasok sa isip ko.
"Tatanggapin ko na ang inaalok niyo." ang sabi ko sa kabilang linya kausap ang lalaking nakausap ko kanina.
"Good, meet me tomorrow." ang sabi nito sabay patay ng phone.
Kahit hindi ko gusto ay kailangan kong gawin ang bagay na ito, para sa Nanay ko.