CHAPTER 4: My Sacrifice

1565 Words
-=Shaira's Point of View=- "Please God huwag niyo pong pabayaan si Nanay." piping panalangin ko. Dali dali akong tumungo sa ospital kung saan dinala si Nanay. "Nurse san naka confine si Nancy Ramirez?" tanong ko sa front desk ng ospital abot abot ang kabang nararamdaman ko sa pag-aalala ko sa Nanay ko. Ilang minuto ang lumipas habang chinecheck niya ang computer, and finally sinabi nitong room 303 nakaconfine ang Nanay ko. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa kuwarto ay nakita ko na agad si Sadie na agad akong sinalubong kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. "Ate si Nanay." naiiyak na sinabi nito, magkasabay kaming lumapit sa kama kung saan nakahiga angf natutulog naming ina. Awang-awa ako sa nakikita kong itsura ni Nanay, humpak na humpak at nanlalalim ang mga mata nito dulot na din siguro ng hindi nito masyadong pagtutulog. "Anong sinabi ng doctor?" tanong ko dit habang hawak hawak ang kamay ni Nanay. "Wala pa, hinihintay pa kasi nila ang mga resulta ng mga test na ginawa kay Nanay." sagot naman nito sa akin. "Mabuti pang umuwi ka na muna para makapagpahinga ka na muna dahil malamang sa malamang bukas pa natin malalaman ang mga result ng test kay Nanay." I told her at pinigilan ko na ang akmang pagtanggi nito at pinaliwanag ko dito na kailangan din niya kasing kumuha ng mga gamit para kay Nanay at magluto na din ng pagkain dahil malamang kung dito pa kami bibili ng pagkain namin. Wala na din itong nagawa at matapos humalik sa noo ni Nanay ay umalis na din ito, ako naman ay naupo na din sa silyang nasa gilid ng kama nito at pinagmasdan ang natutulog nitong mukha. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko na nasa bulsa at nang makita ko ang pangalan ni Lailani na nakaregister sa phne ko, lumabas na muna ako ng kuwarto upang sagutin ang tawag at para hindi maistorbo ang mga may sakit sa loob na kasama ni Nanay. "Hello Lailani, napatawag ka ata?" ang sinabi ko nang masagot ko na ang tawag ni Lailani. "Shaira nasaan ka ba ngayon? Kamusta ka naman?" ang magkasunod na tanong nito at sa paraan ng pagsasalita nito ay mukhang may problema lalo na't hindi naman ito tatawag kung walang mabigat na dahilan. "Nasa ospital ako ngayon, sinugod kasi si Nanay sa ospital, bakit may problema ba?" tanong ko dito. "Ahhh ganoon ba wala naman nangangamusta lang." pagtanggi nito ngunit sa tono naman ng boses nito ay ramdam ko na may hindi ito sinasabi sa akin. "Spill it out Lailani, nararamdaman kong may hindi ka sinasabi sa akin." pagpupumilit ko dito at narinig ko na lang ang isang mahabang paghinga nito bago ito magpatuloy. "Ayoko sanang sabihin sayo ngayon to Shaira dahil nga sa nangyari sa Nanay mo, pero... kasi.... kumalat na kasi sa school ang ginawa mong pagtatapat kay Elijah at lahat ng mga estudyante ay iyon ang mga pinag-uusapan, hindi ko alam kung paano kumalat ang bagay na iyon." pagtatapos nito. Bigla akong nakaramdam ng sakit at galit nang marinig ko ang bagay na nangyayari sa school. "Well hindi pa ba obvious na si Elijah ang dahilan kung bakit nalaman ng buong school ang nangyari." sagot ko naman dito na walang kaemosyon emosyon. "Hindi naman tayo sigurado doon, base na din sa ugali ni Elijah, I don't think gagawin ni Elijah na ipagkalat ang bagay na iyon." sagot naman nito. "Siya iyon sigurado ako, I mean paano naman malalaman ng mga tao sa school ang nangyari kung hindi niya pinagsabi." matigas kong sinabi dito. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na din ako dahil parang sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob na nararamdaman ko, I felt betrayed, paano ang taong nagpasaya sa akin sa loob ng mahigit na isang buwan ay magiging sanhi ng sobrang sakit sa damdamin ko. Bago bumalik sa loob ay pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil ayokong maapektuha ang Nanay ko sa kung anumang pinagdadaanan ko nang dahil isa isang tao lang. Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad kong napansin na gising na pala si Nanay kaya naman dali dali akong lumapit dito, kitang kita ko ang pagtataka sa mukha nito. "Anak nasaan ba tayo?" tanong nito habang nililibot ang mga mata sa loob ng kuwarto. "Nasa ospital po tayo, nawalan po kasi kayo nang malay kaya dinala kayo dito." paliwanag ko dito. "Umalis na tayo dito Shaira, siguradong mapapagastos pa tayo dito, sabi ko naman sayo ubo lang ito." pagpupumilit nito ngunit matigas akong tumutol sa gusto nito. "Hindi Nay kailangan nating manatili sa ospital na ito para malaman na natin once and for all kung ano ba talaga ang sakit mo." sinabi ko dito ngunit nangako din naman ako na kapag walang nakitang problema sa kanya ay agad ko siyang iuuwi sa bahay. Dahil na din siguro sa sobrang pagod ay agad din itong bumalik sa pagtulog, bumalik na ako sa upuan na nasa gilid ng kama nito, pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang sakit sa dibdib ko dahil sa nangyari. "Walang panahon para isipin ang mga bagay na iyon, kailangan kong magpakatatag para sa Nanay ko." sa loob loob ko, unti unti ay naramdaman ko ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko kaya naman agad akong nakatulog na nakapatong ang ulo sa kama. Nagising ako nang maramdaman ko ang banayad na pag-uga sa akin at nang imulat ko ang mga mata ko ay nabungaran ko ang nakangiting mukha ni Nanay. "Magandang umaga anak." paggising nito sa akin at saka ko lang din napansin na nakabalik na pala si Sadie galing sa bahay at dala na din nito ang agahan namin. Mga bandang alas onse na ng umaga nang dumating ang doctor upang basahin ang mga resulta ng test ni Nanay, sobrang kaba ang nararamdaman ko habang hinihintay ko ang sasabihin nito. Dinala ako ng doctor sa mismong opisina nito para kausapin at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko dahil kung wala naman nakitang masama sa mga test ay agad naman nitong sasabihin iyon. "Ikinalulungkot kong sabihin ngunit ayon sa mga test na ginawa namin sa Nanay mo ay masasabi kong meron siyang Ishemic Heart Disease." malungkot nitong sinabi. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ko ang bagay na iyon, hindi ako makapaniwala sa mga kamalasan na nangyayari sa pamilya namin ngayon lalo na't tinapat ako ng doctor na kailangan maagapan ang sakit nito at kailangan mainom nito nang tama ang mga gamot. Binigay nito sa akin ang reseta nang mga bibilhin kong gamot para kay Nanay at hindi biro ang mga halaga ng mga naturang gamot nang itanong ko ang mga iyon sa pharmacy ng ospital. Minabuti ko nang ipagtapat sa kanila ang lagay ni Nanay at kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila nang malaman ang karamdaman ni Nanay. "Kakayanin natin na malampasan ito." pagpapalakas ko sa loob nila, not really kung paano namin masusuportahan ang mga pangangailangan namin sa pang araw araw na gamutan ni Nanay, sa pagkain pa nga lang hirap na hirap na kami sa mga gamot pa kaya. "Ate puwede pa kitang makausap?" ang tawag sa akin ni Sadie, sandali kong iniwan ang ginagawa kong pagluluto para pakinggan ang kung anuman sasabihin nito. "Gusto ko na munang magdrop out para makatulong sa mga gastusin natin." seryoso nitong sinabi. "Hindi ka titigil sa pag-aaral mo Sadie yan ang itaga mo sa bato, ako ang panganay at nagdecide na akong tumigil sa pag-aaral para makapagfocus ako sa pagtatrabaho." determinado kong sinabi dito, nakita ko naman ang pagkagital sa mukha nito sa narinig. "Pero Ate matagal mong pinangarap at pinaghirapan na makapasok sa school na iyon, alam ko kung paanong pagsusumikap ang ginawa mo para lang matanggap sa paaralan na iyon." pangungumbinsi nito para payagan ko siyang huminto. "Huwag kang mag-alala puwede naman akong bumalik sakaling matapos na ang mga pagsubok sa pamilya natin, huwag kang mag-alala Sadie mas importante kayo ni Nanay para sa akin." nakangiti kong sinabi dito at bigla ang naging pangingilid ng luha sa magkabilang mga mata nito na pilit nitong tinatago. "Halika nga dito." tawag ko dito sabay hatak palapit sa akin giving her a tight embrace. The following day ay nagdecide akong dumiretso sa school at kausapin ang Dean ng aming buinding at pinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon na kinahaharap nang pamilya, pilit kong hindi pinansin ang pagtitinginan nang mga schoolmates ko at bulung-bulungan nila sa ginawa kong pagtatapat kay Elijah ng nararamdaman ko. Naiintindihan naman ni Dean ang pinagdadaanan ko ngunit sa kasamaang pala ay mawawala sa akin ang scholarship ko sakaling magdrop out ako, masakit man sa akin ay tinanggap ko ng bukal sa loob ang desisyon na iyon dahim mas kailangan ako ng pamilya ko. "Mamimiss kita Shaira." ang malungkot na sinabi ni Lailani nang magpaalam na ako dito, dahil ito lang naman ang naging kaibigan ko habang nasa school ako. "Ganoon din ako Lailani, alam mo naman na ikaw lang ang naging kaclose ko dito eh." malungkot kong sinabi dito at matapos ko siyang yakapin ng mahigpit ay nagpaalam na din ako dito. Sa paglalakad ko hindi sinasadyang nakita ko si Elijah na naglalakad patungo sa parking lot ng school, hindi ko maiwasan malungkot dahil simula ngayon ay malabo nang magkita pa kami ng binata, at agad kong kinastigo ang sarili ko dahil hindi ako dapat na nakakaramdam ng lungkot dahil kumbinsido pa din ako na ito ang dahilan kung bakit kumalat ang nangyari sa pagitan naming dalawa. "Paalam Elijah, salamat at kahit paano ay natutuhan kong hindi laging happy ending ang isang love story." malungkot kong sinabi sa sarili at tuluyan na akong lumabas sa school na minsan na pinangarap ko at ngayo'y iiwan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD