CHAPTER 3: Love Letter

2299 Words
-=Shaira's Point of View=- It's been almost a month since una akong pumasok sa school na iyon and as usual wala pa din akong kaclose sa school maliban na lang kay Lailani. "Huwag mong isipin ang mga snob mong mga classmates ang mahalaga ay nag eexcel ka sa klase mo para mamaintain mo yung scholarship mo." Lailani said trying to lift my spirit. "Alam mo tama ka, hindi ko dapat problemahin kung walang pumapansin sa akin, the hell I care with them." sagot ko naman dito, pero kahit ganoon medyo nakakalungkot pa din naman siyempre pero kailangan ko lang isipin ang dahilan nang ginagawa kong pagsisikap at para iyon sa mga mahal ko sa buhay. "That's the spirit Shaira, you go girl!" natatawa nitong sinabi sa akin kaya naman sabay kaming nagkatawanan, the usual nasa rooftop ulit kami at kumakain ng lunch nagiging tambayan na nga namin ang lugar na iyon mabuti na lang at walang nagagawing mga estudyante sa parteng ito nang school. Sa totoo lang hindi ako makapaniwal na halos isang buwan na din pala ang nakakalipas sobrang bilis talaga nang panahon at sa mga nakalipas na mga araw ay madami na din ang nangyari. Halos kasabay nang pagsisimula ko sa school ang pagtatrabaho ko naman sa Jollibee at kahit paano naman ay nakakatulong iyon sa mga pangangailangan namin sa bahay at sa school dahil kahit may allowance na binibigay sa akin ang school ay hindi pa din iyon sapat dahil nauuwi lang iyon sa mga libro at kung anuman may kinalaman sa school projects, patuloy pa din akong nagsasideline sa karinderya ni Aling Nena dahil every peso count ika nga, maliban pa doon ay nagiging maayos ang pag-aaral ko kaya masasabi ko namang all in all ok naman ang lahat maliban na nga lang sa isang bagay. At iyon ay si Elijah, for some reason kahit hindi nga kami nito close ay parang mas lumalim ang nararamdaman ko para dito, hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat basta saka ko na lang namamalayan na gustong gusto ko siyang tinitignan palagi kaya nga madalas akong pumupunta sa building nila hoping to see him even for a glimpse. Call me anything you want, ngunit sa ito na nga lang ang nakakapagpasaya sa akin sa school na ito, ang makita si Elijah Salazar kahit man lang sa malayo kahit sandali lang, I'm pretty sure na hindi nga ako nito kilala kahit na nga ba muntik na ako nito mabangga ng kotse ng unang araw ko sa school. "Please lumabas ka na." piping dasal ko at mukhang malakas naman ako kay Bro dahil sa wakas ay lumabas na din ito still with that grim expression on his face kahit kailan hindi ko pa ito nakitang ngumiti man lang pero kahit ganoon ay hinding hindi ko pagsasawaan pagmasdan ang mukha ng nito. Buo na ang araw ko kaya nang pumasok ako sa trabaho ay napansin agad nang mga kasamahan ko ang kakaibang ngiti na nakaguhit sa mga labi ko. "Wow Shaira mukhang inspired ka ata ngayon ah dahil ba sa akin yan?" natatawang biro ni Mac sa akin pero alam ko naman may kahulugan iyong sinabi nito, nanliligaw kasi ito sa akin simula nang magstart ako ngunit sa simula pa lang ay tinapat ko na dito na wala sa isip ko ang magnobyo ngayon dahil ang nasa isip ko ay ang makapagtapos well maliban na lang kung si Elijah ang mangliligaw baka ibang usapan na iyon pero alam ko namang malabong mangyari iyon. "Sira ka talaga Mac, magtrabaho na nga tayo." natatawa kong sinabi dito, kahit mabigat ang trabaho ay hindi ko iniinda ganito talaga siguro kapag inspired ang isang tao. Pagkauwi ay agad akong nagpalit nang pambahay at mabilisan kumain at pagkatapos non ay dumiretso agad ako sa karinderta doon ko naabutan si Sadie. "Bakit ngayon ka lang Ate?" tanong nito sa akin na abalang nagliligpit nang mga pinagkainan nang kakatayo lang na customer. "Pasensya na may inayos pa kasi ako sa trabaho, nandyan na ba si Ate?" tanong ko dito. "Wala pa mabuti at hindi ka naabutang late kung hindi mapapagalitan ka na naman nun." ang nasabi niya sa akin. Nagsimula na kaming magtrabaho mabuti na lang at hindi naman masyadong parokyano si Aling Nena kaya kahit paano ay naisisingit ko ang mga assignment ko sa mga oras na iyon. Mabait naman si Aling Nena at hinahayaan kami kung wala naman masyadong customer alam din kasi nito ang sitwasyon naming magkapatid, ganito ang nagiging routine ko sa nakalipas na halos isang buwan at kahit paano ay sana na ako na walang masyadong tulog, wala din naman kasing choice ang isang mahirap na tulad ko, kaya naman mabuti na lang at kahit paano ay may isang taong nagpapasaya sa akin. Sabay na kaming nakauwi ng kapatid ko at kung susuwertihin pa ay pinauwian pa kami ni Aling Nena nang ulam, pareho kaming pagod ni Sadie ngunit mas doble ako kasi nga dalawa ang trabaho ko. Naabutan namin si Nanay na inaayos ang mga pinamili nito sa Divisoria na ititinda naman nito, hindi ko maiwasang hindi mag-alala nang marinig ko ang sunod sunod na pag-ubo nito. "Nay mukha mas lumalalala na ata ang ubo ninyo ah, mabuti pa kayang samahan ko na kayong pumunta sa center para macheck kayo." ang sabi ko dito habang hinahagod ko ang likod nito. "Ano ka ba naman na bata ka, sinabi ko naman sayo na simpleng ubo lang ito." sinabi nito ngunit nang makita nito ang biglang paglungkot nang itsura ko ay nangako na din itong pupunta ng center sa sabado kaya kahit paano ay napanatag na ang dibdib ko. Dahil na din sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog matapos kong magdasal, ipanagdasal ko ang si Nanay, si Sadie, si Lailanie at siyempre pati na din si Elijah. The following day ay ganoon pa din ang routine ko ang tignan siya sa malayo ngunit parang bigla akong napagod sa ginagawa ko kaya naman isang desisyon ang nabuo ko, hindi ko alam kung kabaliwan ba ang binabalak ko o hindi ngunit alam kong kailangan ko nang kumilos. "What?! Nababaliw ka na ba talaga Shaira, anong ibig mong sabihin na magtatapat ka kay Elijah, huwag ka ngang magbiro nang ganyan." umiiling na sinabi ni Lailani ng marinig nito ang plano ko para bukas. "No Lailani, I'm dead serious about my decision, sasabihin ko na kay Eliijah ang nararamdaman ko at kasabay noon ang pagbigay ko nang love letter sa kanya." nakangiti kong sinabi dito, hindi ko na pinansin ang naging reaksyon nito basta desidido na ako. Sabi nga nila papaano mong malalaman kung walang chance ang isang bagay kung hindi mo naman susubukan, kaya naman bukas na bukas ay ipagtatapat ko sa kanya ang nararamdaman ko. Kaya naman nang matapos ko ang lahat ng klase ay dumaan ako sa National Bookstore para bumili ng stationary paper, natatawa nga ako sa gagawin ko kasi ang lakas makahigh school pero wala akong pakialam dahil para ito sa taong gusto ko. Agad akong umuwi nag bahay dahil wala naman akong pasok sa store ngayon at sinimulan isulat ang love letter ko at dahil ito ang kauna-unahang beses kong gagawa ng love letter ay hindi ko alam kung paano ito sisimulan. "Ano yan?!" nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Sadie sa kung saan at sa asar ko ay binato ko ito nang pambura na agad din naman nitong naiwasan kasabay nang malakas na pagtawa. "Wala ka nang pakialam doon, lumabas ka na nga." nayayamot kong sinabi dito but knowing Sadie ay hindi ako nito tatantanan sa mga pang-aasar nito. "Aren't you too old for that kind of cheesy love letter?" patuloy nitong pangbubuska na tinignan ko lang nang walang kabuhay buhay na tingin at finally mukhang sumuko na din ito at palabas na sana ng sandali itong huminto at muling tumingin sa akin. "Isulat mo lang ang totoo mong nararamdaman, walang halong flowery words just sincerity, isulat mo kung ano ang nasa puso mo nang walang tinatagong kahit na ano at sigurado akong makakarating sa kanya yan." ang huling sinabi nito bago tuluyang lumabas nang kuwarto.  Napaisip naman ako sa sinabi nito at tama ito kailangan maging sincere at honest ang kailangan kong isulat and with that in mind ay nagsimula na akong magsulat. "Dear Elijah." pagsisimula ko, pinilit kong ituon ang lahat nang nararamdaman ko habang sinusulat ko ang letter na iyon para kay Elijah at umaasa akong makakarating sa puso ni Elijah ang mga bagay na sinulat ko. I sealed the letter with a smile on my face, I used a light blue envelope na binili ko din kasama nang stationery paper, at lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang makita ko ang love letter para sa taong unang nagpatibok nang puso ko.  Masigla kong tinapos ang lahat ng kailangan kong tapusin nang araw na iyon, nakapagluto na din ako ng pagkain namin at sakto naman ang pagdating ni Nanay na parang mas lalong lumalala ang ubo. "Nay bukas na bukas din ay pupunta na tayo sa center." mariin kogn sinabi dito, ngunit ngumiti lang ito at ginulo ang buhok na madalas nitogn gawin noong bata pa ako. "Huwag na anak, hindi ba sinabi ko naman sayo na sa Sabado na ako magpapatingin." pagtanggi nito. "Pero......" sinabi ko dito ngunit pinigilan lang ako nito. "Huwag ka nang mag-alala anak sa Sabado pangako, saka ayokong umabsent ka sa school mo bukas." sagot nito wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon dito dahil ayoko naman na magtalo kami pero hindi pa din nawala ang pag-aalala ko para dito. Sabay sabay na kaming kumain nang hapunan na madalang ng mangyari dahil na din pare-pareho kaming busy sa mga ginagawa namin, namiss ko ang ganito na sabay sabay kaming kumain, masayang nagkukuwentuhan kung ano ang mga nangyari sa mga araw namin. Nang nakahiga na ako sa kama ay saka ko lang naramdaman ang kaba dahil ngayon ko lang naman gagawin ang magtapat sa taong gusto ko. "Kaya mo to Shaira!" pagpapalakas ko sa loob ko at matapos non ay nagdasal ako na sana ay maging ok ang lahat pati na din ang paggaling ng Nanay ko. Kinabukasan ay maaga akong gumising, naghanda nang mga gamit ko, nakapagluto na din ako ng almusal para kay Nanay at kay Sadie, hindi na ako nakakain dahil hindi ko yatang kumain dahil sa kabang nararamdaman ko. Alas siyete pa ang pasok ko ngunit six palang ay nasa school na ako at katulad nang inaasahan ay wala pang masyadong tao sa campus, natext ko na din si Lailani na imeet ako sa rooftop at sakto naman nandoon na pala siya. "Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa binabalak mo Shaira, may oras ka pa naman para magback out." seryoso nitong sinabi na tinawanan ko lang kahit na nga ba punong puno nang agam agam ang dibdib ko. Tumunog na ang bell to signal the start of class kaya dumiretso na ako sa classroom ng unang subject ko, and my mind is goofing off since iniisip ko kung ano ang mangyayari. Finally lunch break, ang oras para magtapat ako, nakipagkita muna ako kay Lailani bago ako umalis sa classroom. Pinuntahan ko si Elijah sa usual na puntahan niya ngunit wala, matatapos na ang lunch break ngunit hindi ko pa siya makita. "Nasaan na kaya siya?" tanong ko sa sarili ko. I tried to ask couple of students ngunit tinignan lang ako nito na parang nakakaistorbo ako. Sumuko na ako at dumiretso na lang ako sa paborito naming tambayan ni Lailani which is sa rooftop, malungkot ako habang papanik ng rooftop dahil hindi ko naibigay ang sulat ko para sa binata. Sa taas ng rooftop isang imahe ang nagpahugot ng malalim sa paghinga ko, hindi ako makapaniwalang nandito lang pala siya. None other than Elijah Salazar, para akong nanginginig habang nakatingin ako sa guwapong mukha nito, mukhang hindi nito napansin na may kasama na ito sa lalim ng iniisip nito. "Eli." mahina kong tawag dito at napansin kong nagulat ito sa pagtawag ko dito. "Who are you?" he asked me at tama nga ang hinala ko na hindi ako nito natatandaan. "Uhmm kasi may... gusto...sana... akong... sabihin sayo." kandabulol bulol ko dahil sa kaba, ibang iba pala talaga pag totoong buhay na kaysa sa pagpapractice ko sa bahay. He waited ngunit dahil na nga din sa kaba ko ay walang salitang lumabas sa bibig ko at sa inis nito at nilagpasan na ako nito. "Eli gusting gusto talaga kita." malakas kong nasabi dito na nagpabalik sa binata, hindi ko makita ang expression nito dahil nakayuko ako habang hinihintay kong abutin niya ang sulat na ginawa ko. "Sorry wala akong nararamdaman sayo." malamig nitong nasabi na biglang nagpatingin sa akin sa mukha nito, parang sinasaksak ang puso ko nang makita ko ang walang emosyon mukha ng binata. "Ah ganun ba baka puwede naman basahin mo man lang tong sulat ko sayo." pakiusap ko pilit kong binibigay ang sulat ko ngunit ayaw nitong kunin at dahil natabig nito ang kamay ko ay nabitawan ko ang sulat ko na naglaglag sa baba ng building. I looked at him disbelief in my eyes sa ginawa nito, hindi ako makapaniwala na ganito siya kacold na tao. "Leave me alone." ang huling sinabi nito bago umalis. Naiwan akong nanghihina ang tuhod at nanlulumo dahil ang taong nagpapasaya sa akin sa school ay sinaktan ako. Naabutan ako ni Lailani na umiiyak habang nakatakip ang dalawang kamay sa aking mukha, naramdaman ko na lang na niyakap ako ng aking kaibigan. "Sige iiyak mo lang Shaira." ang sabi nito habang hinahagod ang likod ko ang sakit sakit pala talaga ito ang unang beses kong nagmahal at unang heartbreak ko, sinong makakapagsabi na ang taong mahal na nakakapagpasaya sayo ng labis ay ang taong magbibigay sa yo ng sobrang sakit na damdamin. Hindi ko na pinasukan ang mga natitirang klase ko at dumiretso na akong umuwi, at pagkauwi ko ay sinalubong ako ng kapitbahay namin na si Aling Lucy. "Naku Shaira mabuting nandyan ka na, ang Nanay mo sinugod sa ospital!" ang sabi nito at parang namanhid ang buong katawan ko nang marinig iyon at dali dali akong sumakay ng jeep papunta sa ospital. "Please God huwag niyo pong pabayaan si Nanay." tahimik kong panalangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD