-=Shaira's Point of View=-
Hindi pa din ako makapaniwala na ang taong minahal ko noong college ako ay nasa harapan ko ngayon, it's none other than Elijah Salazar.
"Ikaw? Pero anong ginagawa mo dito?" I asked as if hindi ko pa nahuhulaan kung bakit.
"Isn't it obvious?" he said wiht a cold voice, lacking for any emotion just like the times in college.
"Pero bakit, bakit kailangan mo akong bilhin?" I asked him confused kung ano ba talaga ang nangyayari since for me it doesn't make any sense.
"I don't need to explain myself, you are just here to do what I tell you to do without any questions." he said and after he left the room ay naiiwan akong litong lito sa mga nangyayari.
Paanong ang isang Elijah Salazar ang bumili sa akin it doesn't make sense considering what happened in college.
Hindi ko mapigilan isipin ang nangyari mahigit tatlong taon na ang nakakalipas when I started going to college, the day I met Elijah Salazar.
Excited ako dahil first day of school and upcoming freshman ako sa international school bandang Quezon City, actually hindi nga ako makapaniwala na papasa ako sa school na yun considering mga rich and famous lang ang nakakapasok doon kahit na nga ba Valedictorian ako sa high school namin iba pa din talaga ang curriculum sa private school nakagraduate kasi ako sa public school which is ok naman ang turo pero iba pa din talaga sa private school.
"Sigurado bang handa na ang lahat ng kailangan mo, sigurado bang wala ka nang nakalimutan?" tanong sa akin ni Nanay, parang mas excited pa nga siya kaysa sa akin sa unang araw ko sa school na iyon.
"Opo handa na ang lahat, don't worry." I said napapangiti ako habang nakikita ko ang paghahanda ni Nanay.
"Kung buhay pa sana ang Tatay mo ay siguradong proud na proud din siya sayo." mangiyak ngiyak nitong sinabi sa akin.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi malungkot pagka alala ko sa Tatay ko, sobrang bait kasi ng Tatay ko at mahal na mahal kami ni Tatay nang nabubuhay pa ito.
Kung hindi lang sana maaga itong nawala dahil naaksidente nang isang lasing na driver ay mas masaya sana kami.
Namatay kasi si Tatay fourteen years old pa lang ako at simula noon ay si Nanay na ang mag-isang tumaguyod sa aming magkapatid, tumutulong tulong din naman kami ni Sadie sa kanya kapag umuuwi kami sa school nag papart time kasi ako sa isang karinderya sa kabilang kanto lang pero hindi pa din sapat iyon sa pang araw araw naming pangangailangan.
"Huwag niyo na pong isipin iyon Nay ang mahalaga ay tahimik na si Tatay kung nasaan man siya ngayon." nakangiti kong sinabi dito na sinabayan ko pa nang mahigpit na mahigpit na yakap.
"Grabe ang drama niyo naman." biro sa amin ni Sadie nang maabutan kaming magkayakap.
"Sira mag ayos ka na at maaga din ang pasok mo." sinabi ko dito at matapos kong magpaalam ay sandali ko ulit chineck ang mga gamit ko bago ako dumiretso sa sakayan ng jeepm inabot din nang isang oras ang naging biyahe ko at dahil mga mayayaman nga ang mga pumapasok sa school na iyon ay mga dekotse ang mga mag-aaral nang school na iyon at walang jeep na ruta doon, ako lang kasi ang kauna unahang mahirap na high school graduate ang nabigyan nang scholarship sa school na iyon.
The only way to get there is by riding a tricycle at since special trip ay may kamahalan iyon kaya naman nagdecide na lang akong maglakad na inaabot din ng kulang kulang trenta minutos and by the time na makarating ako sa gate ng campus ay medyo pawisan na din ako.
Lahat ng nakikita kong estudyante ay nakasakay sa magagarang sasakyan, I tried not to feel intimidated ngunit kahit ganoon ay hindi ko pa din maiwasang hindi makaramdam nang ganoon.
"Ano ka ba naman Shaira! Isipin mo na lang na pareho din naman kayong kumakain ng kanin, kahit na nga ba NFA ang kinakain mong kanin samantalang sila ay Zoe's Rice Pilaf." sa loob loob ko na hindi din nakatulong sa akin.
I tried my hardest to block all the negative thinking in my mind and tried to focus in one thing and that is to excel in my studies para na din sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.
And with that in mind ay dumiretso na ako sa gate ng magiging school ko, at matapos isuot ang I.D. ko ay dumiretso na ako papasok sa loob.
Pagkapasok sa loob ay agad akong namangha sa nakita ko sa loob dahil mas mukhang first class hotelesort ang loob ng campus kaysa school, no wonder kung bakit ganoon na lang kahirap pumasok at makapasa nang scholarship sa school na ito.
I checked the registration card in my hand at ang mga list ng subjects na meron ako at kung saang building ang mga subjects ko nang araw na iyon kaya naman hindi ko napansin ang isang umaadar na itim na Jaguar galing sa gate.
Nagulat na lang ako nang makarinig ako nang malakas na busina sa bandang gilid ko and when I looked ay saka ko lang napagtanto ang ilang halos dalawang inches na agwat na lang pala ay nabundol na ako ng kotse, mas lalo akong nataranta ng makarinig ako ng sigaw mula sa driver ng kotse.
"Are you trying to kill yourself!" he shouted na nagpantig ang tenga ko sa narinig, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para sigaw-sigawan and I was about to answered back ng makita ko ng mabuti ang may-ari ng kotse.
Parang biglang tumigil ang mundo sa pag-ikot, I was mesmerized looking at this handsome man in front of me.
If I didn't believe in Greek gods before ngayon ay parang nagdadalawang isip na ako, chinitong mga mata na pinapalibutan ng mapupungay na mga pilik, matangos na ilong, manipis at mapulang labi na parang ang sarap halikan and the way his mouth move habang nagsasalita ito is oozing with sexiness
"Did I pass?" he asked irritably which confuses me.
"Sorry ano iyon?" I asked him and saw him sigh.
"Ang sabi ko nakapasa ba ako? Sa paraan kasi ng pagtingin mo parang nag undergo ako ng examination eh." inis nitong sabi at bumalik na sa sasakyan nito.
Hinahabol ko pa din siya ng tingin hanggang tuluyan nang makalayo ang kotse nito hindi ko naman mapigilan mamula dahil sa kahihiyan ng marealized kong pinagtitinginan ako ng mga tao.
Dali dali akong umalis sa lugar na iyon ngunit hindi ko pa din mapigilan isipin ang taong nakakuha ng atensyon ko.
"Ano kayang pangalan niya." I asked myself.
After spending half an hour of my time ay finally nakarating na ako sa unang klase ko, good thing at maaga akong pumasok kung hindi malamang na late na ako.
Sa classroom na pinasukan ko ay mukhang hindi pa kumpleto ang mga estudyante at may sari sarili silang grupo at nang pumasok ako ay sandali lang nila ako tinignan at parang may way sila na malaman na hindi nila kauri ang isang tao dahil after just one glance ay bumalik na ito sa kani-kanilang kuwentuhan.
I decided to take the seat on the far left side of the room near the exit, at after fifteen minutes ay dumating na ang prof namin at hindi ako makapaniwala na sobrang guwapo ng teacher namin, parang artistahin ang dating.
Natapos ang klase at may dalawa pang klase akong pinasukan at sa dalawa subject na iyon ay maganda at guwapo ang mga naging teacher ko, iniisip ko tuloy kung requirement ba para makapagturo sa school na ito ang looks.
Narinig ko ang pagtunog ng bell to signal the recess, sa totoo lang ito ang pinakatatakutan kong oras dahil ito ang oras para makihalubilo ako sa mga classmates and schoolmates ko at base sa nexperience ko nang pumasok ako sa classrom ay malamang sa malamang ay walang papasin sa akin mga nine nine point nine percent akong sure doon.
Sinunod ko lang ang arrows and sign hanggang makarating ako sa school cafeteria na parang five star restaurant sa ganda, naupo ako sa bandang sulok at napansin ko na ako lang ata ang may dalang baon.
Dahil sa pagkailang ko, I decided na maghanap na lang ng mapupuwestuhan na tago sa kahit na kanino.
I find myself in the rooftop of the school ngunit mukhang okupado na ng may nakita akong babaeng nag lalunch.
Ngumiti lang siya sa akin which is a good sign kaya umupo na din ako sa tabi nito.
"Estudyante ka din?" I asked her, ngunit umiling lang ito at sinabing nagtatrabaho ito bilang janitress ng school, makuwento si Lailani at nakapagayanloob ko din siya agad mabuti na lang dahil mukhang wala akong magiging kaibigan sa mga classmates ko because lahat sila ay mga snob.
"Hayaan mo na lang sila, ganoon siguro kapag mayayaman hindi sila nakikihalubilo sa hindi nila kauri, oops sorry kung masyadong harsh ang nasabi ko." pagsosorry sa akin nito.
"Hindi ok lang, totoo naman na mahirap ako." natatawa kong pagpapaliwanag dito, masayang kausap si Lailani.
Sabay na kaming bumaba ng rooftop dahil babalik na din kasi ito ng trabaho, agad kong napansin ang isang imahe na nakaagaw agad ng atensyon ko kanina pa lang pagpasok ko sa school.
"Lailani, kilala mo ba iyong lalaking iyon?" turo ko sa lalaking muntik na akong mabangga.
"Sino?" she asked me, nagpalinga linga.
"Ayung lalaking matangkad at guwapo." nahihiya kong turo sa kanya.
"Ah si Elijah Salazar yan, fourth year college taking BS. Management, pinakasikat na estudyante sa school at sobrang aloof sa halos lahat ng tao, always top in every academic and extra currilum activities." sinabi nito na para bang alam na alam ang mga achievement ng binata. "Bakit crush mo?" tanong nito sa akin.
"Oo eh."nahihiya kong sagot kasabay nang pag-iinit nang dalawang pisngi ko, hindi naman sigurong masamang magkacrush di ba.
"Just a piece of advice Shaira, kalimutan mo na ang nararamdaman mong paghanga kay Elijah, si Elijah kasi ang klase ng tao na hindi nakikipaglapit sa kahit na kaninong tao, he might be the most popular guy in school pero wala sa ugali nito ang makipagkaibigan, believe me madaming nagtangkang lapitan siya ngunit sadyang mailap si Elijah." pagpapaliwanag nito sa akin.
Habang naglalakad kami ay madami pa siyang ikinuwento na mga bagay bagay tungkol kay Elijah. Nalaman ko na maliban sa sikat ito ay ito pa pala ang pinakamatalinong estudyante sa buong school, maliban pa doon ay star player ng basketball team, at sa lahat ng bagay ay nag eexcel sa lahat ng gawin nito, nabalitaan ko din na ang Tatay nito ay isa sa pinakamayaman hindi lang sa Pilipinas maski sa buong Asya.
"Mukhang malabo ngang mapansin niya ako." malungkot kong bulong sa sarili na hindi ko namalayan na napalakas pala.
"Medyo, pero cute ka naman." Lailalani said na kahit paano ay nagpangiti sa akin ngunit hindi pa din mawaglit sa isipan ko si Elijah at nacucurious ako sa taong iyon.
After naming magpalitan ng mga numbers ay dumiretso na ako sa susunod kong klase and as usual I am in my own world sa paraan ng pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko.
But it doesn't stop me to excel in classroom recitation and I don't give a damn kung isipin nila na show off ako, dahil hindi tulad nila na nasa kanila ang lahat at hindi nila kailangan magsumikap, kailangan kong mag aral upang mabigyan ko nang magandang buhay ang pamilya ko.
Finally uwian, ang lahat ay nag-uusap usap kung saan ang mga lakad nila ngunit hindi ako since kailangan kong maghanap ng trabaho.
At katulad kanina ay naglakad ako ng thirty minutes para makarating sa main road upang sumakay ng jeep, sa paglalakad kong iyon ay muli kong nakita ko si Elijah riding his black Jaguar, nakababa ang side window nito at kitang kita ko ang guwapo nitong mukha while wearing a black ray ban.
Hindi ko mapigilan mapangiti habang tinatanaw ko ang papalayong kotse ng binata.
Pumunta ako ng Trinoma upang maghanap ng trabaho at sakto naman na may interview sa Jollibee and luckily got hired right there and then and they are giving me one week upang maayos ko ang lahat ng requirements ko.
Medyo madilim na nang makauwi ako at as usual nagbihis lang ako nang pambahay at dumietso na ako sa karinderay ni Aling Nena dahil kailangan ko ng pera para sa pagkuha ko ng requirements.
Bandang alas onse na nang gabi nang matapos ako at hindi pa ako puwedeng magpahinga since kailangan ko pang magreview ng mga aralin namin, dun na ako naabutan ni Nanay.
"Oh bakit gising ka pa Shaira?" tanong sa akin nito nang mag mano ako dito at kinuha ang mga dala dalang gamit nito.
Nagtatrabaho kasi ang Nanay ko bilang massage therapist bandang Quezon City din at maliban doon ay nagbebenta din ito ng kung ano anong bagay na binili nito sa Divisoria.
"Tinatapos ko lang po assignment ko." answering her question, sandali muna akong tumigil at pinaghanda ko siya ng makakain.
"Kamusta naman ang unang araw mo sa school." she asked me while eating her dinner.
"Maayos naman Nay, mababait naman ang mga kaklase ko." I said, hindi ko sana gustong magsinungaling dito ngunit ayaw ko naman siyang mag alala kapag nalaman niya ang totoo.
Mag aalas dose na din ng matapos ko ang aralin ko at matapos kong magtoothbrush at maligo ay humiga na ako sa tabi ng kapatid ko since magkasama kami sa kuwarto.
Kahit pagod na pagod sa araw na iyon ay hindi ko mapigilan mapangiti thinking about Elijah Salazar, at ang imahe niya ang huli kong naisip ng talunin na ako ng antok.