Bago ako pumasok sa skwela ay sinisiguro ko munang malinis ang kulungan ng mga alagang aso ng masungit kong amo at araw-araw ko silang pinaliliguan. Habang nagpapakain ako sa sampung aso na may iba't-ibang lahi sa loob ng kwarto ay biglang bumukas ang pinto.
Paglingon ko nakita ko ang amo kong masungit, nakatopless lang ito as in walang anumang saplot pang-itaas. At nakaboxer shorts lang ito.
Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa maumbok niyang harapan. “S-sir, may ipag-uutos ka po ba?” nauutal kong tanong.
“Pinagnanasahan mo ba ako babae?” malamig na tanong nito sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin sa alaga niya. “H-hindi ho sir!” mariin kong tanggi kahit ang totoo ay gusto ko ng kagatin at sunggaban ang alaga niya na kanina pa ako inaakit.
“You pretty sure? Kasi once nalaman kong pinagnanasahan mo ako, you will gonna meet mine! May kalalagyan ka talaga sa akin, babae!” banta nito. Sunod-sunod akong napamura sa aking isipan, sa mga oras na ito ay tinotorture ko na siya sa sarap.
“Buang!” bulong ko pa pero bigla niya akong pinagtaasan ng kilay at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. “Are you cursing me, Miss?” kagat-labi niyang tanong sa akin na halos ikinabaliw ko na sa mga sandaling ito.
At nabalik ako sa realidad nang bigla nalang niya akong itulak, dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Ang sakit ng pwet ko, piste siya.
“Ano'ng problema mo sa akin, sir? Lakas ho ata ng trip niyo?” walang bakas na takot na tanong ko sa kaniya, ngumisi lamang siya.
---
Imbes na sagutin ako ay lumabas ito ng kwarto at naiwan akong nakaupo sa sahig. Walangya talaga ang lalaking iyon, lagi nalang akong pinagtritripan. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang suot kong uniporme.
Gaganti ako sa bwesit kong amo na iyon. Hindi porket ganito ako ay malaya na niyang gawin lahat ng gusto niya. Hindi ako makakapayag!
Nakabusangot akong pumasok sa skwela, kay aga-aga at ako na naman ang pinagtsitsismisan ng mga kaklase ko. Hays!
Nakapoker face lamang ako. Hanggang sa dumating si Professor Matteo—ang ultimate crush ko. Ang bumubuhay sa p********e ko.
“Oy! Tignan niyo si Riri, pinagnanasahan niya na naman si Professor Matteo!” rinig ko sa isa sa mga kaklase kong babae.
“Oo nga, kahit kailan talaga ang babaeng iyan ay napakamanyak!” sang-ayon pa ng isa.
“Akala niya siguro ay papatulan siya ni Prof! Asa!” kapal rin ng mukha niya na sabihin iyan, maganda ako at may s*x appeal hindi tulad nila na gumanda lang sa make up. Ako kasi kahit walang make-up, natural ang beauty ko.
Mabilis na lumipas ang oras. At ngayon ay nasa canteen ako kumakain ng mag-isa. May credit card na binigay sa akin si Maam Olivia at iyon ang ginagamit ko para mabili lahat ng pagkain na gusto kong kainin.
“Putcha!” mura ko at sabay na napatayo nang may bumuhos ng sa ulo ko ng spaghetti. Pinagtatawanan ako ng mga estudyante.
Nasa harapan ko ang bruhildang si Criselda, ang isa sa mga bully ko sa unibersidad na ito kasama ang mga alipores niya. “oops! Akala ko, basura hindi pala!” turan nito sa akin habang nagkibit-balikat.
Umusok ang ilong ko sa galit at mabilis na lumipad ang kamao ko sa mukha niya. “Oops! Akala ko punching bag!” ginaya ko pa ang boses niya. Napatili siya sa inis.
“I kill you b***h!” sigaw nito sa galit.
I smirk. Siya yong nauna sa aming dalawa tapos ngayon magagalit siya. Ingudngod ko mukha niya sa sahig eh. “Ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Tignan mo nga iyong ginawa mo sa ulo ko?!” hindi pwede na apak-apakan niya lang pagkatao ko. Nagtawanan ang ibang mga estudyante habang nakatingin sa akin.
Akala mo kung sinong mayaman eh, kabit ni Congressman ang nanay niya. Saan ko nakuha ang impormasyon? Nakita ko mismo na nakipaghalikan iyong nanay niya na matapobre at feeling maganda kay Congressman Llares.
At kapag ako talaga hindi na nakapagtimpi pa sa pangbubully niya sa akin ay isisiwalat ko talaga ang baho nilang mag-ina. “Subukan mo, at para malaman ng lahat ang tinatagong baho mo!”
“Isusumbong kita kay mommy! At sisiguraduhin kong mapapatalsik kita sa unibersidad na ito! Tandaan mo iyan, Riri!”
Sumbungera talaga. Akala niya siguro ay takot ako sa kanilang mag-ina. Hindi ko sila aatrasan kahit ganito lang ako. Mayaman nga sila pero kapit patalim naman kay Congressman ang nanay niya.
“I will make sure, you'll pay everything you've done to me!” dagdag niya pa at sabay na nag-walkout kasama ang dalawa niyang alipor3s.
Nagtungo ako sa locker ko at kumuha ng extra'ng uniform. At habang naliligo ako ay may dalawang estudyante ang nag-usap papasok. “What does she mean? Iyong isisiwalat niya raw baho mo? Did she knew everything about you?”
Ang mga bully pala. Nakinig lamang ako sa usapan nila. Hindi nila alam na nandito ako sa loob. “I don't know what she's talking about, Lis! Pinahiya niya ako kanina sa canteen kaya't gaganti ako!”
Edi gumanti siya. Paano nalang kaya kapag nalaman ng mga kaibigan niya na isa siyang bayarang babae, samantalang kabit naman ang nanay niya ni Congressman? For sure, itatakwil siya ng circle of friends na ipinagyayabang niya.
KINABUKASAN, pagpasok ko ng unibersidad. Ang lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin habang nagbubulungan. “Oh my god! Magnanakaw pala ang babaeng iyan! Kung sabagay, laking skwater naman siya!”
Ako magnanakaw? Punyeta,may ideya nako kung sino ang nagpakalat niyan. Walang iba kundi si Criselda. Sinagad niya talaga ang pasensya ko.
“Hindi lang iyan shoplifter, she's also a slut! A fvcking prostitute at kung sino-sino nalang ang pinapatulan niyan. Balita ko kay mga foreigner raw ang pinupuntirya niya!” nandidiring dagdag ng isa pa habang nakatingin sa akin.
Binaliktad pa ako. Lumapit ako sa grupo ng babae. “Ulitin niyo nga ang sinabi niyo!” utos ko pa.
Tatalikod na sana ang isa sa kanila nang hilahin ko ang buhok nito. “Ako shoplifter at prostitute? Alam niyo bang pwede kayong ma-expell sa ginawa niyo?!” mahigpit ang pagkakahawak ko sa buhok nung estudyante.
“Let her go!”
Walang pag-alinlangan kong inginudngod ang mukha nito sa lupa. At maya-maya ay dumating si Criselda kasama ang dalawa niyang kaibigan.
“Naghahasik ka na naman ng lagim sa unibersidad na ito, Ri!” binitawan ko ang buhok nung babae at hinarap ko si Crisel.
Mula ulo hanggang paa ko siyang tinignan na hindi niya nagustuhan. “Balita ko, shoplifter at prostitute ka raw!” may diing wika niya habang nagkibit-balikat.
“Ako? Baka ikaw at ang nanay mo!”
Napatakip ng bibig ang dalawa niyang kaibigan nang marinig ang sinabi ko. At biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. Halatang nagulat. “What are you talking about?!” ramdam ko ang panginginig niya sa mga oras na ito.
“Denial ang gaga! You are--”
“Ay wag nalang pala, baka madepress at ikamatay mo pa kapag nalaman nila ang totoo mong pagkatao! Kakausapin ko nalang ang asawa ni Congressman Llares!” napalunok siya ng laway.
At pinagpapawisan ng malamig sa mga sandaling ito. “alam kong ikaw ang nagpakalat na shoplifter at prostitute ako pero hindi ako apekted? Bakit? Kasi lahat ng ibinentang mo sa akin ay hindi totoo! Wag mo akong susubukan, Criselda may paglalagyan ka talaga!” nakangising turan ko at sabay na umalis.
Pinagbabato ako ng mga kaibigan niya at laking gulat ko nang may humarang—ang masungit kong amo. “Oh my god! Iyong anak ng may-ari ng eskwelahang ito!" Rinig ko sa isa sa mga estudyante.
“Sino'ng bumato sa girlfriend ko?!” galit niyang tanong sa mga estudyante. Nanlumo ang lahat sa kanilang narinig at ako naman ay napatulala sa aking narinig. Girlfriend? Sino? Ako?
Wui! Nanaginip kalang, Ri! Itinuro ng mga estudyante ang dalawang kaibigan ni Criselda.
“No..no..no!" Mariing tanggi ng mga ito.
Nagulat ako ng isa-isa niyang pinagsasampal ang dalawang kaibigan ni Criselda. “Subukan niyong saktan ulit ang GIRLFRIEND ko! You will gonna face, Hell!” asik nito at sabay akong hinila nito palabas ng campus.
Langya!