Chapter 5

1804 Words
“Ano’ng trip ito, Sir?” may diin kong tanong sa aking amo. Kung anu-ano na lang kasi ang pinagsasabi niya. Ano daw? Girlfriend niya raw ako? Kailan? Jusmisyo, naghahalucinate lang ata itong amo kong ito. Oo, alam kong nasa kaniya na lahat ng katangian na gusto ko, pero amo ko siya. Ano na lang kaya ang iisipin ni Ma’am Olivia kapag nakarating sa kaniya ang pinagsasabi ng anak niya sa unibersidad? Nakakahiya, baka mapalayas ako nang wala sa oras. “Do you think na I really like you?” pang-iinsulto niyang tanong sa akin pabalik. Aba! Loko ‘to ah! Sarap niyang suntukin. “I did it for a purpose, hindi dahil gusto kita. You’re not my ideal girl,” dagdag pa niya. Ang yabang! “Di rin naman kita gusto, Sir!” may diin kong sagot. “At tsaka, ayoko sa mga lalaking hambog at feeling gwapo!” dagdag ko pa. Ni hindi ako nakitaan ng takot. Kumunot ang noo niya. He chuckled. “Sa ginawa ko, maraming magagalit sa’yo at magnanais na mawala ka sa mapa,” turan pa niya. Paki ko? Kung mas lalong ma-trigger sa akin ang mga chakang estudyante sa unibersidad na iyon? “Poohtangina mo, Sir!” walang takot kong pagmumura. He was about to slap me, pero mabilis kong nasalo ang kamay niya. “Don’t you dare slap me, Sir, kasi baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. I-kakalat ko lang naman na parang daliri ng bata ang iyo,” panghahamon ko pa. Mas lalong kumunot ang noo niya, namumula na rin ang mukha sa galit. “Interesting!” turan pa niya sabay paharurot ng kotse. Nang medyo malayo na kami sa unibersidad, bigla niyang inapakan ang preno dahilan upang mapasubsob ako. “Get out of my car now!” “Pardon?” mas lalo siyang nainis. Sasabog na talaga siya sa galit sa mga sandaling ito. Ngumisi lamang ako. “Talagang lalabas ako sa punyetang kotse ng amo kong hambog!” may diin kong wika, sabay isinukbit ang bag sa balikat at tuluyang lumabas ng kotse. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas, pinaandar na niya ito… muntik na akong madisgrasya. “Satanas ka talaga, Sir! Isusumbong kita sa mommy mo!” sigaw ko sa inis. Maghihiganti ako! Di ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Inayos ko ang sarili at nagsimulang maglakad pauwi. Pagdating ko sa tapat ng mansyon, tuluyan akong napaupo sa semento sa sobrang pagod. Pinagpapawisan na rin ako. Ang layo ng nilakad ko, daig ko pa ang kabayo kung makahingal. Pagtingin ko sa relo, trenta minutos na lang bago mag-alas singko ng hapon. Dali-dali akong tumayo dahil ipapasyal ko pa ang mga alagang aso ng satanas kong amo. Agad akong nag-doorbell, ilang sandali pa bago ako pagbuksan ni Tanda. “Kanina ka pa hinihintay ni Sir! Bakit ngayon ka lang umuwi? Nakalimutan mo bang may trabaho ka pang kailangang gawin sa mansyong ito!” masungit na bungad ni Tanda. “Alam ko po, Manang.” Kumunot ang noo nito sa sagot ko. Dumagdag pa siya! “At tsaka, totoo bang pinagkakalat mo sa unibersidad na girlfriend ka ni Sir? Ang kapal naman ng mukha mong sabihin iyon, may tinatago ka rin palang landi sa katawan mo, hija. Alam mo bang hindi nagustuhan ni Ma’am Olivia ang sinabi mo?” Napalunok ako ng laway. Di ko naman pinagkakalat na nobya ako ng satanas na iyon ah? “Po? Hindi po iyan totoo, Manang!” depensa ko. “Wala ka bang kahihiyan sa katawan mo, hija? Sa pagiging ilusyonada mo, may posibilidad na mapapalayas ka sa mansyong ito. Ayaw ni Ma’am Olivia ng gano’ng klaseng babae at nilalagay sa alanganin ang kanilang reputasyon!” Hinahamon talaga ako ng lalaking iyon. Ang lakas ng t***k ng puso ko sa mga oras na ito. Napayuko na lamang ako. “Bilisan mong maglakad, hija!” mas binilisan ko nga ang paglalakad papasok sa mansyon. Pagbukas ng pinto, bumungad si Ma’am Olivia at ang anak nito. Nakangisi ang hinayupak kong amo, samantalang napakaseryoso ng mukha ni Ma’am Olivia. Halatang galit siya sa akin. “Umupo ka, hija! Mag-usap tayo!” utos niya. Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway at dahan-dahang umupo sa sopa. “M-ma’am? Ano pong k-kailangan niyo sa akin? May nagawa po ba akong kasalanan?” nauutal kong tanong. Huminga muna siya ng malalim. “May nakarating sa akin, totoo bang pinagkalat mo sa unibersidad na boyfriend mo ang anak ko?” deretsong wika nito. Napalunok ako ng laway at bahagyang napasilip sa walangyang anak niya na nakadekwatro ng upo. “Alam mo bang maaring masira ang reputasyon ng pamilya namin sa ginawa mo, hija? Hindi naman masama na magkagusto ka sa anak ko, pero hindi mo dapat pinagkalat na boyfriend mo siya! Ang laking kahihiyan iyan lalo na’t malapit na siyang ikasal sa anak ni Congressman,” dagdag niya, dismayadong nakatingin sa akin. “H-hindi ko po magagawa iyan, Ma’am. Wala ho akong kinalaman diyan. Maniwala ho kayo sa akin. Hindi ho ako gano'ng klase ng babae. Kahit ganito lang ako, may dignidad po ako, Ma’am. May delikadesa po ako at may respeto ho ako sa pamilya ninyo,” may diin kong depensa. “Sorry, hija, pero kailangan kitang tanggalin sa trabaho at bawiin ang scholarship mo sa unibersidad ko. Hindi ikaw ang magpapabagsak sa pamilya ko. Pasensya ka na, maaari ka nang umalis sa mansyong ito.” Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tumulo ang luha sa mga mata ko at dali-dali akong lumuhod sa harap ni Ma’am Olivia. “M-ma’am, parang awa niyo na, huwag niyo akong tanggaling sa scholarship niyo maam. Iyon na lang po ang tanging pag-asa ko para makamit ang pangarap ko. O sige, aalis ho ako sa mansyong ito, pero huwag po ang scholarship ko, Ma’am, parang awa niyo na!” hikbing pakiusap ko. “Sir, alam niyo po na hindi ko magagawa iyon. Hindi po ako gano’ng klaseng babae. Disente ho akong babae kahit ganito lang ako… parang awa niyo na po!” Ngumisi lamang siya. “Sorry, hija, pero buo ang desisyon ko. Ayokong masira ang reputasyon namin dahil sa’yo. Pasensya ka na.” Tumayo si Ma’am Olivia. Umiiling na tumayo ang anak niya habang nakapamulsa at lumingon sa akin. “Byebye!” nakangising turan niya pa. “Pagbalik ko, kailangang nakaalis ka na sa mansyong ito!” muling lumingon si Ma’am Olivia. Napayakap ako sa aking sarili habang umiiyak. Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Mag-isa na nga lang ako sa buhay, nawala pa ang kaisa-isang tulay para maiahon ko sa kahirapan ang buhay ko. Malas ko talaga! Gusto ko lang naman mabuhay nang mapayapa at makapagtapos ng pag-aaral. Naging masama ba ako para maging ganito ang kapalaran ko? Napahagulhol ako ng iyak. “Ano pang hinihintay mo? Mag-impake ka na ng mga gamit mo. Huwag mong hintayin na ipakaladkad ka ni Ma’am Olivia sa mga gwardiya. Tanggapin mo na lang ang bunga ng pagiging ilusyonada mo!” turan pa ng matandang mayordoma sa akin. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata gamit ang palad. “Mag-impake ka na sabi!” tinadyakan pa niya ako kaya mas lalo akong napaiyak. Nanginginig ang tuhod ko. “Ayaw mo talagang umalis sa mansyong ito?!” hinila niya ang braso ko at pilit na pinapatayo. Umiiyak akong nagtungo sa maid quarters. Walang tigil sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ko sa pagpasok sa mansyong ito, edi sana hindi ko na lang tinanggap ang offer sa akin ni Professor. Di ko rin akalain na siya pala ang may-ari ng unibersidad kung saan ako nag-aaral, at isa ako sa mga scholars ni Ma’am Olivia. Kung hinayaan ko na lang sana ang anak niya na maliitin at apak-apakan ang pagkatao ko, edi sana hindi nangyari ito. Kasalanan mo ito, Ri! Sa pagiging palaban ko, nawala ang scholarship ko. --- Matamlay akong lumabas ng mansyon. “Sorry, Nay, Tay, kung hindi ko maisakatuparan ang pangako ko sa inyo!” umiiyak kong bulong sa hangin. Nawa’y maintindihan ako ni Nanay at Tatay. Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong palayasin ako sa mansyon ni Ma’am Olivia at tanggalin ang scholarship ko. Nasa palengke ako, nagsisideline bilang tindera ni Manang Elsie sa isdaan niya. “Ri! Hindi ka na ba talaga babalik sa siyudad at papasok sa pag-aaral? Sayang, ilang buwan na lang ay gragraduate ka na,” mahinahong tanong ni Manang Elsie. Saglit akong napatitig sa tilapia na nililinisan ko at huminga nang malalim. “Hindi ko po kayang tustusan ang pangangailangan ko sa pag-aaral sa unibersidad na iyon. Ang mahal ng tuition ro’n. Kaya nakatungtong ako sa unibersidad na iyon dahil sa scholarship ko na biglang naglaho. Mag-iipon na lang muna ako ng pera, Manang, upang makabalik ako sa pag-aaral. Hindi kasi basta-basta ang kolehiyo ngayon, kailangan ng malaking halaga.” Hinawakan ni Manang Elsie ang balikat ko. “Huwag kang mag-alala, Ri. Palagi kang welcome rito sa isdaan ko. Balang araw ay makakapag-aral ka ulit at makapagtapos ng kolehiyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. May awa ang Diyos.” May awa ang Diyos, pero iyong lalaking iyon ay wala. Dahil sa kaniya nawala ang scholarship ko at pinalayas ako ng mommy niya sa mansyon. Makakarma rin ang lalaking iyon! Biglang nag-ring ang phone ko na nasa loob ng bulsa. Agad akong humingi ng permiso kay Manang Elsie, tumango siya. Pagtingin ko sa screen, bumungad ang numero ni Dean. “Good morning, Dean? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” “Ri, pwede ka nang bumalik ulit sa pag-aaral. May nagsponsor sa’yo!” Nang marinig ko ito, awtomatikong tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala. Kay buti talaga ng Diyos sa akin. “Talaga po, Dean?” mangiyak-ngiyak kong tanong. “Bakit, Ri? Ayaw mo ba?” Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. “G-gustong-gusto ko po, Dean. Salamat po sa taong nagsponsor sa akin. Akala ko ay tuluyan na akong hindi makapagpatuloy sa pag-aaral.” Kung sinuman ang taong nagsponsor sa pag-aaral ko, malaki ang utang na loob ko sa kaniya. “Paano po iyan, Dean? Tatlong linggo na ho akong hindi pumasok sa eskwela,” nag-alala kong turan. “Alam kong makakaya mong makipagsabayan, Ri, dahil matalino ka naman. Kahit minsan ay nasa kabilang dako ng mundo ang isip mo, nagagawa mo pa ring i-perfect ang lahat ng exam at quiz sa klase sa lahat ng subject,” tugon niya na nagpangiti sa akin. Salamat, Lord! Nagpaalam na rin sa akin si Dean Santiago. Natutop ni Manang Elsie ang bibig niya nang ikwento ko ang pinag-usapan namin. “Sabi ko sa’yo, Ri! May awa talaga ang Diyos! Masaya ako para sa’yo, Ri. Ibig bang sabihin niyan ay babalik ka na sa siyudad?” Tumango ako. Niyakap niya ako nang mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD