Chapter 9

1209 Words
Di ko nga alam kung nakahithit ba ng droga itong masungit na anak ni Maam Olivia. Yung dating nonchalant ay biglang naging oa. Kuko lang iyon ah? Pero kung makareak wagas! At nanininghal pa talaga ng nurse Ang lakas nga ng trip niya. Napaalis ako sa mansyon nila at nagalit pa si Maam Olivia sa akin dahil sa tsismis na kumalat na ipinagkalat ko raw na boyfriend ko anak niya eh. Iyong anak niya kaya ang nagsabi. “Don't you dare touch my girlfriend or else you'll face hell!” ginaya-gaya ko pa ang boses nong mokong nang sabihin niya ito sa harap ng mga nangbubully sa akin tapos ako pa ang binaliktad niya. Nang dahil rin sa kaniya binawi ni Maam Olivia ang scholarship ko, napauwi ako nang wala sa oras sa probinsiya at nakapaghinto ng pag-aarap ng tatlong linggo. Mabuti na nga lang tumawag si Dean sa akin na may nagsponsor ulit sa akin kaya ako nabalik ako sa unibersidad na pag-aari nila. “Oh? Wala ka bang planong umuwi sa inyo?” sita ko sa kaniya, pilit niyang kinukuha ang kamay ko at pinaglalaruan ang aking daliri. Para siyang bata sa mga sandaling ito. At nagmamaktol pa. Daig pa ang singko anyos eh. “Pinapaalis mo ba ako?” parang batang tanong niya. Napairap nalang ako sa pagiging isip bata niya. Napakamalas si Maam Olivia ang nag-iisang anak niya at ang tagapagmana niya ay sinto-sinto. Tssk! “Ayoko... I'll stay with you at saka ihahatid pa kita sa heaven eh.” Napakamot nalang ako sa aking batok, jusmisyo naiistress pempem ko sa lalaking ito. “Bumbuang!” naiinis na turan ko at bumalikwas ng bangon mula sa hospital bed. Pina-admit niya kasi ako kahit natanggal lang kuko ko sa paa. Okay sana kung nagfifty- fifty na buhay ko. Ang layo non sa bituka. “Where are you going?” pigil niya at mabilis na humawak sa braso ko. Masusuntok ko na talaga ang lalaking ito. Uuwi talaga itong may black eye. “Sa imperno, sasama ka?” nanggigil kong sagot sa sobrang inis. Umusok na ang ilong ko sa mga sandaling ito. Tumango-tango pa siya Mental na talaga kababagsakan ng anak ni Maam Olivia! Maryosep! At bumukas ang pinto—ang doktor na nag-asikaso sa akin kanina. “Nakakadisturbo ba ako sa inyo?” tanong nito sa aming dalawa ni asungot. Mariin akong umiling-iling. Wala naman kaming ginawang milagro ah? “Nga pala dok pwede naba akong umuwi? May klase pa kasi ako bukas eh. At labahin pa akong naghihintay sa akin.” “Depende iyan sa mister mo, hija. Kasi pinakiusapan niya ako kanina eh. Na wag ka raw palabasin ng hospital hangga't wala siyang sinabi. At tsaka, bayad na ang bills mo rito hija.” Napalingon ako sa gawi ni Tristan, kamot-batok pa siya. “Hindi ko nga ho siya, Mister dok! Naligaw lang iyan abnormal na iyan eh!” Napapailing na lang ang doktor sa aming dalawa. “Mga kabataan talaga ngayon ang layo sa mga batang 80 and 90's!” Talaga namang ang layo. Ikumpara ba naman kami sa batang 90's. Pero kung sabagay totoo naman ang sinabi ni dok na ang laki talagang pinagbago. “Isusumbong kita sa mommy ko dok kapag hinayaan mong makalabas ang bride to be ko sa hospital na ito!” nagmamaktol na wika ni Tristan.. Mamatay ako sa stress sa lalaking ito. “Pag-usapan niyo iyang dalawa. Let me check your wound hija at para naman mapalitan natin ng bandage.” “Careful lang, wag kang tatanga-tanga diyan!” turan pa ni Tristan, sinamaan ko naman siya ng tingin. Pagkatapos palitan ni dok ang sugat ko sa kuko ng bandage ay inayos ko na ang aking gamit. Dahil uuwi pa ako, maglalaba pa kasi ako. “No! You're stay!" Pigil niya ngunit hindi ko siya pinansin. Para bang hangin lang siya. Nakasunod siya sa akin at pinagtitinginan kami ng mga tao rito sa hospital..sa pagiging isip bata ng asungot nasa likod ko. “bumalik ka!” Ayoko “Bumalik ka sabi eh!” “Ayoko nga!” “Sige, magwawala ako rito!” “Go head! Go head!” “Go ahead iyon tanga!” “Bumbuang!" “Nabubuang sayo!” “sapak gusto mo?” “b*****g gusto ko, pwede?” Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Awtomatikong lumipad ang kamao ko sa mukha niya. “Nag-away ang puro isip bata!" rinig ko sa isa mga tao. Nadamay pa ako! “Mapanakit ka talaga!” hawak-hawak niya ang kaniyang mukha na sinuntok ko. Namumula pa ito sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko. “Okay lang basta ang puso mo ay akin lang!” dagdag niya pa. “Sinto-sinto!” Kumaripas na ako ng takbo palabas ng hospital kahit masakit ang kuko ko. Gusto kong makatakas sa lalaking iyon. Palala kasi ng palala eh. Agad akong pumara ng taxi, imbes nagsasave ako ng pera. Mapapataxi tuloy ako nang wala sa oras. “Hintayin moko!” sigaw niya. PAGDATING ko sa boarding house ay agad kong akong naglaba. Hanggang sa naabutan ako ng gabi. Ang sakit ng balakang ko. Magsasampay na sana ako ng may bigla na namang sumulpot si Asungot Tristan sa harap ko. Basang-basa ako sa mga oras na ito. May dala siyang paperbag. “Muntik na akong atakihin sa puso kanina sa pag-iwan mo sa akin don sa hospital!” asik niya. “tabi!” “Kain ka muna, mag-aalas siyete imedya na oh? Hindi kapa kumakain..pag ikaw talaga nalipasan ng gutom. Ikukulong talaga kita sa puso ko!” ayan na naman ang pagkasinto-sinto niya. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya ng tabo sa ulo. “pag ikaw di tumigil diyan lulunurin talaga kita sa timbang ito!” sabay turo sa timba na puno ng tubig. “Lulunurin sa pempem mo? Okay lang? Di ako aangal!” dagdag niya. Agad naman siyang tumabi at umupo sa may gilid. Ang dalawang kamay niya ay sa kaniyang mukha. Aba! Nagpapacute ba siya? “Baliw!” “Sayo!” “Ang ganda ng magiging bride ko.” “In your dreams!” Sabay ko siyang hinagisan ng tubig sa may tabi kaya't napatayo at napatalon ito. “Kandingon! Saglit siyang nag-isip sa sinabi ko. Di niya nagets. Siyempre bisaya kasi iyon. Takot sa tubig ba. “What's kandingon?” “Google mo!” Napapailing akong nagsasampay ng mga nalabhan ko. Panay parin siya sa pangungulit sa akin. “Gusto mo lang ako makabembang eh!” turan niya pa. “Manyakis!” “Sayo!” Itinikom ko nalang ang bibig ko. Suko na talaga ako sa kabuangan ng lalaking ito. Nang masampay ko na lahat ay naligo. Pinagnanasahan ako ng gago habang nakatingin sa akin. At nagring ang phone niya. Agad niyang kinapa ito sa loob ng bulsa niya. Kumunot ang noo niya. “Sasagutin ko lang si mommy!” paalam niya at agad na dumistansya sa akin ng ilang metro. Pagbalik nito ay nagpaalam siya sa akin. Uuwi siya dahil may emergency sa bahay nila. Napanatag naman ako kasi wala ng mangungulit sa akin. Makakapagpahinga narin ako sa pagiging sinto-sinto niya. “See you tomorrow!” sabay nakaw ng halik sa labi ko. Bago ako makapagreak ay kumaripas na ito ng takbo paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD