Chapter 10

1738 Words
Kinabukasan, napabalikwas ako ng bangon nang bumungad sa akin ang mukha niya habang nakangiti. “Anong ginagawa mo rito?” naiinis kong tanong sa kaniya. “Sinusundo ang magiging asawa ko.” Simpleng sagot niya. Hinawi niya pa ang buhok ko sa bandang tenga. “Mag-aalas otso na, ligo kana.” Utos niya. Natataranta akong tumakbo pababa upang maligo sa gripo. Sobrang sakit ng katawan ko. “Wag kang mag-alaala, pinalutuan na kita ng breakfast kay Manang! You don't have to worry about that.” Nakainom siguro ito ng gamot niya kaya di sinumpong. Mabilis pa sa alas kwatro ay natapos na ako. Five minutes lang. Pag-akyat ko ng boarding house. Nagulat ako nang hawak-hawak na niya ang butas kong panty. “What kind of underwear is this?” dali-dali kong binawi sa kaniya ito.. “Pakialamero ka talaga! Wag na wag mong pakikialaman ang mga gamit ko! Lumabas ka nga rito magbibihis ako!” Umiling-iling siya. “Pwede ka namang magbihis sa harap ko. Nahiya kapa.” Sagot niya. Itinulak ko siya palabas at agad na sinarado ito. Kinalampag niya naman ang pinto. “Maghintay ka!” Nilugay ko na lang ang buhok ko, di ko na ito tinali. Basa pa kasi. Binuksan ko iyong dala niyang paperbag at bumungad sa akin ang scramble egg at pandesal. Inuna kong kinain ang scramble egg. Binitbit ko naman ang tatlong piraso ng pandesal. Iyong iba ay itatabi ko para may makain ako mamaya pag-uwi. Kagat-kagat ko ang isang piraso ng pandesal nang bigla siyang kumagat rito. Napatulala naman ako sa ginawa niya. “Tinulungan lang kita para mabilis maubos.” Depensa niya nang panlinsikan ko siya ng mga mata. --- Medyo nagulat ako nang makita ko ang pulang Mclarren na nakapark sa labas. Ang yabang! “Did you like it?” tanong niya pa. Hindi ako umimik. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Pinagkakaguluhan tuloy siya ng nga ka tao rito lalo na ng mga kababaihan. “Ang gwapo ng boyfriend ni Riri!” “Oo nga eh, naka- Mclarren pa!” Ang aga-aga, nagtsi-tsismisan na mga kapitbahay ko. Nang makasakay ako sa awto ni Tristan ay agad naman niya itong pinaharurot. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, napakapit ako sa braso niya. “Ganyan nga,” rinig ko pa mula sa kaniya. Napahiwalay naman ako sa kaniya. Pagdating namin sa tapat ng umibersidad ay pinagkakaguluhan siya ng mga estudyante. At ako na naman ang pinupuntirya ng mga ito. Sabagay kasama ko pala ang lalaking kinababaliwan nila. Paniguradong makakarating na naman kay Maam Olivia ang nakita nila. Bahala sila. Basta ako wala akongg ginawang masama. Ang anak niya ang dumidikit sa akin at lumalandi sa akin hindi ako. “Nevermind them. I'll fetch you mamaya okay? Hintayin mo lang ako rito.” Nagpaalam na siya sa akin. Pagkaalis ni Tristan ay pinagbabato na naman ako ng mga estudyanteng may galit sa akin ngunit hindi ako nagpatinag. Hinayaan ko lang sila, di naman masakit eh. Dedma lang ganon para mas lalo silang manggigil sa akin. Hanggang sa nakarating ako sa classroom. Saktong pagdating ko ay nagsimula ng maglecture si Professor Matteo ang long time crush ko. Ang pogie niya kasi, wala sa kalingkingan niya si Tristan. Nagbubulungan na naman ang mga kaklase ko. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila pero wala akong pakialam. Ayokong maulit iyong nangyari, baka maapektuhan na naman ang scholarship ko sa unibersidad na ito. Mabilis lumipas ang oras ay nandito ako sa cafeteria. Bumili ako ng tubig, nauuhaw kasi ako. Medyo nanunuyo na iyong lalamunan ko. Nang biglang may bumato sa akin, medyo nasaktan ako don. Kasi may lamang tubig iyong plastic bottle na ibinato sa akin at tumama ito sa aking likod. “Nagbalik pa ang malandi!” Nagkukunwari ako na hindi naapektuhan. May kinse minutos pa bago ang susunod na subect namin. Nagtungo muna ako sa garden ng school. Napakalawak ako sa upuan sa tabi ng puno ng akasya at nagmumuni-muni. Maya-maya ay nagtitilian ang mga kababaihan at natanaw ko si Tristan habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Dali-dali akong nagtago sa malaking gamot nito upang hindi niya ako makita. Baka mas lalo pang kamuhian ako ng mga dans niya rito. Sa sobrang liit kong babae ay nagkasya naman ako sa loob. “Nasan na iyon?" Rinig ko mula kay Tristan nang makarating siya. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. At umalis ito. Do'n na ako lumabas sa pinagtataguan ko. “Muntik na ako don ah?" Bulong ko sa aking isipan at naglakad pabalik sa klase. Ngunit nakasalubong ko ang grupo ni Crisel. “Hinahanap ka ng prince charming mo!” kibit-balikat na turan ni Crisel sa akin. Di ko siya ng pinansin. Dedma lang. Bago ako makahakbang papalayo sa kanila ay nahawakan na niya ang braso ko. “Where the hell you're going? May utang kapa sa akin!” pigil niya. Wala akong oras para sa mga katulad niya. Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at umalis. “Ri! Where have you been? Ive been searching you kanina pa!” si Asungot Tristan nakakunot ang noo nito pero bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. “Tabi, may klase pa ako!” umiling-iling naman siya.“ Pinagtritripan kana naman ba ng grupo ni Criselda?”tanong niya. Paano niya nalaman? “Wala ako sa mood makipag-usap okay! Bitawan mo kamay ko!” naiinis na sagot ko sa kaniya. Ilang segundo bago niya binitawan ang kamay ko. Mahigpit kasi ang pagkakahawak niya. “Sorry! Gusto kolang kasi ibigay ito sayo.” May kinuha siya sa loob ng bulsa niya. Isang maliit na kulay pula na cartoon. Kaniya naman itong binuksan at kinuha ang laman. Kwentas? “Alam mo bang minana pa ito ni mommy sa lola niya? At sayo ko ito ibibigay dahil ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo na-awkwardan ako sa ginawa niya. May mga matang nakatingin na naman sa aming direksyon. Dadami ang judgers at bashers ko nito dahil sa kaniya. “Paano ko kung ayokong tanggapin?” “please!” Pakiusap niya. Napairap nalang ako. At hinayaan ko siyang isuot ito sa leeg ko. Nanlilisik ang mga mata ng mga fans niya sa sobrang galit sa akin. “Ang ganda mo.” kumento niya pa. Matagal na! “Pwede ka ng umalis!” taboy ko sa kaniya. Tumango siya at hinawakan ang aking kamay. “Hayaan mo kong ihatid kita sa klase mo at pagkatapos ay aalis na ako.” Hindi ako sumagot. Hinatid nga niya ako sa klase ko. Tulad ng sinabi niya umalis agad siya. Pagpasok kopalang sa loob ng classroom kung anu-ano ng masasakit na salita ang pinagbabato ng mga kaklase ko. Hanggang kailan ba tatahimik ang buhay ko? Hanggang kailan ko ba ang makakamit ang kapayapaan? Simula no'ng bata ako ang gulo-gulo na ng buhay ko, dumagdag pa itong si Tristan. Mas lalo tuloy nagimbal ang buhay ko. “Nakakasakit na kayo!” sigaw ko sa galit, umusok na ang ilong ko. Hindi ako nakapagtimpi sa ginawa nila sa akin. Pinagtatawanan lamang nila ako. “Ano bang nagawa kong mali sa inyo? At bakit ayaw niyo kong tigilan ha?!” “Sa pagiging malandi at bida-bida mo!” sagot ni Crisel sa akin na kakarating lang. Kasama ang mga alipores niya. “Hangga't hindi ka umalis ka sa unibersidad na ito ay hindi ka namin titigilan!” “Please lang, tigilan niyo na ako. Gusto ko lang naman makapagtapos ng pag-aaral. Bakit nahirapan kayong intindihin iyon? Kung galit kayo sa akin dahil nalalamangan ko kayo pasensya na. Di ko naman sinasadya na malamangan kayo sa unibersidad na ito. Ginawa ko lang naman ang best ko nang sa ganon ay makamit ko ang aking pangarap. Ulila na nga ako sa mga magulang pinagkakait niya pa sa akin ang mapayapang pamumuhay.” “Hindi kami interesado sa talambuhay mo, Ri. Ang gusto namin ay umalis ka sa unibersidad na ito at tigilan ang pagiging bidA-bida mo! At saka sa pagiging haliparot sa anak ng may-ari ng skwelahang ito. Kasi hindi iyon magkakagusto sa isang katulad mo!” Itinulak pa ako ni Crisel. Tumayo ako at pinagpag ang aking sarili. “Bakit di ikaw ang umalis?” napuno na talaga ako sa pagiging matapobre ni Crisel. Kabit naman ni Congressman Llares ang nanay niya. “How dare you!” Sabay na hinila nito ang buhok ko. “Anong kaguluhan ito?!” napabitaw si Crisel sa buhok ko. “Prof si Riri po ang nag-umpisa ng gulo!” binaliktad pa ako ni Crisel. “Oo nga, Prof! Nagmamagandang loob lang naman sa kaniya si Crisel pero itinulak niya ito at hindi na nakatiis ang kaibigan namin at sinabunutan siya.” Sang-ayon naman ng alipores niya. Napapailing na lamang ako. Ano pabang aasahan ko sa mga anak mayaman kong mga kaklase. “Umayos kayong dalawa!” saway ni Prof sa amin. “Sorry, Professor Mendez!” umupo na ako sa aking upuan. Ganon rin si Crisel at ang mga kaibigan niya. Mabilis na lumipas ang oras. Nasa labas na ako ng gate, habang naghihintay ng sundo ko—si Tristan. Speaking of the devil ay tanaw ko na ang kotse niya. “Kanina ka paba naghihintay sa akin?” seryosong tanong niya. Di ako sumagot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinatid sa boarding house ko. Di siya nagtagal ay umalis na rin siya. At habang nakadapa ako sa kama ko ay nakatanggap ako ng unknown emails. Isa-isa ko itong binasa ang bawat email. Puro death threats ang laman ng email. Sumagi sa isipan ko ang mga fans na galit sa akin. Alam kong sila ay nagpadala sa akin nito. Pero okay lang, bahala sila. They have rights naman eh. Basta ako makakapagtapos ako ng pag-aaral. Iyon lang ang goal ko. Kahit ako nalang ang mag-isa ay okay lang. “Sorry, I'm late!” dumating si Tristan, sobrang gulo ng buhok niya. Napukaw ang atensyon ko sa bahid ng dugo na nasa damit niya. “Have you eaten? Kasi magpapadeliver ako ng food rito para sayo.” Nakatitig lamang ako sa kaniya. Walang lumabas na anuman sa bibig ko. Naninibago ako sa mga ipinakita at ikinikilos niya. Parang sinapian siya ng espiritong ligaw. Iyong nonchalant na Tristan ay nagbalik at sobrang concern niya pa sa akin. “Dugo ba iyan?” Umiba ang timpla ng mukha niya. “Yes!” diretsomg sagot niya. Napalunok ako ng laway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD