Di ko alam kung saan niya nakuha ang dugo na nakamantsa sa damit niya. “May ginawa ka bang katarantaduhan ha, Tristan?”
“Tarantado naba talaga ako sayo?” nakapout niya pang tanong, pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Seryoso ako dito eh tapos nagawa pang magpacute sa harap ko.
“Bakit hindi ba?” taas kilay kong tanong na ikinakunot ng noo niya. Pagsasarhan ko na sana siya ng pinto nang agad niyang iharang katawan niya. “Aaah shīt!” nakita ko ang pagdugo ng damit niya banda sa kaniyang dibdib. Agad kong sinuri ito at nagulat ako nang makita kong may tama ito ng bala at dumurugo pa.
“May tama ka!”
“Matagal na akong may tama sayo!”
Bumbuang, sinumpong na naman siya sa pagka-abnormal niya. “Umayos ka nga diyan!" Sita ko sa kaniya pero nginitian lang ako ng loko. Di ako nagbibiro seryoso ako. “Mag-aayos na nga ho, Madam!” sabay kindat pa siya sa akin.
Inakay ko siya papasok sa loob at pinaupo ko siya sa kama ko. “Dumiretso ka nalang sana sa hospital, di naman ako doktor o nurse para dito ka magpunta. Nilalagay mo lang sa alanganin buhay mo eh. Kung sabagay may siyam na buhay ka yata. Ang oa nga ng reaksyon mo nong nakita mong may sugat sng kuko ko tapos iyong sayo wala lang? Tama yan ng baril, Senyor.”
Tumango-tango lang siya. “Magpunta ka na sa hospital para makuha iyang bala sa dibdib mo. Mabuti nga't di tumama iyan sa puso mo eh. Pinaglalamayan kana sana ngayon,” dagdag ko pa.
“Malayo to, di ko ito ikamamatay pero kapag mawala ka sa akin iyon ang ikamamatay ko.”
Bahagya siyang nagkagat-labi at sumilip sa dibdib ko. Laylay kasi ang tshirt na suot ko. “Alam mo na kung ano ang makakapagsurvive sa akin,” ngiting wika niya. Nasuntok ko naman siya sa braso. Manyakis!
“Umalis kana nga dito! At tsaka don ka sa hospital magperwisyo wag sa akin. Pag talaga ako hindi nakapagtimpi sayo. Madagdagan talaga iyang sugat mo sa katawan!” naiinis kong wika sa kaniya.
Nakangisi lang siya. Di ko manlang siya nakitaan ng takot. Kalmado lang kahit patuloy na nagdurugo ang sugat niya. “Ikaw lang naman ang makakagamot nito!”
Tumayo ako at nagpalit ng damit. Dadalhin ko siya sa hospital baka kung anong mangyari sa kaniya ay ako pa ang mapagbintangan. Kargo de konsensya ko pa. “Diyan kalang magpapalit lang ako ng damit. Ihahatid kita sa hospital baka kasi mapano ka pa at ako pa ang sisihin ng mommy mo. Tumalikod ka!”
“bakit ako tatalikod?”
“Malamang, magbibihis ako!” pilosopong sagot ko sa kaniya.
Walangya ha! “At saka hindi ba malapit na ang birthday mo?” teka lang? Paano niya nalaman?
Di ako umimik. “Talikod sabi eh!” nakangisi naman siyang tumalikod. Magpapalit na sana ako ng bra nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. Awtomatiko akong napasubsob sa dibdib niya at natamaan ko pa ang dumurugo niyang sugat—tama ng bala. “Ugh!” daing niya.
“You are my great healer, baby!” dagdag niya pa at mabilis na siniil ng halik ang labi ko. Di ako nakapagsalita sa ginawa niya, sinubukan ko siyang itulak pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nagpatianod nalang ako hanggang sa tuluyan akong nalunod sa halik niya.
Gumapang ang kamay niya sa dibdib ko. “T-tristan, ugh! Wag!” napapaungol kong sambit. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Kamanyakan parin ang nasa isip, di manlang naisip ang balang bumaon sa malapit sa dibdib niya. At biglang tumunog ang selpon ko kaya't napatigil siya sa kaniyang ginagawa—si Maam Olivia. Ang mommy niya ang tumawag sa akin.
Di ko kasi denelet ang selpon number ng mommy niya sa contact list ko. “Mommy mo!” mahinang turan ko sa kaniya, agad siyang nag-ayos ng tayo.
“Where the hell are you?” bungad ni Maam Olivia nang sagutin ko ang tawag niya. Malapit ng mag-alas otso y medya ng gabi.
“Nasa boarding house ko po, Maam. Bakit po? Anong kailangan niyo po sa akin?” medyo kabado ako. Paniguradong ang unico-hijo niya ang hinahanap niya. At ako agad ang pumasok sa isip niya. “are you with my son?” napaluhok ako ng laway.
Sumenyas sa akin si Tristan na wag kong sabihin magkasama nga kaming dalawa. “H-hindi po, bakit sa akin niyo po siya hinahanap?”
Nakakakonsensya talaga, nagawa kong magsinungaling kay Maam Olivia sa pakiusap ng asungot niyang anak. At nagulat nalang ako nang bigla niya akong binabaan ng tawag. Maya-maya ay may kumatok. “Open the door, alam kong nandiyan ka sa loob!”
Mariin akong napalunok ng laway. What am i gonna do? Nasa labas si Maam Olivia. Napahilamos ako ng aking mukha, di ko alam kung ano ang gagawin. Hindi pwede na makita si Tristan rito ng mommy niya. Baka ano isipin non. Saan ko ba itatago ang anak niya?
Umiling-iling si Tristan na wag kong buksan ang pinto. Putek talaga o! Mas lalong ginulo niya ang buhok ko. Nakapagsinungaling ako nang wala sa oras. At agad na sumagi sa isipan ko ang malaki kong cabinet. Dali-dali ko siyang hinila patungo sa lumang cabinet na gawa sa kahoy. “Magtago ka!”
“What?”
“Wag ng umangal, tago na bilis! Pag talaga nageskandalo rito ang nanay mo. Black eye abutin mo saakin.”
Pinagkasya ko siya loob. Don siya sa may hangeran. Nakatayo siya at nagpigil ng kaniyang hininga. “Diyan kalang, wag kang gumawa ng ingay!” bilin ko sa kaniya at sinirado ang kabinet.
Patuloy siya sa pagkatok si Maam Olivia. Inayos ko ang aking sarili bago ito pagbuksan ng pinto. “Maam?” kinakabahang bungad ko sa kaniya.
Iginala niya agad ang kaniyang mga mata sa kabuan ng kwarto ko.“ano't naparito po kayo?” pilit kong pinapakalma ang aking boses upang hindi niya mahalata. “Si Tristan?” sagot niya.
“Tulad po ng sinabi ko, hindi ko po alam kung nasaan ang anak niyo. At saka bakit naman siya pupunta rito. We are not close po kaya imposible po na nandito siya.”
“I saw his car at alam kong nandito siya.” Giit niya. Mapapahamak pa ako nito nang wala sa oras eh. “Nah, di ko po alam..di porket nakita niyong nakaparking kotse ng anak mo sa labas ay dito na siya dederetso.”
Hirap niya talaga kumbinsihin. “Maam kung wala napo kayong kailangan sakin pwede napo kayong umalis. Magpapahinga napo kasi ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas.”
At biglang may humatsing—agad kong naisip si Tristan.. luminga-linga si Maam Olivia sa loob ng kwarto ko kaya't wala akong ibang choice kundi magpanggap na ako iyong humahatsing. “Sorry po, medyo masama kasi ang pakiramdam ko Maam Olivia. Naambunan po kasi ako.”
Napakunot ang noo niya nang may nakita siyang dugo sa sahig. Wala na, finish na!
“Dugo iyan diba?” seryosong tanong niya. Mag-isip ka ng paraan, Ri! Baka mabisto ka sa pagsisinungaling mo at malaman pa na itinago mo anak niya sa kabinet!
“Y-yes po, may regla po kasi a-ko maam." pagdadahilan kopa. Bahala na talaga sa akin si Batman sa mga oras na ito. Sana makumbinsi ko siya. Umiba ang timpla ng mukha niya na para bang diring-diri siya sa akin at nagtakip pa siya ng ilong. Ayan nga!
“Sige po, maam. Isasarado ko napo itong pinto. Maglilinis lang po ako ng sarili ko at para makapagpalit narin ako ng sanitary napkin baka kasi kumalat pa dito eh.”
Lumabas na nga siya. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan kong maisarado ang pinto. Napasandal pa ako. Muntik na ako don ah? Sumilip ako sa maliit na butas. Sinigurado ko munang nakalayo na ang nanay ni Tristan bago ko balikan ang asungot sa cabinet.
“Hatsing!” bungad nito nang buksan ko ang kabinet kung saan siya nagtago. “Ipapahamak mo talaga ako..umalis kana rito!” nanggigil kong turan sa kaniya.