Sinamahan ko siya sa hospital. Nakakapagdrive pa naman siya kahit may tama siya ng baril.
Pagdating namin sa hospital ay agad siyang inasikaso ng nurse at doktor. Nasa waiting area lang ako, hinihintay siya.
Kinse minutos akong naghintay bago tuluyang natanggal ang bala na tumama sa bandang dibdib niya. Pagkatapos ng operasyon niya ay agad siyang inilipat sa private room.
“Miss? Nasa langit naba ako?”
Nasa imperno siya. “Langit mo mukha mo, nasa lupa kapa at saka umaasa ka pa talaga na mapupunta ka sa langit?” naiinis kong sagot at sinamaan siya ng tingin.
“Ang sungit talaga!” rinig kong bulong niya.
Pinagbalatan ko siya ng orange at inabot ito sa kanya ngunit tinitigan niya lang ako. “An-anong gawin ko sa orange na iyan?” napakamot ako sa batok ko..
Buang! “Malamang kinakain, ayaw mo? Edi wag, ikaw na nga itong pinagsisilhin ko nakuha mo pa talagang mag-inarte ang kapal ha!” nakakagigil na talaga siya.
“Bakit mo kinain?” reklamo niya. Halos umusok na ang ilong ko sa sobrang inis. Kung lalasunin ko nalang kaya ang lalaking ito nang makasama na niya si Satanas sa imperno.
Mamatay ako sa stress sa lalaking ito. “Ewan ko sayo!” sabay kong dinampot ang aking tote bag at isinukbit ito sa aking balikat.
Tumayo ako. “Where are you going?” bahagya siyang bumangon. Kunot-noo akong lumingon sa kaniya. “Malamang uuwi na! Hindi mo naman ako yaya para magbantay sayo rito! At saka may klase pa akong kailangang unahin! Nakasalalay ang future ko sa aking pag-aaral” pamimilosopo ko pa.
“Pag lumabas ka sa pintuang iyan, you'll gonna regret,” nakuha niya pa talaga akong pagbantaan ha? Akala niya siguro natatakot ako sa kaniya!
Lumabas talaga ako. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Habang naglalakad ako sa hallway palabas ng hospital ay nakasalubong ko ang mommy ni Tristan. Agad akong yumuko upang hindi ako mapansin nito. Mabuti nga't ang atensyon nito ay nasa babaeng kasama nito—ang pinsan at naging fvck buddy ni Tristan.
Agad akong sumakay ng taxi pauwi sa boarding house ko. KINABUKASAN ay napabalikwas ako ng bangon nang bumungad sa akin ang mukha niya habang malamig na nakatitig. “A-anong ginawa mo dito at paano ka nakapasok?”
Dinoble locked ko naman ang pinto nong nakauwi ako. “Secret,” malamig niyang sagot sabay smirk sa akin. Mangbwe-bwesit na naman ba?
Sa tuwing nakikita ko siya nasisira talaga ang araw ko. Ang ganda sana ng gising ko eh. Walangya talaga ang lalaking ito. Wala ng nagawa kundi bwesit-in ako palagi.
Sa dinami-daming maging anak ni Maam Olivia siya pa talaga. Hays! “You're living with me at the mansion,” seryosong wika niya na ikinakunot ng noo ko.
Ako? Gusto niyang tumira ako kasama siya sa mansyon? Para ano? At saka may bago na akong sponsor kaya't hindi ko na kailangan na makipagplastikan sa kanila lalo na ang matandang mayordoma nila. “Paano kung ayaw ko?”
“Ikukulong kita sa--” hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin, lumipad na ang kamao ko sa mukha niya. Napatayo siya habang nakahawak sa mukha niya na sinapak ko.
“Mahirap ako, oo pero minsan mo na akong pinahamak. Nakalimutan mo ba ang ginawa mo sa akin? At binaliktad mo pa talaga ako. Nagalit sa akin si Maam Olivia sa pagsisinungaling mo. Gusto ko lang naman makapag-aral eh.”
Tumango-tango siya. “I did it for a purpose,” malamig na sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Ang mapahiya ako? At maipamukha sa akin na mahirap lang ako?
Mapait akong ngumisi. “Kung ganon bakit mo ako gustong bumalik sa mansyon? Para maging alalay mo o di kaya tagalinis ng mga dumi ng mga aso mo?”
Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Malalaman sa tamang panahon. But for me i want you to live with me at the mansion para maprotektahan kita.”
Maprotektahan? Saan?
Gulong-gulo na talaga ang utak ko sa mga sandaling ito. “Hindi ako titira sa mansyon niyo. Kuntento na ako rito sa boarding house ko kahit mag-isa lang akong nakatira rito! At saka hindi kita kailangan. Mabubuhay ako nang wala ka! Umalis kana rito! Bago ko ihagis itong arinola ko na may ihi!”
Sirang-sira na talaga ang araw ko nang dahil sa kaniya. “O sige kung hindi mapipilit. Hayaan mo akong tumira rito. Sa paraang ito ay maprotektahan kita,” giit niya.
Mas lalo akong hindi papayag na makipagsiksikhan siya sa akin dito. Alam naman niya kung gaano kaliit itong kwarto ko. Mas malaki pa nga ang banyo niya kaysa sa nirentahan kong boarding house.
“Ayoko!”
Itinaboy ko siya palabas. “Wag ka ng magpapakita pa sa akin ha! Pag talaga ako hindi nakapagpigil, maliligo ka talaga ng ihi ko!”
Natatawa siyang umiling-iling at agad na naglakad palabas. Ngunit bago paman siya tuluyang pumasok sa kotse niya ay may sinabi siya pero hindi ko narinig. Ang hina kasi.
Nang tuluyan siyang nawala sa paningin ko ay doon na ako nakahinga nang maluwag. Dali-dali akong naligo, dahil may klase pa ako.
Naglalakad ako sa hallway paakyat sa department ko. May mga matang nakatingin sa akin. Mga estudyanteng galit sa presensya ko at isa naroon ang grupo ni Criselda. Ngunit hindi ko sila pinagtuonan ng pansin bagkus ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan akong nakaakyat ng second floor.
Ngunit laking gulat ko nang bumungad sa akin si Tristan, may dala pa itong boque ng rosas. Ayaw niya talaga akong tantanan..
Inabot niya ito sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap bagkus ay nilampasan ko lang siya. “Pakipot pa siya!” rinig ko sa mga kaklase ko.
“Feeling entitled kasi, ang bruha kaya ganon!”
“siya palang ang tumatanggi sa alok ng isang Tristan Mendoza na anak ng may-ari ng unibersidad na ito.
Hindi naman kasi katulad nila. At saka si Professor Matteo ang crush ko hindi ang lalaking kinababaliwan nila no. “Kung hindi mo tatanggapin ang bulaklak na ito ay luluhod talaga ako.” Rinig ko pa mula kay Tristan.
Lumingon ako. “Edi lumuhod ka! Wala akong pakialam!” sabay dirty-finger sa kaniya. Napahiyaw naman ang kaklase ko, nasaksihan nila kung paano ko tanggihan ang lalaking kinababaliwan nila. At bigla nalang siyang tumayo at hinila ang braso ko kaya't napasubsob ako sa dibdib niya. Narinig ko ang kalabog ng puso niya sa loob . Mariin akong napalunok ng laway habang nakatitig sa manipis at mala rosas niyang labi.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang niya akong siilin ng halik ang labi ko. Ikinagulat ng lahat ng mga nakasaksi. Nakita ko sa peripheral view ko ang pagwalk-out ni Crisel kasama ang mga alipor3s niya.
Naitulak ko siya. “How dare to kiss me?!”
“You are now my fiance and you can't do anything about that, Darling.”