Chapter 13

1484 Words
Fiance? We're not even in a relationship pero fiance na niya ako? Ano iyon, magic? Buang siya! “I am not even your fiance!” mariin kong turan pero ngumisi lamang siya. “Pinagtritripan mo na naman ba ako ha?!” dgadag ko pa. Umuusok na ang ilong ko sa galit sa mga pinagsasabi ng lalaking nasa harap ko—ang unico-hijo ni Maam Olivia. “No, i am serious. That's the only way to save you from those bastards!” Bastards? “Bagong target ka nila, Ri! You need to say yes. Ito lamang ang tanging paraan ko to save your life—ang maging asawa ko.” Nasisiguro niya ba na kung papayag akong magpakasal sa kanya at titira sa mansyon ay hindi na manganganib ang buhay ko? What if pinagtripan niy lang ako? Diyos por santo! “Wala akong pakialam sa anumang pinagsasabi mo! Mas mabuti pang tantanan mo na ako!” galit kong sagot sa kaniya. Napahilamos siya ng mukha. “Di mo ako naiintindihan, Ri! I did it for you. I just want to save you.” “Sabing wala akong pakialam!” pag-uulit ko pa sa sinabi ko at pumasok sa loob ng classroom. Dinukot ko sa tote bag ko ang aking earphones at isinaksak ito. Ayokong makarinig ng kahit ano mula sa kaklase kong feeling perfect. Nagtangka siyang pumasok sa loob ng classroom pero dumating si Professor Matteo. Kaya't umalis ito habang nakapamulsa. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang papalayo. Lagi nalang niyang sinisira ang araw ko at kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig niya. Nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko si William at umakbay ito sa balikat ko. Bahagya niya pang inamoy ang buhok ko. “Isa pa ito!” nanggigil kong naikuyom ang aking kamao at deretso itong lumipad sa mukha ng lalaki. “Aaaaw!” Tinangggal ko ang aking earphones. Napatayo siya at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. “How dare you to punch me? Are you aware kung anong kahihinatnan ng ginawa mo sa akin ha? At sino ang pinagmamalaki mo? Iyong Tristan ba? Wala namang panama iyon sa akin!” galit na turan nito at sabay akong tinadyakan. Nagtatawanan lamang ang mga kaklase ko. Wala manlang ni isa sa kanila ang umawat. Tumayo ako. Galit na galit, gusto kong wasakin ang mukha niya ngayon din. “Lumalaban kana?!” Sasampalin niya sana ako ngunit biglang may humawak sa kamay niya—am not familiar to his face. Ngayon ko lang siya nakita. Bakas sa mga mata ni William ang takot. Bigla nalang itong umatras at bumalik sa kaniyang pwesto. “Are you hurt?” tanong ng lalaki sa akin pero nakatitig lamang ako sa kaniya. Iniscan ko ang mukha niya. At basi sa suot niyang uniporme ay dito rin siya nag-aaral pero ibang department ata ito. “Sino ka?” Bahagya niyang inayos ang suot na salamin bago sumagot. “Kael,” pabulong niyang sagot sa tenga ko. Napaatras ako dahil iyong pamilyar sa akin ang pangalan niya. Minsan ko na kasing narinig ito pero hindi jo alam kung saan ko nga ba narinig ang pangalan niya. “Bakit mo ginawa iyon?” “Ang alin, Miss?” “Ang ipagtanggol ako sa kaklase kong si William,” sagot ko. Bahagya siyang lumingon sa pwesto ng kaklase ko at napayuko ito. Takot sa kaniya si William, di ko alam kung bakit. “Kasi sinasaktan ka niya.” Deretsong sagot niya. Ano naman sa kaniya kung sinasaktan ako ng mataba na iyon? Eh kaya ko namang balian iyon ng buto. “Salamat, pero sa susunod wag mo ng gawin iyon ha? We're not even close at saka ngayon lang kita nakita sa unibersidad na ito.” “But i've seen you for long.” Sino ba talaga ang lalaking ito? Agad na sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Tristan kanina lang. Hindi kaya isa ito sa mga taong may masamang motibo sa akin? “what about you Miss? Anong pangalan mo?” seryosong tanong niya. Nabalik ako sa huwisyo. “Riri,” tipid kong sagot. Lumapad ang ngiti niya, kinilabutan tuloy ako. “Nice to meet you, Ri. I have to go! See you again, Riri!” paalam niya. Kumaway pa siya sa akin sabay tango. Nakatitig lamang ako sa mukha ni Professor Matteo—ngayon ko lang napansin na bagong gupit ang buhok niya. Lalo siyang gumwapo. Di ko na pinansin ang masamang tingin ng mga kaklase kong may matinding insecurities sa beauty ko. Wala naman siyang ambag sa buhay ko focus muna ako kay Professor Matteo ay este sa future ko pala. “Pinagnanasahan na naman niya si Professor Matteo, ang landi talaga ng babaeng iyan!” rinig ko pa mula kay Criselda. Nagbingi-bingihan lang ako sa ibinabato nilang masasakit na salita sa akin. “You may now kiss your bride!” ngumuso pa ko sabay pikit ng mga mata ko. Nabalik ako sa huwisyo nang biglang may tumama sa ulo ko—scatch tape. Wtf! Napahawak ako sa aking ulo. Nagtawanan ang mga kaklase ko. “Nasa ibang dimensyon ang malandi!” turan ni Crisel kaya't lalong lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko. Nasasaktan ako hindi dahil sa pagbato sa akin ng scatch tape ni Professor Matteo kundi sa tagal ko rito sa unibersidad na ito ngayon lang niya ako binato. Ang puso ko, ouch! “Bakit moko, binato Prof?” mangiyak-ngiyak kong tanong. “Bakit hindi? Kanina kapa hindi nakikinig sa klase ko at may panguso-nguso at papikit-pikit kapa!” naiinis na tugon nito sa akin. Kasalanan ko pala. Pero masakit ang puso ko. Iyong crush ko kasi ay nagawa akong- “Can we talk privately, Miss Ri?” dagdag pa ni Professor Matt. Naeexcite ako dahil sa wakas ay makakausap ko na ng masinsinan ang crush ko. Pwede na talaga akong mamatay bukas. “O sige po,saan niyo po ba gusto? Sa langit o--” hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang pumasok bigla si Tristan. Ang sama niyang makatitig sa akin. Ang mga kaklase kong babae na may gusto sa kanya ay nagsipagtilian. Nababaliw sila sa presensya ni Tristan pero mas nababaliw ako sa crush ko. “Prof Matteo, you are fired!” nagulat at napatayo ako sa sinabi na Tristan kahit ang mga kaklase ko ay nagulat rin. “Mr. Tristan, anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Prof kay Tristan. “labag sa batas ang pinanggagawa mo sa estudyante mo, Prof. Bawal makipagrelasyon ang isang katulad mo sa mga estudyante mo at basi sa nadatnan ko. You are trying to pursue my woman!” Napalingon sa gawi ko si Professor Matteo. “Hoy asungot! Walang ginawang masama si Professor Matt na labag sa batas ng unibersidad na ito at saka wala siyang relasyon sa amin lalo na sa akin. At saka ang kapal ng mukha mong tanggalin si Prof sa unibersidad na ito. Hindi mo rin ako babae, Tristan. I am just your nightmare!” depensa ko pa. “Prof, wag kang pumayag na tatanggalin ka niya ng basta-basta kahit pa ay anak siya ng may-ari ng unibersidad na ito. You did nothing!” “I said you are fired!” galit na ulit ni Tristan. Mabilis akong naglakad papalapit sa gawi nito, walang isang segundo ay tumama na ang kamao ko sa mukha niya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Puro pasa na ang mukha niya. He was about to kiss me nang biglang dumating si Kael. “Don't you dare kiss my girl.” agad na nagtama ang paningin nilang dalawa ni Tristan. Hinila ni Kael ang braso ko pero hinila rin ni Tristan ang kabila kong braso. “ano bang meron sa babaeng iyan at pinag-aagawan siya ng mga nag-gwagwapuhang campus hearttrob ng campus na ito. She is just a nobody!” “She is my woman!” giit pa ni Tristan sabay akong hinila. Napasubsob ako sa dibdib niya—ang tigas. Napamura ako sa katarantaduhang ginawa ng dalawang lalaki. “She is mine,” di nagpatalo si Kael sabay hila sa kamay braso ko. Kunti nalang talaga, mapuputol na itong braso ko kakahila nilang dalawa. “Ano ba?! Bitawan niyo nga akong dalawa! Di niyo ako pagmamay-ari!” galit na turan ko. Pag-uuntugin ko talaga ang ulo ng dalawang ito. Pagtripan ba naman ako. “Fiance ko ang babaeng ito!” “Tangina, ayaw niyo talagang tumigil? Bakit niyo ba ako pinagtritripan ha? Gumagawa pa talaga kayong dalawa ng eskandalo dito! Bitawan niyo ako!” tuluyan na akong sumabog sa galit. “Ako ang fiance at unang nakaangkin sa virginity niya kaya akin lang si Riri!” muling giit ni Tristan at sabay akong hinalikan sa labi. Malakas ko siyang itinulak at sinampal ng malakas. “Bastos!” sigaw ko. Humarap ako kay Kael at sinampal ko rin ito. “Isa kapa!” napahawak silang dalawa sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD