The Billionare Meets Happy Girl
"Oo beb, nandito na ko sa meeting place namin, hmmm siguraduhin mo lang na mata-taypan ko tong ka blind date na binigay mo sakin— sure ba yan? gwapo talaga to?— kunsabagay, magkikita naman kami ako nalang mag ja-judged sa kanya kung pogi nga... —aysus !!!! Ou na sige na mamaya na tayo mag chikahan. ikukuwento ko nalang sayo kung anong mangyayari— Hahaha ok bye bye"
Kring kring kring!
"Hello, opo, ano po bang suot mo? nakalimutan ko kasi eh—
Kulay blue na polo shirt, naka jeans at blue na rubber ok copy.. malap— Awtch!"
Napahinto si Happy ng nabangga siya sa matigas na katawan ng isang lalaki , napahawak siya sa kanyang ulo na animo'y nabigla sa sakit. Unti unti niyang itinaas ang kanyang ulo na animoy nag slow motion para makita lang ang mukha ng lalaki dahil sa katangkaran narin nito. imbes na pagsabihan niya ang lalaking hindi tinitignan ang dinaraan ay hindi niya nagawa ng makita ito dahil talagang namangha siya sa taglay na kagwapuhan ng lalaki. May mga tatlong lalaki ring nakasunod dito na akala mo mga kakambal ni james bond pero wala sa mga ito ang kanyang atensyon kung hindi ay nasa nakabunggong lalaki.
"Huuuuu ! Grabe , ang gwapo mo naman kuya! parang kang perpektong pininta na lumabas sa frame— WOW! totoo ba to ? ( tuwang tuwa pa si Happy habang pinipisil pisil niya ang braso ng lalaki dahil sa namamangha siya sa mga maumbok na muscles ng lalaki at talaga namang saktong sakto sa fit din nitong katawan. Nakatingin lang ang lalaki sakanya at pinagmamasdan ang mga ginagawa niya sa katawan nito) Ang sexy ng katawan mo ha. para kang maniquin na may kulay.”
sabi niya pa habang pinipindot pindot niya ang dibdib ng lalaki, Naka white fitted shirt kasi ang lalaki kaya bakat na bakat ang katawan nito na animoy modelo ng brief tapos ang malalapad na dibdib nito ay kitang kita ni Happy kaya sa sobrang pagkamangha niya sa mala artistahing katawan nito ay triny niyang pindutin baka sakaling mali ang nakikita niya.
Natigil lang ang pang hihipo niya sa lalaki ng tumunog ulit ang cellphone niya. Nanatiling nakatingin sa kanya ang mga kalalakihan habang kinakausap niya ang tumatawag.
“ay ou nga pala, Hello? San ka na nga po ? Sa harap ng mumulo store? ( Nagpalinga linga siya at nakita niya ang store ng mumulo , tinignan niya ang paligid nito. At nanlaki ang mata niya ng makita ang nakasandal na lalaki na naka blue na polo at naka lagay ang phone sa tenga) ahhh okey po, sige hanapin ko nalang ang store ng mumulo…” sabay patay niya sa cellphone. Bakas ngayon sa mukha ni Happy ang pagka-dismaya na akala mo natalo ng malaki sa Video karera.
“ano ba yan!! Ex ko pala yung ka meet ko aa. Sa dami dami ba naman siya pa. paano naman nangyaring nagkakilala sila ni Minggay?”
Bulong niya sa sarili pero naririnig naman ng gwapong lalaking na nasa harap niya. Nang bigla niyang naalala na nasabi niya pala sa ka blind date niya kung ano ang suot niyang damit.
“hala kuya pwede ba na makikisabay ako sa inyo sa paglalakad ha mauuna ako para hindi niya ako makita. Tara tara lakad na tayo.”
Para namang na engkanto ang lalaki na agad din naman sumunod sa kanya. Nauunang maglakad si Happy habang bumubulong bulong dahil naiinis siya.
Nang makita niyang malayo na siya sa kinaroroonan ng ka blind date ay Tinawagan niya ulit ang ka blind date niya sa phone, nananatiling nakasunod parin sa kanyang likuran ang gwapong lalaki na nakabunggo niya at ang mga kasama pa nitong tatlong lalaki.
“Ui sorry, hindi na ko tumuloy jan kasi ano ei ... may importante lang akong gagawin tinawagan kasi ako ng boss ko sa work. Galit na galit sakin ang boss ko sorry talaga. — Ano ? Ui hindi aa! —Hindi pa kita nakikita .—Hindi yan totoo , —anong sabi mo nakita na kita pero ayaw ko sayo kaya umalis ako . Hindi aaaa ! Pasensya ka na talaga— Aba! pinatay niya? Bastos ! I hate you!”
galit na kinakausap ni Happy ang cellphone niya dahil pinatayan siya ng kausap niya.
Biglang huminto si Happy ng paglalakad, ganun din ang mga nakasunod na mga kalalakihan, nang makita ni Happy sa palaruan ng mall or arcade na malapit ng mahulog ang mga barya sa isang machine na kapag hinulugan mo ng barya ay uusog ang ibang barya tapos mahuhulog sa butas, malas mo lang kung pumatong ang hinulog mong barya sa mga barya na nasa loob , favorite niyang laruin ito kapag nasa mall siya madami kasi siyang laging barya. Napatingin siya sa likod niya at nagulat siya dahil nakasunod parin pala sa kanya yung lalaking nakabunggo niya.
“ yay kuya! Ginulat mo ako nanjan pa pala kayo? ay siya nga pala kuya, Salamat sa pagtulong niyo ha, dito na ako”
sabay takbo niya papunta sa machine, pero bago yun tinanggal niya muna ang suot niyang blazer dahil kapag ito ang nilalaro niya pinagpapawisan siya at naupo na sa harap ng machine, feeling kasi niya kapag ito ang nilalaro niya lumalaban siya sa isang gera.
Habang ang naiwan na lalaki ay nanatiling pinagmasdan siya na animoy namangha dahil napa sunod siya ng magandang babaeng nakabunggo, na ngayon ay parang batang naglalaro sa harap ng isang machine na kahit minsan sa buhay niya ay walang nakapagpasunod sa kanya dahil na rin sa tigas ng kanyang ulo, maliban na lamang sa kanyang ina. Pinagmasdan niya pa ito ng sandali at ngumisi.
“Lets go”
mapagmataas pero masarap sa tenga na boses ang narinig na utos ng kanyang mga kasama, na ang tatlo palang ito ay mga personal guard pala niya at ang isa sa mga ito ay aside sa pagiging personal guard ay kanang kamay s***h sekratarya na si Jun at siya naman ang kanilang Boss!