CHAPTER: 2

1150 Words
Habang naghahanda ako ng pagkain ko para sa lunch, nagpaalam si Diego na uuwi muna sa kanila at babalik na lang mamayang gabi bago mag dinner. Kabilang street lang ang bahay nila at hindi ako nagagawi doon magmula ng maging kami. Ayaw sa akin ng ina ni Diego dahil ulila ako. Gusto nila si Judy dahil may kaya daw ang pamilya. Pero ang totoo, maluwag ang buhay ng babae na ‘yon dahil sa monkey business nito sa gabi. Matapos ko isalang sa pressure cooker ang munggo, nagtimpla ako ng kape at naupo ako sa balcony ng bahay at napaisip ng mga bagay-bagay sa aking buhay. Pinalaki ako ng aking tiyahin na nakatira sa bukid. Mabait ang pamilya nito at masaya naman ako sa kanila. Sadyang bumukod lang ako dahil malalaki at binata na rin ang mga pinsan ko at ako lang ang dalaga, hindi ako makakilos ng gusto ko. Tulad ngayon, nakasuot lang ako ng manipis na sando, walang bra. Cotton shorts lang sa pang-baba at wala rin suot na panty bilang panloob. Isa pa, hindi ako marunong sa gawaing bukid. Nakagisnan ko na prinsesa nila ako, kahit pa pinsang buo lang ng aking tiya ang yumao kong ama. Wala akong masabi sa kanilang masama. Kaya bilang ganti, buwanan ko sila pinapadalahan ng grocery sa bukid. Ayaw nila, pero gusto ko. Dahil hindi naman kami mayaman. Tipikal na isang kahig at isang tuka lang kami. Napahinto ako sa paghigop ng kape sa tasa ng napansin ang isang kotse na nakaparada na naman sa kabilang kalsada. Halos linggo-linggo iba-ibang sasakyan. Mula hapon hanggang umaga nandoon ang kotse, malayo sa bahay pero kita pa rin. Akmang hahakbang pa lang sana ako palabas ng balkonahe ng tumunog na ang pressure cooker. Kaya naman humakbang ako pabalik, papapasok sa bahay at diretso sa kusina. Inasikaso ko ang pag gisa ng munggo at pagkatapos ay naghugas ako ng mga ginamit ko. Habang hinihintay ko si Diego na bumalik, naligo muna ako ng mabilis at naghain ng pagkain pagkatapos ay hinintay ko pa ng ilang minuto ang kasintahan ko, pero inabot na ako ng dalawang oras, wala pa rin ito. Kaya nagpasya na akong mauna kumain. Nag timpla ako ng kape sa maliit na tasa at naupo ako sa balcony. Nandoon pa rin ang sasakyan kanina ng tumingin ako sa kalsada at umaasa na baka dumating na si Diego, pero wala pa rin. “Ang lamig!” mahinang bulong ko, sabay haplos sa aking braso. Sinakop ng dalawang palad ko ang mainit na tasa at napangiti na tumingala ako. Naisip ko ang buhay na meron ako ngayon. Kumakain ako ng tama sa oras, higit tatlong beses sa isang araw. May bahay ako, may tubig sa gripo, may kuryente, okay na ako. “Sorry babes, naharang ako ng tropa sa daan papunta dito,” napangiti ako habang nananatiling nakapikit ang aking mga mata. ‘At may kasintahan na mahal na mahal ako,’ bulong ng isip ko. “Nauna na akong kumain, ang tagal mo kasi,” may halong pagtatampo na sagot ko. “Tsk! Kakainin ko bukas ng almusal ang niluto mo. Wag ka na magalit babe.” Sabay dakma nito sa aking isang dibdib at kinurot ng mahina ang aking ut*ng. “Hmmmmm. Nasa labas tayo, baka may makakita sa atin,” pabulong na saway ko sa aking kasintahan na kinikiskis na ang kanyang naninigas na alaga sa pagitan ng aking pang-upo. “Halos alas dose na babes. Bukod doon, wala ng tao sa lansangan.” Sabay pasok ng isang kamay nito sa loob ng aking manipis na panty shorts. “D–Diego,” mahinang tawag ko sa pangalan ng aking kasintahan ng padulasin nito papasok sa loob ng aking butas ang kanyang dalawang mahaba na daliri. “Ito ang gusto ko sayo, basang-basa lagi. Laging libog na libog sa akin. Nakainom ako ngayon babes, kaya mag eenjoy ka, matagal akong lab*san nito,” bulong ni Diego. Napanganga ako at napadilat ang aking mga mata ng hilahin nito pababa ang suot ko na panty shorts. Ipinatong nito ang isa kong paa sa ibabaw ng upuan at mabilis akong kinamay habang nakatayo. Napakunot ang aking noo ng mapansin kong biglang umandar papalayo ang kotse na kanina pa nakaparada sa kabilang bahagi ng kalye. Pero nawala ang iniisip ko ng biglang umalis si Diego sa likod ko para patayin ang ilaw sa labas. Kaya tanging liwanag na lang ng buwan ang meron. Nakangisi na bumalik ang aking kasintahan sa likuran ko na wala ng saplot pang-ibaba. Lumuhod ito sa likuran ko at napahawak ako sa kanyang ulo sabay napatingala. Malikot ang dila nito na kinakalikot ang aking baba. Halos tumirik ang aking mga mata sa husay nito magpaligaya, pero ang tagal na at ang hapdi na, minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako nakakarating sa rurok ng kaligayahan. “I—Ipasok mo na please,” pakiusap ko sa aking kasintahan habang pinepeke ko ang orgasmo. Nanginginig kunwari ang katawan ko habang nilalabasan. Pero ang totoo, nangangawit na ako sa pag tuwad. “Masarap?” tanong ni Diego habang nakangisi na iniikot ang kanyang dila sa paligid ng kanyang labi. “Hmmmm,” tipid at kagat labi lang ako na tumango. Ganito ako madalas, hindi ko alam kung bakit sa daming beses na nagsisiping kami, bihira lang ako lab*san. Madalas ko pinipike ang orgasmo. Kaya tulad ngayon, nilabasan na si Diego at pati pag-ungol kanina, pineke ko rin na nasasarapan. “Ang sarap-sarap mo talaga babes,” bulong ni Diego sabay halik sa aking noo. Nakangiti lang ako na dinampot ang saplot ko sa sahig. Diretso ako sa banyo at nakangiti na kinindatan ang aking pilyong kasintahan. Pero pagpasok ko sa loob, napayuko ako na naligo ng mabilis. Pakiramdam ko, niloloko ko ito dahil sa ginagawa ko. Pero anong magagawa ko. “Magpahinga na tayo babes,” pag-aaya ni Diego sa akin matapos nito maglinis din ng kanyang katawan. Nahiga kaming magkatabi at natulog ng mahimbing. Paggising ko, wala na si Diego sa tabi ko, pero paghakbang ko patungo sa banyo, nadaanan ko ang kusina na may nakatakip sa ibabaw ng lamesa. Mukhang nagluto na ang aking kasintahan ng almusal bago pumasok sa trabaho. Ganito ang buhay naming dalawa. Security guard si Diego at ako naman ay sales lady sa mall. Bawal ang ganun na relasyon, pero wala namang nagsusumbong sa head, kaya tumagal ang aming relasyon. Para kaming live-in na ng aking kasintahan, na parang naglalaro lang minsan. Sa totoo lang, hinihintay ko lang na ayain ako ng kasal ni Diego. Pag dumating ang araw na ‘yon, ako na siguro ang isa sa pinakamasayang babae sa mundo. Dahil ang totoo, nakakalungkot ang ganitong umaga. Ang magising na mag-isa lang. Gusto ko na rin magkaroon ng matatawag ko na sariling pamilya. Ang totoo, nakakapahod buhayin ang sarili. Parang pakiramdam ko, araw-araw ay paulit-ulit lang ang ganap sa maghapon ko sa loob ng maraming taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD