“Bilisan mo Arleta! Late ka ngayon, anong nangyari sayo? Iikot ang big boss ngayon ah! Hindi mo alam? Ang store mo ayusin muna!” bulong sa akin ng aking partner.
Nagmamadali akong pinuntahan ang mga display at pinalitan ng mga bagong dating na damit. Tinupi ko na rin ang animoy ukay-ukay na tambak sa unahan ng mga damit na old style na at ilang buwan na lang ay aalisin na sa store.
Napangiti ako na ipinagpag ang aking mga kamay sabay tayo. Natapos ko na ang tambak na tupiin at inalis ko na ang alikabok ng biglang pag pihit ko, may bulto akong nabangga! Halos lumabas na ang puso ko sa kaba. Ang akala ko ay lalagapak ako sa malamig na sahig. Pero napalunok ako ng aking laway ng sa pagtingala ko, kulay tsokolate na isang pares ng mga mata ang sumalubong sa aking paningin.
“What, is proper posture way too advanced for your brilliant agenda? If you wanna sprawl out like a sack of potatoes so badly, go do it at your own place! I’m not here to be your personal bed – did that thought just never cross your mind?” Ang kanina nangungusap at malamlam na mga mata at biglang nag yelo. Ang kilay nitong makapal ay nagsalubong na rin.
“S–Sorry, Sir. Hindi ko aka—,” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumalikod ang lalaki at kasunod nito ang ilang mga lalaki na nakasuot ng barong na puti at ilang mga head dito sa mall.
“Ay F na F mo naman ang paglandi. Bagong style ba yan para maka-bingwit ng mayaman?” napakunot ang aking noo sa kabilang bahagi. Si Judy na nakangisi pala ang nagsalita.
“Wag mong ipasa sa akin ang gawain mo. Ako ang tao na marunong makuntento. Magkaiba tayo at hindi ako ikaw. Tse!” Sabay talikod ko at inayos ang nasagi kong isang dosena ng mga damit na na maayos na sana kanina, pero natumba dahil nakakahiyang nabangga ko ang lalaking masungit.
Napapasapak ako ng maalala ang mukha ng lalaki. Parang mas gwapo ‘yon kung ikukumpara sa mga artista at male models na nakikita ko sa telebisyon at mga magazine's. Pero agad kong sinapok ang aking noo at inalis ang lalaki sa isipan ko. May kasintahan na ako at mahal na mahal ko si Diego. Hindi man kasing gwapo ng lalaki kanina, pero may laban naman.
Pero natapos na ang oras ko sa trabaho, hindi ko pa rin nakikita si Diego. Ni hindi ko alam na day off pala ng aking kasintahan ngayon. Hanggang sa makalabas ako ng building, walang Diego na sumalubong sa akin. Kaya dinukot ko na ang aking cellphone at sinubukan itong tawagan.
“No number you have dialed is either unattended or out of coverage. Please try your call later.”
Kinakabahan, na humakbang ako patungo sa sakayan ng jeep at sumakay sa loob. Hindi ko maiwasan na hindi kagatin ang aking kuko dahil sa kaba. Ang nakakainis pa, pinupuno pa ang jeep na sasakyan ko, kaya lalong naantala ang aking pag-uwi.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumarga ang jeepney at huminto sa tapat ng aming bakuran. Napakunot ang aking noo ng makita ko na bukas ang ilaw mula sa kusina. Kaya nagmamadali akong pumasok sa gate.
“Hi babes!” nakangiting bungad sa akin ni Diego. Nakasuot ito ng bathrobe na hindi tinali. Naiiling ako ng bumaba ang aking tingin sa alaga nitong agad sumaludo sa akin.
“Day off mo, hindi mo sinabi sa akin. Hindi mo din ako sinundo,” may pagtatampo na sabi ko dito.
Humakbang ito papalapit sa akin at niyakap ako. Hinalikan nito ang aking noo at hawak ang magkabila kong pisngi. “Babes, kararating ko lang din ngayon. Nag extra ako sa mga barkada ko. Kailangan ko pumaldo ngayong taon. Gusto na kasi kita pakasalan,” seryosong sabi nito sa akin.
Hindi ako makagalaw. Ngayon lang kasi nito binanggit ang kasal. Kaya naman medyo nakonsensya ako na sinungitan ko pa kanina. “Sorry,” tipid na sagot ko.
“Okay lang. Pero baka maulit pa ito. Baka hindi kita laging masundo. Ano kasi, on-call ang trabaho. May ginagawa kaming bahay,” malikot ang mga mata na sabi ng aking kasintahan. May pagdududa man, ngumiti na lang ako at tumango.
“Kumain ka na? Magbibihis lang muna ako, para makapagluto na.” Sabay hakbang ko papasok sa aking silid.
“Magpahinga ka na lang muna at maligo. May binili na akong pagkain natin.” Sabay yakap sa akin ni Diego at hinalikan ako sa balikat.
“Grabe ang pagod ko babes. Pwede bang mamaya mo na ako lambingin?” nakangiti na sagot ko dito. Halata sa kanyang mukha na disappointed sa sinabi ko. Pero totoong pagod na pagod ako sa store ngayong maghapon.
“Sige, pahinga ka muna. Mamaya na lang kita kulutin.” Sabay talikod nito sa akin at itinali na ang suot na bathrobe. Dinampot ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa at ang kaha ng sigarilyo na katabi nito.
Napabuntong hininga ako ng humakbang papalayo ang aking kasintahan at timungo ang labas ng bahay. Parang may tinawagan ito at biglang ngumiti sa kausap.
Hanggang sa ang isang beses na hindi ako na nasundo ni Diego ay naging mas madalas na. Halos tatlong beses na lang ako nito sunduin at madalas hindi na rin ako ihatid sa trabaho. Minsan matutulog lang ito sa bahay at umaalis na bago sumikat ang araw.
Sa paglipas ng mga buwan, pakiramdam ko ay lumalayo na sa akin ang aking kasintahan. Ang dati nitong ugali na malambing, parang nanlalamig na.
“Nakita ko si Diego, may kasamang babae.” Napalingon ako kay Wena.
“Seryoso ka ba?” tanong ko dito na walang emosyon ng titigan ko ang mukha. Halos manginig ang katawan ko ng inabot nito ang kanyang cellphone at kita ko ang babaeng sexy na maputi, nakalambitin ang dalawang braso sa batok ng aking kasintahan.
“S–Saan ito?” tanong ko pa sa aking kaibigan.
“Sa kabilang kanto lang ninyo. Galing akong center, sinamahan ko ang anak kong bunso magpabunot ng ipin sa center. Nasa loob ako ng jeep niyan. Mukhang papunta yata si Diego sa inyo niyang araw na yan. Hindi ka niya sinundo ‘no?” si Wena na seryoso ang ang mukha habang nagkukwento.
Natapos na lang ang maghapon, tulala lang ako halos at magulo ang isip. Nakarating ako sa bahay na para bang umalingawngaw pa rin ang kwento ni Wena tungkol kay Diego at sa babae nito. Dalawang buwan na rin walang nangyari sa amin ng lalaki. At sa pagkakakilala ko sa kanya, alam ko na hindi ni Diego kaya magtiis ng ganun katagal.
Napabuntong-hininga ako ng makapasok sa loob ng bahay. Nagdarasal ako na sana ay nagkakamali ang pakiramdam na meron ako. Na sana hindi ako niloloko ni Diego. Dahil parang hindi ko makakaya. Baka gumuho ang mundo ko.