CHAPTER: 4

1056 Words
Dilat ang aking mga mata habang nakatitig lang sa kisame. Iniisip ko kung paano na ang hinaharap ng relasyon namin kung magpatuloy na ganito si Diego. Nakaramdam ako ng guhit na kirot sa aking dibdib. Paikot-ikot ako sa ibabaw ng kama at balisa. Patong-patong ang iniisip ko at ipinagdarasal ko na sana patungan naman ako ni Diego. Halos apat na buwan na nililigo ko na lang ang aking pananabik sa kanya. Ngayon pakiramdam ko ay mating season ko na at papalapit na ang aking buwanang dalaw. Dumapa, tumagilid, tumihaya na ako, hanggang sa napabalikwas ako ng tayo. Suot ang manipis kong damit, lumabas ako ng bahay. Sa balcony ako naupo habang naluluha. Alam ko na ang hinahanap ng aking katawan. Hinahanap ko ang mga ginagawa sa akin ni Diego. Naluluha ako na hinaplos ang aking magkabilang braso dahil sa lamig ng gabi. Ang buong akala ko lilipas ang init ng katawan ko, pero para bang mas lalo pa itong lumala. Kaya't muli akong pumasok sa loob ng bahay. Babalik na sana ako sa pagkakahiga ng biglang umilaw ang screen ng aking cellphone na nagbigay liwanag sa buong silid ko. “Wena?” may pagtataka na tanong ko sa kabilang linya. “Nakita mo ba ang mga sinend ko sayo na pictures?” tanong nito. May pagmamadali na binuksan ko ang mga messages. Napalunok ako ng makita sa larawan ang aking kasintahan na mukhang may ka-date. Dahil may kasamang babae. “Salamat, Wena. Matutulog na ako.” Sabay patay ko ng tawag. Akmang hihiga na ako ng marinig ko ang pag lagatik ng seradora sa sala. Napakunot ako ng aking noo. Pagtingin ko sa orasan na nasa dingding, halos alas dose na ng hatinggabi. Ang lungkot ko kanina ay napalotan ng excitement. “Diego?” tawag ko sa pangalan ng aking kasintahan na siya lang naman ang maaaring pumasok sa bahay ko. Dahil ang mga pinsan at tiyahin ko, nasa bukid naman at hindi ‘yon mga bababa ng bayan ng dis oras na ng gabi. “Babes,” sagot ng kapapasok pa lang na lalaki. Si Diego nga ito at halatang nakainom ng alak. Halos hindi ito makatayo ng tuwid at amoy sa hininga ang nakakalasing na likido. Inalalayan ko hanggang sa makapasok at makaupo sa upuan ko na kahoy sa sala. Isinarado kong muli ang pinto at muli ko inalalayan papasok sa loob ng aking silid ang aking kasintahan. “Ano bang nangyari sayo?!” Naiinis at medyo mataas na ang aking tono. Ngayon na lang ulit kasi ito nagpakita makalipas ng halos isang linggo, tapos lasing pa. “Babes, wag ka magalit. Para sa atin din ang ginagawa ko. Sa bulsa ng pantalon ko may pera doon, itabi mo. Parang ayaw ko na pumasok sa sideline ko, pakiramdam ko may gusto sa akin ang anak ng boss ko. P–Pero wag kang mag-alala, ikaw lang ang mahal ko babes.” Lasing na sabi nito. Naluluha ako na kumuha ng palanggana na maliit, nilagay ko ng maliit na face towel at pinunasan ko ang buong katawan ni Diego at pinalitan ng damit na pantulog. Humihilik na ito ng kapain ko ang pantalon nitong suot. Medyo nagulat ako ng isang bugkos ng libuhin na papel ang aking nakita. Binilang ko ito at twenty-thousand lahat. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ng mabilis ang aking dibdib. Pagtingin ko sa kabilang bulsa, ganun din ang laman. Twenty thousand din na nakapabilog at tinali ng goma. Bali forty-thousand ang laman ng pantalong ng aking kasintahan. “Anong iniisip mo?” tanong nito sa akin ng mahiga ako sa kanyang tabi. “Sigurado ka na malinis galing ang pera na dala mo? Okay naman sa akin kahit hindi tayo kaagad ikasal. Ang mahalaga sa akin, nagmamahalan tayo,” sabi ko dito na hindi umimik. Hanggang sa nakatulog na kaming dalawa at nagising ako na wala na ang aking kasintahan sa tabi ko. Napabuntong-hininga na lang ako at disappointed. Pakiramdam ko, long distance relationship kami o kaya naman nasa abroad siya o ako, na hindi magtugma ang oras naming dalawa. Naka-leave ako ng dalawang linggo sa trabaho. Kailangan ko gamitin sa ayaw at sa gusto ko. Kaya heto at nakatulala lang ako sa kawalan. Kung nandito lang sana si Diego, hindi ako mabuburyong. Pinag-usapan na namin dati ang araw na ito, plano namin pumunta sa Boracay at subukan ang night life doon. Pero mukhang ako na lang ngayon. Dahil wala ito ngayon sa tabi ko. Mabilis ako nag gayak ng aking mga damit. Nakapag book na ako ng flight ko, hindi sa Boracay, sa Bicol lang. Pero maganda daw doon ang mga beach. Natatakot kasi ako sa Boracay mag-isa. Kinumpara ko ang mga transportation at mas okay sa akin ang Bicol. Sakay ako ng eroplano, halo-halo ang tumatakbo sa isip ko. May bahagi ako na nalulungkot, pero may bahagi na exited may travel ng solo. Halos kalahati ng buhay ko kasama ko si Diego. Bago para sa akin ang ganito. Malaki ang tiwala ko sa aking kasintahan, kahit pa hindi kami madalas mag-usap sa ngayon. Noon nangyari na rin ito, graduating kami ng hayskul. Naging abala lang siya sa tropa at pamilya, ngayon naman sa raket niya. Ako ang tipo ng babae na mapagkakatiwalaan at pwedeng iwan at balikan. Kaya siguro kampante si Diego sa kanyang ginagawa ngayon sa akin. Hindi siguro kami tatagal ni Diego kung tulad ako ni Judy na masyadong selosa. Pinikit ko ang aking mga mata, paalis na ang eroplano at naramdaman ko na dumating na ang katabi ko sa upuan. Pasimple akong napasinghot sa mild na pabango nitong amoy tsokolate. Pero halos matuyuan ako ng lalamunan, naalala ko ang big boss sa mall na aking pinapasukan. Ganitong-ganito din ang amoy ng lalaki. “You're like a crazy dreaming in the scorching heat of the sun.” Buo ang boses, mahina pero malalim. Madiin, pero parang naglalambing. Napatingala ako sa lalaki at hindi nga ako nagkakamali, siya nga ang big boss! Yun lang nga, hindi ako sigurado kung ito ang CEO o ang pamangkin lang nga may-ari. “G–Good morning, Sir.” Sabay ngiti ko dito. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa lalaking ‘to. Pero bukod doon, wala na akong ibang maramdaman. Para ngang kalmado lang ang energy na meron ang lalaki, knowing na ang galing sa sarcasm na salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD