Habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan, naisip ko na dumaan sa university kung saan nag-aaral ng kolehiyo si Sia. Ang nakababatang kapatid ni Diego. Sa labas ng gate ko napili maghintay sa dalaga. Nagbayad lang ako sa may-ari ng carinderia kung saan ako nag park ng akong sasakyan. “Ang ganda mo talaga, iha. Sayang lang at maganda din ang gusto mo,” Sabi ng matandang babae na nginitian ko lang. Mabait naman si Manang, sadyang may pagka-taklesa lang. “Penge na lang ako ng niluto mong merienda d’yan, Manang. Hindi ‘yong ang dami mo pang sinasabi.” Nakangiti ako, pero ang matanda naiiling. “Sayang talaga. Pero alam mo, Rosette. May pamangkin akong gwapo. Guro dito sa university. Baka matipuhan mo?” Pambubugaw pa ng matanda. “Hay nako, Manang! Dati ka bang bugaw? Hindi na ako mare-r

