Habang nakatingin ako sa aking katabi na si Arleta, hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama na kaba. Sa ibang pagkakataon at ibang pangyayari, hindi man lang ako pinagpapawisan ng malamig. Kahit pa nakipag barilan ako sa mga lalaban. Pero ngayon, pati tuhod ko nanlalambot dahil sa sobrang kaba. “Ang ganda mo na lalo, hindi ko akalain na lalaki kang sobrang ganda.” Pagbubukas ko ng usapan namin. Nakatingin sa mukha ko na may halong pagtataka si Arleta. Syempre, ganun ba naman sabihin ko. Baka iba pa ang isipin niya. Mukhang mali ang intro ko. “Ano ba yan, Rosette. Hindi ako sanay sa ganitong usapan. Pwede bang direkta na lang? Ang awkward kasi talaga. Pakiramdam ko magtatapat ka ng pag-ibig sa akin ‘e. Parang ew naman. Mas malaki pa nga dede mo sa akin ‘e.” Natawa ako habang naiili

