Kararating ko lang ng opisina at si Arleta ay mahimbing na natutulog pa sa silid namin mag-asawa ng iwan ko. Gusto ko man magpaalam, mas pinili ko na lang na wag itong istorbohin. Dahil hirap na siya makatulog sa gabi. Naupo ako at agad binuksan ang aking laptop. Kailangan ko ng tapusin ang aking mga trabaho dito sa kumpanya. Walong buwan ng buntis ang aking asawa at hinihintay na lang namin ang paglabas ng aming munting anghel. Tatlong araw pa ako dito sa trabaho bago ang aking bakasyon, at ngayon, para bang ayaw ko ng pumasok pa. “Rosette, What is my schedule today?” Tanong ko sa aking assistant. Ibinalik ko na ito, magmula ng maging maselan ang pagbubuntis ni Arleta. Actually, hindi ko naman ito inalis talaga. “Puro pipirmahan lang ito, Darling. Meron din pa lang virtual meeting l

