Dalawang-araw kami halos nagkulong ni Declan sa aming silid. Wala kaming ginawa kundi ang nagpapaligaya sa katawan ng bawat isa. Ngayon ay nagpaalam ako na bibisitahin ko ang aking bahay. Pumayag naman si Declan. Kasama ko ang dalawang kasambahay at dalawang bodyguard, may driver din kaming kasama. Kaya dalawa ang gamit naming sasakyan. Kapapasok pa lang namin sa loob ng gate, natulala ako sa naabutan ko. “Ma’am, mukhang gubat na ang buong paligid ng barong-barong mo,” nakangiti ng alanganin at mukhang ngayon pa lang, napapagod na ang kasama kong kasambahay. “Wag kang mag-alala, sanay ako sa gawaing bahay at sanay ako maglinis ng bakuran ko,” paniniguro ko dito na tutulong ako sa kanila. “Ang plano ko, dalawang babae sa loob at dalawang lalaki sa labas. Matanda na si Manong, kaya

