Katatapos ko lang sa isang tambak na meetings. Medyo masakit ang ulo ko sa pagod. Ang plano ko na susunod sana sa bahay ni Arleta ay hindi na nangyari. Nauna na akong umuwi, dahil pakiramdam ko ay na drained ako. Nahiga ako matapos ko maglinis ng aking katawan. Pero kalalapat pa lang ng aking likod sa kama, tawag ni Manong Raf ang natanggap ko. Nakuyom ko ang aking kamay sa sobrang galit. Napaka-walang kwenta talaga ng pamilya ng dating kasintahan ng aking asawa, syempre kasama na doon si Diego. Ang kwento ni Manong, tila nagyayabang pa ang itsura ng walang-hiyang aso, habang si Arleta ay ipinapahiya ng ina nito. “Is it over yet? Kung nandyan pa sila, I'll follow,” tanong ko sa matandang driver na nasa kabilang linya. “Tapos na Sir, kapapasok lang ni Ma’am sa loob ng kanyang silid

