Pagdating ko sa building, kinakabahan ako. Natatawa na lang si Manong Raf sa akin, dahil paulit-ulit ang tanong ko kung ayos lang ba ang suot o itsura ko. “Ma’am, napakaganda mo po. Perpekto ka para kay Sir Declan,” paulit-ulit din na sagot ng matanda na medyo natatawa at umiiling pa. Masaya na nagpaalam ako dito na papasok na ako sa loob. May ID na ako, kaya't mabilis lang ako pinapasok ng security guard. Pero napahinto ako ng makilala ko ang babae na pinagkaguluhan ng mga empleyado. “Ang ganda-ganda mo, Madam.” “Bagay na bagay kayo ng aming cold, CEO.” Ilan lang yan sa mga narinig ko na papuri kay Judy. Pero dahil first day ko ito, iniwasan ko na lang ang babaeng impakta. “Kung minamalas ka nga naman! Anong ginagawa ng gold digger na babaeng tulad mo dito?” Napahinto ako sa

