Mabagal na humakbang papalapit sa akin si Diego. Habang ako, humahakbang din ng paurong, pabalik sa aking silid. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon kung ikukupara noon. May balbas na, mahaba at undercut na ang buhok, kumpara noon na clean cut. Dati ay tisoy ito, ngayon naging moreno na ang kulay ng balat. Dati ay casual semi formal ito manamit, ngayon ay rugged na. Ang kanyang kabuohan, hindi na ang Diego na dati kong kasintahan. “A–Anong ginagawa mo dito sa bahay ko? Paano ka dito nakapasok?” Kinakabahan na tanong ko. “Charan!” Sabay wasiwas ng kamay nito sa susi na nakasabit sa kanyang isang daliri. “Hindi ka naman nagpalit ng locked, so I guess binibigyan mo pa rin ako ng karapatan sa buhay mo, Babes” nakakatakot na ang itsura nito ngayon, para na itong aso na naglalaway sa kapir

