NAGMAMADALI ANG MGA hakbang ni Amari papasok ng kanyang trabaho. Dinaanan niya lang ang naghihintay na si Samael. Hindi nito naisip na hindi magandang ideya na hintayin at kausapin siya bago ang trabaho niya. Simula pa noong nakaraang linggo ay hindi na niya pinapansin ang mga tawag at mensahe nito. Sawa na siya kakarinig sa mga excuses nitong nagsisimula nang magpakulo ng dugo niya. Pucha, puro red flag na lang ang pinapakita sa kanya ni Samael pero heto siyang gaga at go pa rin. What is it with her? Her choices in life are facepalm related as always. Kung balak magpaliwanag ni Samael ay wala siyang oras na pwedeng aksayahin. Hinabol siya ni Samael nang magtuloy-tuloy lang siya hanggang sa front desk. Doon ay pinalitan na niya sa pwesto ang katrabaho. Pinaalis muna ni Samael ang k

