KINAPA NIYA ANG espasyo sa tabi niya. Nang maramdamang bakante iyon ay pinilit niyang buksan ang isang mata. Wala siyang katabi. Nang mahimasmasan ay hinanap niya ang cell phone niya. Pagtingin niya sa oras ay a las diez na ng umaga. Bigla-bigla ay nawala ang antok niya at pakiramdam niya’y binuhusan siya ng malamig na tubig. Late na late na siya sa trabaho niya! Hindi niya pa alam kung uunahing maghilamos o basta na lang isalansan ang mga gamit niya sa bag. Nagkukumahog siyang lumabas ng kwarto bitbit ang bag na nakabukas ang zipper. Hindi na niya pinansin kung may tao sa paligid, basta na lang siya tumakbo. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nang tangkain niyang buksan ang pinto ng banyo ay naka-lock iyon. Sa pangalawang subok na buksan iyon ay nasigurado niyang may tao nga sa lo

