SINUKOB NG KALUNGKUTAN si Amari sa nakikitang paghihirap ni Samael. Hindi man ito umiiyak ay kita niyang nasasaktan ito. Ito ang unang bumitaw sa kamay niya. “How are you feeling?” Iyon agad ang sumagi sa isip niya. Nanatili itong nakayuko at hindi umiimik. Marahan ang naging paghinga nito. Pinapanood niya lang ang pagtaas-baba ng balikat nito. Hindi na siya nagsalita at hinayaan ang katahimikan na yakapin sila. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Sa kasuluk-sulukan ng isip niya, inaamin niyang masama pero hindi niya maiwasang isipin na hindi malayong hindi maghiwalay ang tatlo. Alam niyang maling isipin pero kung sa isang tao nga ay hindi pa sila makuntento, paano pa kung tatlo na sila sa iisang relasyon? Maraming complexities ang polyamorous relationship pero hindi iyon para s

