bc

Sharine's Sweet Surrender (Love Like This)

book_age16+
860
FOLLOW
3.0K
READ
opposites attract
kickass heroine
comedy
sweet
bxg
city
office/work place
surrender
stubborn
like
intro-logo
Blurb

SHARINE never imagined herself falling in love. Kontento na siya sa buhay. Ang pag-ibig ay para lamang sa mga takot mag-isa. Besides, wala naman talagang forever. Chika lang iyon ng mga hopeless romantic. Siya kasi ang tipo na mas gustong maging realistic.

Isang araw, kung kailan naman nalanghap ng buong sistema niya ang air pollution ay saka naman siya nakaamoy ng mahalimuyak. She had to find where the scent came from upang ma-eliminate ang mga masasamang hangin na iyon sa utak niya. And she found it!

Uh-oh.

"Can't get enough, huh?" untag ng iritadong boses.

Hindi pala 'it'. Kasi 'him' pala. At 'Dominic' daw ang name nito.

"Love at first smell ba 'yon?" tanong niya nang makaalis na ang gwapo-sana-ngunit-antipatikong nilalang.

"Sabi ko naman sa'yo magpatingin ka na," pakli ng bestfriend niyang si Kisha.

"Bakit?"

"Malala na ang kalawang mo sa utak."

chap-preview
Free preview
01
CHAPTER ONE ITINUTOK ni Sharine ang pinakamamahal na camera na nakasabit sa kanyang leeg sa bestfriend na si Kisha Kaye habang abala ito sa pagliligpit ng mga tambak na papeles sa mesa nito. "Smile, Kisha! Bilis na!" Salubong ang kilay na tiningnan siya nito. Kanina pa kasi ito aburido dahil hindi nito alam kung paano aayusin ang pinapagawa ng Dad nito rito. "'Wag ngayon, Sha. Nakikita mo naman sigurong nalulunod na ako sa mga assignments na 'to?" "Isa lang naman, e. Sige na." "Kailan ka pa naging makulit?" "Kailan ka pa umayaw sa picture-taking?" "Ngayon lang." "Ngayon lang din," panggagaya niya rito. Ngumiti na rin ito at tagumpay niya itong nakuhanan ng picture. "Perfect!" sabi niya nang tingnan ang resulta. "May pang-headline na rin ako bukas! Ha-ha!" "Sharine!" impit na tawag ni Kisha sa pangalan niya. Tumawa siya at nag-peace sign dito. "Si Kisha Kaye naman, hindi na mabiro." "Pang-magazine ang beauty ko, hindi pang-diyaryo!" "Sabi ko nga," napahagikhik na sabi niya. "Matagal pa ba 'yan?" Itinaas nito ang kanang kamay. "Five more minutes. Promise." Bumuntong-hininga siya at napameywang. "Naka-anim ka nang five minutes, alam mo ba 'yon? Ha? Utang na loob, bilisan mo na. Kapeng-kape na talaga ako, e." Ito naman ang ngumisi. "Si Sharine naman, hindi na makapaghintay. Libre ko naman, 'di ba?" "Sabi ko nga take your time." Nagpalakad-lakad na lang siya sa kabuuan ng opisina nito. Tatlong taon na mula noong maka-graduate sila sa college sa magkaibang kurso. Hindi na nahirapang maghanap ng kompanyang mapapasukan si Kisha dahil negosyante ang pamilyang pinagmulan nito. Sikat sa buong bansa ang Aragon Transportation Line. Ang Aragon Bus Line na nasa ilalim niyon ay siya namang pinamamahalaan ng Kuya Andrew nito. At ang kaibigan niyang si Kisha ang in-charge sa paggawa ng monthly report to make sure na nami-meet ng mga bumibiyaheng bus ang quota ng mga ito nang walang anumang nangyayaring aberya o aksidente. Alam niyang lahat ng iyon. Magkaibigan sila since freshman in college and she can see through Kisha's mind. Siyempre, joke. On the other hand, siya naman ay isang photojournalist sa isang kilalang media company. At ang camera na hawak niya ay graduation gift sa kanya ng butihing Dad ng bestfriend niya dahil adopted daughter na raw ang turing ng mag-asawang Aragon sa kanya. Siyempre lumobo nang todo ang puso niya. The camera's worth was no joke. Noong hindi pa sila guma-graduate ay madalas lang niya iyong tingnang naka-display sa mall since hindi siya maka-afford. Kaya iniingatan talaga niya iyon na parang iniirog niya. She could say na maswerte siya. Kisha's dad referred her to her Boss Kelvin since kinakapatid ito ng bestfriend niya. Natanggap naman siya hindi lang dahil sa referral kung hindi ay dahil sa na-impress naman ito after a couple of interviews at na-meet naman niya ang mga requirements. Hinawakan niya ang camera at mariing hinalikan. "Woo hoo! Tapos na!" Excited niyang binalingan ang kaibigan. "Alis na tayo?" "Hindi pa. Magre-retouch pa 'ko," nakangising anito. Nalaglag ang mga balikat niya. "Parang nasa kabilang kalsada lang ang coffee shop, magre-retouch ka pa?" "Oo! Ano'ng malay ko kung makilala ko na pala ang true love ko habang papunta tayo ro'n? Ayokong makita niya ako sa haggard na sitwasyon, 'no!" "Vain ka, vain!" "At least, prepared akech," she said and stuck her tongue at her. "Nye-nye-nye," sabi niya habang nakangiwi. "Palibhasa, camera mo lang 'yang nakikita mo." Lalo naman niyang idinikit sa dibdib ang camera. "Magkasundo kami nito sa lahat ng bagay. I think, we're meant-to-be." Doon naman sila nagkakaibang dalawa. Kisha is such a hopeless romantic gal habang siya ay, well, the other way around. Madalas nga itong asarin siya na tatanda siyang dalaga. Okay lang naman sa kanya iyon, basta't mayaman na mayaman siya at sobrang sikat. Siyempre, joke ulit. Front lang naman niya iyon, e. Deep inside naman talaga ay naniniwala siyang it takes one particular man na may kakayahang buhayin ang kanyang hasang. Ang balahura ko talaga. Tsk! Kung sino man ang lalaking iyon, aba e good luck na lang. *** *** *** *** *** "SUBUKAN nga nating mag-usap nang seryoso," mungkahi ni Kisha nang nasa isang sikat na coffee shop na sila. "Seryoso ka riyan, Kisha Kaye?" "Kakasabi ko lang ng salitang 'seryoso', 'di ba?" "So seryoso ka nga?" "Seryoso nga." Pagkatapos ay nagtawanan sila kahit wala namang nakakatawa. Wala talaga silang kwentang dalawa. "Ano, seryoso ka pa rin?" tanong niya nang pareho silang mahimasmasan. "Ewan." Sumipsip na lang ito sa kape nito. "Ano nga ang gusto mong sabihin?" Ibinaba nito ang kape at nangalumbaba. "Gusto ko na ng lovelife." "Sagutin mo na si Carlos," walang gatol niyang sabi. "Tinidurin kita riyan, e!" angil naman nito. Natawa siya. Carlos is Kisha's annoying suitor ever. Kahit naman siya ay bwisit na bwisit rin dito. Tinalo kasi nito ang hagupit ni Yolanda pagdating sa hangin. Talaga ngang hangin ito dahil mukha namang walang utak. Idinaan lang sa laki ng katawan nito at pera. "Alam mo namang hindi madali ang mangdispatsa ng katulad niya, 'di ba? Anak siya ng colleague ni Dad. Eh kung pa-inlove-in mo kaya siya sa'yo, Sha? Malay mo, magbago." Tinitigan niya ito nang masama. "E di nadurog ang kaligayahan niya. 'Wag mo ngang ipasa sa akin ang konsumisyon mo. Ang tahi-tahimik ng buhay ko rito, e." Kung si Kisha nga hindi ma-take ang lalaking iyon, siya pa kaya? Baka mapaaga lang niya ang appointment nito kay San Pedro. "Sorry naman. Ako kasi ang nahihiya sa Dad niya, e." Sumubo siya nang malaki sa cake niya. "Bakit ka ba nagmamadaling magka-lovelife? Magtu-twenty-four ka pa lang naman, ah?" "'Yon na nga. Para kapag matagal na kaming magkasama, pwede na kaming magpakasal." "Kanina lovelife lang, ngayon naman kasal na. Pambihira." Uminom siya sa kape niya. Nasisiraan na talaga itong kaibigan niya. "Ta's mamaya, ano, pamilya na?" "Sharine, naman, e," ingos nito. "Ikain mo na nga lang 'yan." "Ano bang ikinagagalit mo sa mga lalaki? Ha?" tanong pa nito. "May galit ka ba sa kanila? May nanakit ba sa'yo? Wala naman akong may maalalang na-brokenhearted ka, ah?" "Wala. Hindi ko lang sila feel," sabi niya sabay kibit-balikat. "'Yong totoo. Tungkol pa rin ba 'to sa kinahinatnan ng marriage ng parents mo? Sharine, naman!" She rolled her eyeballs ceilingwards. "Don't get me wrong, Kisha. I don't hate men. I just don't give a damn about them." May pakumpas-kumpas pa siya ng tinidor na nalalaman. "Aish, ba't mo kailangang magmura? Damn-bahin kaya kita?" nakataas ang kilay na sita nito sa kanya. "Kulit mo kasi, e. Alam mo," tinuro-turo niya ito ng tinidor, "okay naman ako kahit walang boyfriend, e. Nakakahinga naman ako, steady naman ang heartbeat ko, at higit sa lahat, buhay ako. Sipain pa nga kita, o!" "Hindi ka naiinggit kapag nakakakita ka ng mga magsyotang magka-holding hands, magkaakbay, magkayakap, magkahalikan, magkaharutan at kung ano pang 'magka' 'yan?" "Actually, nasusuka ako. Lalo na kapag nagkataong may kinakain ako." "Abnormal." "Cute naman." "Hindi rin." "Inggit ka lang." `Tapos ay binelatan niya ito. "May dumi ka na naman sa bibig mo!" *** *** *** *** *** MABUTI na lamang at may natitira pang kabutihan sa puso nito si Kisha dahil nagmagandang-loob itong ihatid siya sa bahay ng Lola niyang kanyang tinutuluyan simula pa noong magkolehiyo siya. "Salamat sa paghatid, maganda kong bestfriend! Sa uulitin!" nakangisi niyang sabi habang tinatanggal ang suot niyang seatbelt. "Nakalibre ka lang sa pamasahe riyan, e," kunwari ay nakaismid na sabi ni Kisha. "Ito naman," nakabungisngis niyang pakli. "Kita na lang tayo sa Sunday, ha? Thanks, Kisha. Ingat ka sa pag-uwi. As usual, nakalimutan ko na namang nagtitipid nga pala ako." Bumungisngis din ito. "Ako rin! See you on Sunday. Magpaganda ka, ha? Huwag kang papayag na matalbugan 'na naman' kita." "Ipagdiinan ba?" Humalik siya sa pisngi nito bago bumaba ng kotse. Hinintay pa niya itong makaalis bago pumasok sa kawayan nilang gate. Kaya nga ba ayaw niyang magpakatino sa buhay, e. Nakakaramdam siya ng totoong happiness kapag nagbabaliw-baliwan sila ni Kisha Kaye Aragon. Bumuntong-hininga siya at napangiti. "Sumakit ang mga kasu-kasuan ko ro'n, ah?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook