CHAPTER 25 Olivia’s POV Nasa labas pa lang kami ng pet shop ni Sir Christian ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga nagtatahulang aso. Nang makapasok kami sa loob ay binati kami ng isang Sales Lady na hapit na hapit ang damit. “Good afternoon po, ano pong hanap nila?” tanong niya habang unti-unting lumalapit sa amin para i-assist kami ni Sir Christian. Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi ng Sales Lady nang dumapo ang tingin niya kay Sir Christian. Napailing ako. Isipin mo yun, naka wheelchair na ‘t lahat-lahat si Sir Christian pero may name-mesmerize pa rin sa kaniya. Sino ba namang hindi mamangha, eh kung para ka na ring nakakita ng model kapag tinignan mo si Sir. Kahit kasi naaksidente si Sir, at hindi na masiyadong nakakapag-exercise ay halatang-halata pa rin ang pagiging

