bc

Who Left and Who's Left

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.9K
READ
revenge
dark
love-triangle
sex
fated
drama
tragedy
twisted
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Taon ng magnobyo si Olivia at si Joshua, pero isang araw ay nakita ni Olivia na may babaeng nakapulupot ang braso sa leeg ng nobyo niya. Sinubukan magpaliwanag ni Joshua, pero hindi binigyang pansin ni Olivia ang mga sinasabi nito. Umabot ang kanilang pagtatalo hanggang sa kalsada, na naging dahilan ng pagkasangkot nila sa isang road accident.

Pero paano kung sa muling pagdilat ni Olivia matapos ang road accident ay malaman niyang comatose si Joshua?

Paano kung habang naka-comatose si Joshua ay mahulog siya sa ibang tao?

Paano kung kelan may iba ng tinitibok ang puso ni Olivia ay saka magigising si Joshua?

Sino ang pipiliin niya?

Ang dati niyang kasintahan na niloko siya o ang bagong tinitibok ng puso niya kahit alam niyang nagsimula sila sa mali?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 Olivia's POV “Hakutin mo na iyang mga gamit mo bago ko itapon lahat ‘yan sa basurahan.” Nakayuko lamang ako habang pinapagalitan ako ng may-ari ng inuupahan kong apartment. “Magbabayad naman ho ako, Manang. May hinihintay lang po talaga ako.” “Hay naku, ilang ulit mo nang sinasabi yan, Olivia. Ano bang akala mo? Libre lang mabuhay? Hoy, lahat tayo may kaniya-kaniyang bayarin. “ Dinuduro-duro niya pa ko habang binibigkas ang bawat salita. “Bakit hindi ka pumasok sa bar diyan sa bayan nang magkasilbi naman ‘yang mukha mo, “dugtong pa niya sa mga panlalait niya. Ni hindi ko man lang mabuksan ang bibig ko para maipagtanggol ang sarili ko. “Ang arte-arte mo, e, wala ka namang utak. Mukha at katawan na nga lang ang meron ka, hindi mo pa magamit nang tama.” Ilan lang naman yan sa mga salitang naririnig ko sa dalawang taong paninirahan ko rito. Noong unang taon ay nakakabayad naman ako sa tamang oras, pero simula nang matanggal ako sa ospital na pinagtratrabahuhan ko ay unti-unti na akong hindi makabayad. Sa ngayon ay mahigit tatlong buwan na akong hindi nakakabayad ng upa, maski tubig at kuryente ay hindi ko mabayaran. “Manang, kahit isang linggong palugit lang po o kahit bukas na bukas rin ng umaga, Manang, aalis ho agad ako.” Sa sobrang sanay ko na sa panghuhusga niya sa akin, pasok sa kaliwang tainga at labas sa kabila na lang ang mga binibitawang salita niya para sa akin. “Wala ho talaga kasi akong ibang mapupuntahan ngayon, gabing-gabi na ho. Parang-awa n’yo na po.” Malalalim na ang gabi, pagod na pagod pa ako sa buong araw na paghahanap ko ng trabaho. “Wala na akong pakialam sa ‘yo. Mabuti pa ay pumunta ka sa bar sa bayan, maghanap ka doon ng lalaking papatol sa ‘yo.” Sinarahan niya na ako ng gate at kinandaduhan pa. “Ang malanding babaeng iyon iniwanan pa ako ng bayarin,” dinig na dinig kong bulong niya habang umaakyat siya sa hagdanan. Nakita kong kinandado niya na rin mula sa labas ang apartment na dati kong tinitirahan. Tiningnan ko ang langit at nakitang sobrang dilim na. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong mag-aalas dose na pala, kaya sobrang tahimik na ng lugar. Hinatak ko na ang mga gamit ko na iniwan sa labas ni Manang para maghanap ng lugar na puwedeng matuluyan. Wala na nga akong pera, wala pa akong matutulayan. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayong gabi. Hindi na ako sumakay pa papuntang bayan, ayokong magsayang ng bente pesos para lamang makarating sa lugar na kaya namang lakarin lamang. Nang makarating na ako sa lugar na tinatahak ko ay tiningnan ko ang karatula nito sa bandang itaas. Ang disenyo ng lugar ay mukhang lumang barko na may mga ilaw na iba’t iba ang kulay sa gilid. Ang mga ilaw ay kapansin-pansin na nagbibigay ilaw sa madilim na gabi. Mayroon din itong mga kuwarto sa pinakadulo ng lugar na puwedeng pag-stay-an ng mga customer maging ng mga empleyado sa oras na gusto nila. Tiningnan kong muli ang karatula sa bandang itaas ng lugar, “Bar ko”. Siguro nga hanggang dito na lang ako, baka kailangan ko na talagang tanggapin na ito na ang kinabukasan ko. Kung hindi ko rin naman magagamit ang kursong tinapos ko, maging ang mahinang utak na mayroon ako, mabuti pa ay gamitin ko ang magandang mukha ko at pangangatawan para mabuhay sa magulong buhay na meron ako ngayon. Papasok na sana ako sa ‘Bar ko’ nang may humatak sa kamay ko at niyakap ako nang mahigpit. Hindi ako pumiglas nang maramdaman ko ang kapayapaan sa piling niya. Unti-unting nagbagsakan ang mga luhang pilit kong pinipigilan habang nakadantay ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Pakiramadam ko ay hindi ko na kailangan pang maghanap ng lugar na titirahan ko ngayong gabi, dahil sa mga bisig pa lamang niya ay naramdaman ko nang nasa tamang lugar ako. “Ano bang iniiisip mo at nagpunta ka rito? Kanina pa kita hinahanap. Pinuntahan kita sa apartment mo pero umalis ka na raw.” Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Nakita ko ang pag-aalala at awa sa kaniyang mga mata. Ang dalawang bagay na ayokong nakikita sa maganda niyang mukha. “Umalis na kasi ako kina Manang. Alam mo naman, ayokong nagsta-stay sa isang lugar sa matagal na panahon.” Pinaskilan ko ng pekeng ngiti ang mukha ko, ayoko siyang pag-alalahin. Ang dami niya na ngang problema, ayoko nang dumagdag pa at maging pabigat sa kaniya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, pero walang lumabas na kahit isang tanong sa bibig niya. “Bukas ka na maghanap ng matitirahan mo, sa ngayon sa ‘min ka muna at baka ano pang mangyari sa ‘yo.” Dinala niya ako sa may passenger seat, at siya na rin ang nagsuot ng seat belt sa akin. Sinara niya ang pintuan para kuhanin ang bagaheng dala-dala ko. “Kumain ka na ba?” Iyan ang unang lumabas sa bibig niya pagkasakay na pagkasakay niya sa sasakyan. “Oo, kumain na ko kanina kina Aling Edna.” Si Aling Edna ang may-ari ng karinderya sa tabi ng apartment na tinitirahan ko, ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Hindi ko mapigilang magsinungaling na kumain na ako, kahit na ang totoo ay isang biscuit at tubig pa lamang ang kinain ko simula kanina pang uamga. “Anong gusto mong kainin? Sarado na yata ang mga restaurant. Gusto mo mag-fastfood na lang tayo?” Balewala niya sa sinabi kong kumain na ako. “Kumain na ko, Josh.” “Kain ka ulit, puwede namang kumain ulit.” Tiningnan niya ako nang nakangiti. “Tingnan mo nga iyang katawan mo, daig mo pa ang ting-ting sa kapayatan mo, “ sabi niya sabay tusok sa may tagiliran ko. “Josh! nakikiliti ako, hindi na nakakatuwa.” Kabaligtaran ng sinasabi ko ang nakaplaster na ngiti sa mukha ko. “Ayoko ngang kumain at baka maging kasing taba mo ako.” “Ang kapal mo naman Miss, muscle at abs ang tawag dito aba, hindi tabs.” Sabay flex ng kanang braso niya sa akin, habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa manibela. “Tssss.” Sinimangutan ko na lang siya sabay kuha sa kamay niya. Nakita ko na napatingin siya sa magkahawak naming kamay bago niya ibalik ang tingin niya sa daan. Ang huling naaalala ko ay ang nakangiti niyang mukha bago bumagsak ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook