Chapter 2

1167 Words
CHAPTER 2 Olivia's POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Muntik pa kong matumba nang mahilo ako sa biglaan kong pagtayo. Huli na nang maalala ko na nasa kuwarto ako ni Josh kaya hindi pamilyar sa akin ang lugar. Inikot ko ang kabuuan ng silid at napansin ko na ang kanang side lamang ng kama kung saan ako nahiga ang magulo. Ilang taon na rin simula nang maging kami ni Josh, pero hanggang ngayon ay nirerespeto niya pa rin ako bilang babae. Hindi ko matandaan kung ilang beses na niyang pinipigilan ang sarili niya na may mangyari sa ‘min. Ni minsan ay hindi siya tumabi sa akin sa kama, o kaya naman ay pumasok sa tinitirahan ko. Ito rin ang unang beses na makapunta ako sa bahay niya kaya hindi ako pamilyar sa lugar. Hindi siya pumapayag na pumunta ko sa bahay niya dahil hindi raw dapat ito gawin ng isang babae. Kung may isa man akong pinakagusto kay Josh, ito ay ang ugali niya simula noong nililigawan niya pa lamang ako, na hindi nagbago sa ilang taon naming pagsasama. Nagawi ang tingin ko sa mesa sa tabi ng kaniyang kama. Nakita ko roon ang isang papel na may sulat kamay. ‘Ipinag-luto na kita ng umagahan. Iniwan ko rin ang susi ng kotse sa tabi ng pagkain mo kung sakaling maghahanap ka na ng tirahan ngayong araw. ‘Wag mong kakalimutang i-message ako ha. I love you, Vi.” Napangiti ako sa maikling mensaheng isinulat niya. He is always thoughtful about me. Kaya hindi ko siya magawang iwan o kahit layuan manlang kahit na alam kong pabigat ako sa kaniya. Sa palagay ko ay mawawala ako sa katinuan kung sakaling mawala siya sa akin. Naalala ko tuloy kung paano kami unang nagkakilala… *** “Lintik naman na Biology class ‘to. Mas mauuna pa yata akong maging pasyente bago maging isang registered nurse.” Padabog kong binato ang mga gamit na dala ko sa mesa sa laboratory Dali-dali ko rin itong pinulot at baka maghiwa-hiwalay ang notes na buong magdamag kong sinulat at kinabisa. Bukas na ang practical exam namin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado ‘yong mga muscles ng human body. Maging kung saan ‘yong tamang ugat ay hindi ko pa rin alam kung paano malalaman. “What the—“ Muntik na akong atakihin sa puso nang may lumabas na lalaki sa ilalim ng mesa. Sino ba itong lalaking ito at parang mukha siyang walang gagawing maganda. Mukha siyang panda sa sobrang itim at laki ng eyebags nito, mukha na rin siyang mamamatay sa sobrang putla niya. Tatakbo na sana ako paalis nang hawakan niya ang kamay ko. “Elaine, ilang araw na kitang hinihintay para ibigay sa ‘yo ito.” Nagulat ako nang inabutan niya ako ng pusa na mukhang dissected na. Sa sobrang gulat ko ay nasipa ko siya dahil hindi ko mabawi ang kamay ko na hawak hawak niya. At dahil nakaupo siya sa lapag ay sa mukha ko siya tinamaan na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. Tutulungan ko sana siya nang biglang tumunog ang bell. Shete! 5 minutes na lang at malalate na ako sa next class ko, terror pa naman ‘yong biology professor ko this sem. Lalabas na sana ako nang may maalala ako, muntik ko pang makalimutan kung ano talaga ang pinuntahan ko rito sa laboratory. Tumunog na naman ang bell, hudyat na start na ng klase, saka ko lang naalala na sa laboratory sa kabilang building ko nilagay ‘yong ni-dissect ko na pusa. Napatingin ako sa lalaking nakahiga ngayon sa sahig, at sa dissected na pusang dala-dala niya. “Sorry.” Kinuha ko na ‘yong ni-dissect niya, ni hindi ko man lang alam kung tama ba itong ginawa niya. Wala na akong oras na pumunta sa kabilang building dahil late na ako sa class ko. Pagdating ko sa room ay nagulat ako, bakit nakapila sa labas ang mga ka-class ko. “Anong meron, bakit nasa labas kayo?” tanong ko sa babaeng nasa hulihan ng pila. “Hay nako, si Mrs. Santos, iniisa-isa ‘yong project natin. Hindi na raw makakapasok sa class niya ulit kapag mali-mali ‘yong hiwa natin sa pagda-dissect at kapag kulang daw ‘yong parts na nakalagay.” Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Huling biology class ko na ba ito? “What? Seryoso ka ba?” Pero nagulat ako nang hindi na ‘yong kaklase ko ang nasa harap ko, kundi si Mrs. Santos. “Ms. Lopez?” Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. “Your project?” Tinago ko naman sa likod ko ‘yong ninakaw kong project mula sa lalaki sa laboratory. “Ahhmmmm…” Shete! Paano pala kung mali-mali iyong lalaki na ‘yon. Pati ako malilintikan pa. “Hand it out to me, or else puwede ka nang magdrop-out sa klase ko.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ms. Santos. “Ho, Ma’am? ‘Wag naman po. Dala ko po ‘yong project ko.” Sabay abot ko sa kaniya ng project ko habang nakapikit pa. Kabadong-kabado ako dahil titig na titig siya sa pinasa ko. Hindi ko rin magawang tingnan ‘yong reaction niya. Kung ibabagsak niya ako ngayon bakit hindi pa bukas, babagsak rin naman ako sa practical exam niya. “Okay, you may enter the room now.” Nagmamadali akong pumasok sa room bago pa magbago ang isip niya. Pagkapasok ko sa room ay may iilang seats na walang nago-occupy. Hindi kaya seryoso talaga siya sa pagbabagsak sa mga mali ang project. Hindi ako puwedeng bumagsak, gipit na gipit na nga ako, tapos uulit pa ako ng subjects. Sumisilip-silip pa ako sa mga tao sa labas nang biglang pumasok si Mrs. Santos sa room. Napayuko agad ako sa sobrang kaba. “Some of you will be transferred to a another professor. I don’t want anyone in my class who lacks in any aspect. If you can’t dissect properly, better leave my class, since you surely are not going to pass my practical exams.” Napayuko agad ako sa sinabi niya, siguradong ako ang tinutukoy niya, babagsak na ba talaga ako? “I also want to congratulate the student who presented the best project in this class, Ms. Lopez.” Nagulat ako nang tumingin silang lahat sa akin, pati si Ms. Santos ay nakatingin sa akin. Tama ba ang narinig ko? Ako ang may pinakamagandang gawa? Nagpasalamat ako sa mga pumapalakpak, pagtingin ko sa may labas ng class room ay parang inusig ako ng konsensiya ko. Sa labas ay nandoon ang lalaking sinipa ko at inagawan ko ng project maging si Elaine ay nandoon, siya ang pinakamaganda sa lahat ng nursing student. Saka lang nag-sink in sa akin lahat ng nangyari. Ang project na iyon ay ginawa at pinaghirapan ng lalaki sa laboratory para kay Elaine, samantalang ako ay ninakaw ko lamang ito. Ang masama ay sinaktan ko pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD