CHAPTER 20 Olivia's POV Inihanda ko na ang umagahang prinepare ko sa harap ni Sir Christian matapos akong magluto. “Kain na po kayo sir,” sabi ko matapos kong ayusin ang kutsara ‘t tinidor, at plato sa harapan niya. Matapos noon ay kumuha ako ng maiinom ni Sir sa ref at inilagay ito sa harapan niya. “Haaa-“ Tinakpan ko agad ang bibig ko nang mapahikab ako sa sobrang antok. Napatingin agad ako kay Sir para siguraduhin kung narinig niya ba ang paghikab ko. Napayuko naman ako agad ng magtama ang mga mata namin. Nakakainis ah, kagabi pa ako napapahiya dahil sa kung ano-anong ginagawa ko. Niyuko ko na naman agad ang ulo ko dahil sa sobrang kahihiyan. Dapat pala ay nagkape muna ako bago ako nagluto, para naman kahit papaano ay magising ang diwa ko. Kaso paano naman ako magkakape kung la

