CHAPTER 39 Olivia’s POV *** Kanina pa ako nakatitig sa iskrin ng aking laptop. It was the day of the year again, where we could view our grades on the school’s website. “Olivia anong grado mo sa pharma? Iyong akin muntik ng hindi umabot sa passing grade, Sis,” reklamo ng isa kong kaklase. “Hay nako yung akin din. Kung bakit naman kasi ang hirap-hirap na nga ng pharma, pangit pa magturo yung professor,” angal pa noong isa. Nginitian ko na lamang sila. Totoo naman kasi ang kanilang sinasabi. Pangit talaga magturo ang professor namin dito. Kaya kailangan talagang magsunog ng kilay para pumasa. Napahinga ako ng malalim. Isinara ko ang iskrin ng aking laptop. Hinarap ko sila. “Una na ko ha. May iba pa kasi akong gagawin.” Hindi ko na sila hinintay pang sumagot. Tumayo na ako sa aking

