CHAPTER 49 Olivia’s POV “Bakit parang gulat na gulat ka?” tanong ni Carina sa nambubuskang boses habang kumakain kami. Nakaupo kami ngayon sa harap nang hinanda kong pagkain para sa amin ni Christian. Para sa amin lamang talaga ni Christian dahil hindi naman siya kasali. Magkatabi si Christian at si Carina habang kaharap ko naman ang bruhilda. Napirap na lamang ako sa ere at nagpatuloy sa pagkain. “You’re not expecting me to be her sister, eh?” I’m not expecting you to be here, duh. Huminga ako ng malalim. Pinipigilan ko ang sarili na patulan siya. Bukod sa nasa harap ako ni Christian na kapatid daw niya. Ay nasa harap din ako ng pagkain. Ayokong maging bastos sa harap ng pagkain. Baka mamaya ay layuan pa ako ng biyaya at lapitan ng disgrasya...kagaya nitong nasa harapan ko ngay

