CHAPTER 46 Olivia’s POV Pagkagising ko kinabukasan ay parang mabibiyak na sa dalawa ang aking ulo. Sobrang sakit nito. Ramdam na ramdam ko ang pagpintig ng mga ugat ko sa ulo. Umupo ako sa kama. Napahawak ako sa aking ulo. Hindi na naman ako lasing pero pakiramdam ko ay umiikot pa rin ang aking mundo. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa pagkakaupo bago ako tuluyang tumayo. Tinantya ko kung kaya ko nang bumangon kahit hilong-hilo pa ako. Ano bang ginawa ko kahapon? Bakit sobrang sakit ng ulo ko? Ang naaalala ko na lamang ay ang pag-iyak ko sa hagdanan ng ospital. At nang umuwi ako ay yinakap ko si Sir Christian at uminom ng alak. Shit! Nakakahiya. Ano na kayang iniisip ngayon ni Sir. Baka sabihin niya ay hokage ako at pinagsasamantalahan ko ang kabaitan niya. Baka isipin noon ay in

