CHAPTER 10 Olivia’s POV Nagising ako mula sa pagkakatulog ng may dalawang katok ako na narinig sa pinto. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako dahil sa kakaiyak. Madalas ko kasing gawain ang pag-iyak bago matulog, lalo na kung hindi ako makatulog dahil sa mga problemang dinadala ko. Pero kanina ay hindi ko sinasadyang makatulog dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pagkatapos kong umiyak ay hinila agad ako ng antok. Nang tignan ko kung sino ang kumakatok ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Abi. “Naabala ba kita?” tanong niya. “Hindi naman Abi.” Napatingin ako sa orasan sa kwarto ni Josh at napansin kong wala pang ala-singko. Ibig sabihin ay hindi pa tapos ang trabaho ni Abi. “Bakit ka nga pala napadaan? Napaaga ba ang uwi mo?” “Hindi,” simpleng sagot niya habang may malawak

