Chapter 5 Eye ball

2187 Words
Kinabukasan, handa na ang dalaga para samahan ang kanyang bestfriend sa mall. Madalas siya nitong chaperone sa tuwing may ka-eyeball ito. Kunwari lang na first time ayon sa sinabi nito, pero ang totoo ay first meet then no more. Kapag hindi kasi natipuhan nito ang ka-eyeball hindi na ito nagpapakita ulit. Nailing na lamang siya sa kaibigan. Nakasuot siya ulit ng black t-shirt at leather jacket din na black. Fitted jeans and black leather boots. Hindi siya mahilig sa leather. Sadyang ito lang ang komportable talaga siyang isuot. Her Luna is ready as always. Araw man o gabi, alerto ang Luna niya to sniff the traitor around her. So far wala pa naman siyang naamoy na threats sa kanila. Sakay ng kanyang favorite motorbike and headed to the mall where her best friend was already waiting for her. Hindi niya alam kung siya ba ang ka-eyeball nito o siya ang makikipag-eyeball. Masyado na siyang over supportive sa kaibigan niya. He protected him too. Bilang isang luna. Karapatan niya ang protektahan hindi lamang ang kauri niya maging ang mga taong malapit sa kanya. Mabilis lumipas ang minuto, sa bilis ng takbo ng kanyang favorite motorbike ay narating niya ang mall ng less than thirty minutes. Kung kotse or dyip siya sumakay, malamang inabot na siya ng isang oras bago makarating. Traffic kasi along the way to the mall. Pagka-park niya sa parking lot ng mall. Agad siyang bumaba at siniguradong naka-lock ang kanyang baby. She walked through the entrance of the mall. When she entered, bumungad sa kanya ang umpok ng mga tao at parang may pinapahiyang nilalang doon. With her instinct to help others, mabilis siyang lumapit dito. “Huwag mo akong idaan sa pagiging guwapo mo, ah. You bump into me, then say sorry at lumuhod ka!” galit na wika ng Ale sa isang guwapong lalaki. “Hindi porkeʼt fans mo kami at sikat ka, may karapatan ka ng mangbangga ng tao at wala man lang hinging patawad? Mayabang ka rin pala! Dapat sa'yo sabuyan ng muriatic acid!” galaiti naman ng isang babae. Nakiusyuso muna siya kung ano nga ba ang puno't dulo ng gulo at bakit hindi man lang lumalaban ang naturang pogi na lalaki? Nakayuko lamang ito. Kinalabit niya ang isang usisero na katabi niya. “Kuya, ano po ang nangyayari?” “Ayan, kunwari ʼyung dalawang fans binangga sila ni Igby Chaundry. Pero ang totoo ay wala naman itong ginagawa. Sila ang bumangga sa lalaki at binabaliktad nila ang sitwasyon. Porkeʼt hindi umiimik ang guwapong model na iyan. Mabait kasi. Madalas inaaway ng fans kahit wala naman itong ginagawa. Teka, fans ka rin ba niya?” Kunot noo naman ang dalaga sa tanong nito? Siya fans? Kailan pa? Hindi nga siya mahilig sa mga guwapo, eh. “Maliban na lang kay boss,” sambit ng malandi niyang utak. Bakit ba pumasok na naman sa isip niya ang lalaking iyon? “Ah, hindi po. Nakita ko lang kasi na nag-uumpukan sila, kaya lumapit na ako . Akala ko may shooting e-extra sana ako bilang stunt man,” “Ah, . . Tapos na ang shooting pero pictorial shooting iyon ng model na si Igby, kanina sa isang boutique. Branded ang damit na in-endorse niya kasi. Tapos bigla na lamang sumugod itong dalawang fans na nagtatatalak sa kanya. Huwag kang gagaya, hija, huh. Nakakababa ng standard ng tao ang manghamak ng kapwa,” Nagulat si Desiree kung bakit alam nito na babae siya. Wala naman siyang ibang pinagsasabihan na iba tungkol sa gender niya. “Huwag kang magtaka kung bakit ko alam. Magsuot ka man ng panlalaking outfit, visible pa rin sa itsura mo na isa kang babae. Ang ganda ng kutis mo, eh. At ang mga daliri mo ay candle finger. Kaya ko nalaman na babae ka. Don't get me wrong. I just know how to observe people. Sige iwan na kita. Baka naghihintay na ang asawa ko.” Tumalikod ito ng mabilis at hindi na hinintay ang sagot niya. “May meeting ata, si Kuya,” bulong niya. Hindi na siya nakatiis and she interfere the chaos in front of her. “Excuse me, NBI ako. Ano po ba ang kaguluhan dito?” aniya. Ito lagi ang trip niya sa tuwing may emergency situation. Nagpapakilala siya ng kung sino sa ahensiya ng gobyerno. Effective kasi lalo at sa ayos niyang astig. Tila naalarma naman ang dalawang fans na babae. Namutla ang mga ito nang marinig na taga-NBI siya. Baka hulihin sila nito. Modus lamang ng dalawang fans iyon upang makahuthot ng pera sa naturang model na si Igby. Mabait kasi ito at kaunting problema lamang ay magbabayad na ito ng lilibuhin. Kaunti na lang sana at magbibigay na ng pera si Igby pero may asungot na taga-NBI kuno ang lumapit. “Ah, wala naman po, Chief! Nag-uusap lang po kami,” sagot ng isang matandang fans. Gipit ito kaya pumayag na mang-scam ng tao. “Oo nga! Actually paalis na nga kami, eh. Salamat Igby sa oras mo, ah. Napaka-guwapo mo nga pala talaga!” Tumakbo ang dalawang fans palayo sa kanila. Sinundan na lamang ng tingin ni Desiree ang mga scammer na iyon. Wala naman kasi siyang karapatan mang huli ng mga ganoong tao. Agent siya hindi pulis. Bumaling kay Desiree si Igby. Napangiti ang huli nang masilayan ang dalaga. He can feel that Desiree is a woman. A woman for him. "Hello, Mr. Pogi! Pasensiya na sumingit ako, pero hindi mo sana hinahayaan ang mga taong gano'n ka kung tratuhin. Dapat sumagot ka at ipaglaban ang rights mo,” pagpayo niya sa binata. Nakatingin lamang ito sa kanya. Kinapa ng dalaga ang mukha baka kasi may dumi siya roon, pero wala naman. “Hello, pare! Hindi tayo talo! Huwag mo akong titigan ng ganyan!” naiilang na saad ng dalaga rito. “Hi, ako nga pala si Igby Chaundry. Weird man ang pangalan ko, pero umiibig naman sa tulad mo,” “Ulol! Bakla ka ba? ʼDi tayo talo, pare! Humanap ka ng kauri mo! Makaalis na nga, para naman nakakatanga makipag-usap sa iyo.” Naglakad palayo si Desiree sa kausap. Pero ang binata ay ngiting tagumpay ang ipinapakita. “You will be mine, wait for it,” bulong nito sa sarili. Mabilis na hinanap ni Desiree ang kaibigan. Kanina pa niya ito tinext na nasa loob na siya ng mall, pero wala pa rin kahit anino nito. “Tarantado ka talaga, Facs. Makita lang kita. Kalbo ka sa akin! Kainis!” nauubusan ng pasensiyang wika niya. Less temper siya madalas at hate niya ang maghintay ng matagal. Habang nakaupo sa bench na malapit sa food court, natanaw niya si Facs na malawak ang ngiti habang may kaakbay itong magandang babae. “Kaya pala hindi nagrereply ang tukmol! Nakita na pala ang ka-eyeball niya. Tsk!” Nagtago siya sa may likuran ng standee ni Alden Richard's. Katabi kasi niya ang isang money changer. Ito ata ang endorser. Ayaw niyang makita pa siya ng kaibigan dahil mukhang out of place ang peg niya oras na sumama siya sa mga ito. Masaya na siya para sa kaibigan. Habang sinisikap niyang itago ang sarili sa likod ng standee, nagulat siya nang may tumikhim sa likuran niya. Paglingon niya. Gulat ang mailalarawan sa kanyang brown na mga mata. Si Aaron, ang boss niya lang naman ang nasa kanyang likuran. “Boo! Este boss! Ano ginagawa mo rito?” hindi niya masyado pinahalata na may gulat factor sa sistema niya. Mas guwapo kasi ito ngayon. Suot nito ang black hooded shirt na medyo bakat ang muscles. Pinaresan din nito ng black Jagger. White Nike sneakers na rin ang sapin sa paa. His eyes are very alive to stare at. Pakiramdam niya ay dinuduyan siya nito sa pacific ocean ng mga alon. Nakakahubad baro nga naman ito tumingin. Tumikhim ang dalaga to stay her posture as a man. “I need to buy something here. How about you, what are you doing behind that standee?” Ngayon niya lang napansin standee pala iyon kanina. Nakatalikod kasi ito sa kanya. Akala niya karatula lamang na kinortehan ng tao. Ngayon lang niya nalaman guwapo pala ang nasa standee. “Ah, . . Eh, . . Nagpa-practice lang boss kung paano magtago kapag nahuli ni esmi,” Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Wala sa sariling nagtakip siya ng kanyang harap. Consciousness strikes her. Para kasi naman siyang hinuhubaran sa klase ng tingin nito. “Come with me. Accompany me to buy things here in the mall. Mukha kang hinahabol ng kabit mo riyan sa ayos mo.” Hinila siya nito palayo sa standee at patungo sa kung saan boutique ng mga damit. “Bakit tayo narito, Sir?” pinatigas niya ang kanyang boses para hindi mahalata na medyo kinikilig siya. Hawak kasi ng binata ang kanyang kamay. First time niya makaramdam ng ganito sa buong buhay niya. At isa pa nararamdaman ng Luna niya ang lalaki. Kalahi niya ito pero hindi niya pa alam kung anong pack. Hindi siya kinibo ng binata, basta hawak lamang nito ng mahigpit ang kanyang kamay. Ang awkward lang dahil pareho silang mukhang maton tapos magkahawak kamay. Bromance! “Sir, baka naman puwede mong bitawan ang kamay ko? Nakakahiya baka pagkamalan tayong bakla pareho,” pakiusap niya rito. Pero in-ignore lamang siya ng binata. Aaron is still serious walking and checking some clothes. For a woman's clothes to be exact. Yumuyuko si Desiree dahil nakakaagaw na sila ng atensyon sa ibang customer's doon. Wala pa ring pakialam si Aaron sa paligid. He likes the warmth of Desireeʼs hand. Feeling niya he's at home. Hindi na nakapagtimpi ang dalaga at mabilis na hinugot ang kamay niya sa kamay ng binata. Sobra na siyang naiilang sa holding hands while walking nilang dalawa. Nagulat pa ang binata sa ginawa niya. Ang astig ng porma niya pero hawak kamay ay lalaki? Messi haircut pa naman siya, all black and leather suit ang peg niya tapos kasama niya, naka-jagger at hoodie shirt. Wow lang. Ang guwapo nila. “Okay na, Sir, ganito na lang. Susunod na lang ako sa iyo. Masyadong nakakahiya ang hawak kamay, eh. At baka makita tayo rito ni Facundo. Ano pa isipin no'n,” aniya at dumistansya ng kaunti. “Okay. But don't be too far from me. Just stay beside me. I need your advice. I'm going to buy clothes here,” Napanganga ang dalaga sa sinagot ng binata. “Hey, hindi para sa akin. I need this dahil may pagbibigyan ako. Alam kong may taste ka sa damit na pambabae. Kaya tamang-tama na nakita kita rito,” Isinara naman agad ni Desiree ang bibig. Mabuti na iyong malinaw. Mapagkamalan pang ang naka-jagger ang bakla at siya ang lalaki na ang totoo ay babae naman siyang tunay. “Okay. Klaruhin mo kasi, Sir. Mahirap na. Hindi tayo talo. Babae rin hanap ko,” "Nah, I doubt it. Are you sure na babae rin hanap mo?” Nabigla si Desiree sa tanong na iyon. Babae nga rin ba hanap niya? Eh, kasama niya pa lang itong boss niyang guwapo, naghu-huramentado na ang kanyang balun-balunan, eh. "None of your business, Sir. Pumili ka na ng damit at nang makauwi na ako. Inaantok pa ako. Buwisit na Facundo iyon, ginugulo ang nanahimik kong mundo,” “Huwag ka munang umuwi. Since, second time natin magkita. Why not, let's go to a place na magkakilala tayo pareho? I mean don't get me wrong. Let's have lunch at the restaurant. Tell me about your mission last time in Russia. At least to have an idea what happened. I'm still puzzle of what you did, Dey-dey,” Naku po! Iyon nga ang iniiwasan niya, ang magtagpo sila dahil alam niyang uusisain siya nito regarding sa last mission nila. Kaso mukhang wala siyang kawala. “O-okay, Sir. Libre mo, ah. Medyo gipit ako ngayon, eh. Nagyaya ka naman kaya dapat ikaw magbayad,” sagot ng dalaga para mawala ang awkward feelings niya. “D`yahe naman, oh! Hindi ako makakapanood ng Squid game!” bulong ng dalaga. Napangiti ng lihim ang binata. He had a chance to get to know Dey-dey. Isa na rin sa rason na malaman niya kung anong klase itong pack. Since he met Dey-dey, last night. He can't forget her face. It seems that for a long time, they have awaited, and at last he met her. Iyong feeling na ito lang ang gusto niyang kasama. Ramdam niya may koneksyon silang dalawa. And that's what he will do to find out. Ayaw niyang mawala sa paningin niya ang dalaga. Actually, wala sa plano niya ang pumunta ng mall. But hearing Facundo yesterday na isasama nito ang dalaga sa ka-eyeballs nito. He needs to do something. Baka may ibang lalaki na aaligid rito. Alam niya naman she knows how to fight. Pero hindi niya alam kung gaano ito kalakas. At alam niya rin na babae ang kanyang secret agent. Being an Alpha, he needs at least to protect her as one of his kind. Hindi niya man kasapi sa uri nila pero may rights siya to protect her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD