Chapter 4 Who Are You?

2188 Words
“Yes, I'm Aaron,” pagpapakilala ng binata sa kaharap na dalawang agent. Si Agent Dey-dey at Agent Facs. Nakatunghay siya sa dalaga hindi niya pinapansin ang kaibigan nito. Malakas ang t***k ng puso niya sa pagkakita ng personal sa dalaga na lihim na sinusubaybayan. Hindi siya makapagbulong sa sarili dahil alam niyang maririnig siya nito. All werewolves are experts on mind communications. Alerto ang kanyang Alpha sapagkat naamoy niya ang werewolf ng dalaga. Hindi niya pa tiyak kung anong pack ito. Sa ngayon may dahilan na para mas sundan niya ang bawat kilos nito. Baka isang spy ng ibang pack ang dalaga o isang naliligaw lamang. He needs to find out. “Ah, kayo po pala, Sir Aaron, ako nga po pala si Facundo, Facs for short. At ito naman po ang aking bestfriend na si Dey-dey. Magandang gabi, Sir!” “Good evening, let’s go inside to start the meeting.” Naglakad na siya papasok sa high-tech building nila na napapalibutan ng cctv at mga computers. Hindi basta makakapasok sa loob ng gusali nila kung walang proper access sa kanilang computer. Lahat ng tauhan niya ay may kanya-kanyang code. Kailangan din ng mga ito na itapat ang mata sa scanner for checking, recorded sila sa system ng organization nila. Upon entering the conference room, Bianca approaches him. . “Sir, the meeting is ready at ten. Some of the agents are inside already,” malambing na may pang-aakit na turan ng secretary niya. Seryoso lamang ang binata at tumango. Hindi niya binigyan pansin ang pagpapa-cutee nito sa kanya. Pumasok na siya sa room at nabungaran ang mga nag-aasaran niyang mga agents. Kasunod sa likuran niya ang magkaibigan. Sila lamang ang ka-meeting ni Aaron dahil ang team nila ang pumalpak dahil sa kagagawan ni Desiree. “You may sit down now, and let’s start,” seryosong wika ni Aaron. Halos mga lalaki ang nasa loob ng conference room at nag-iisa lamang na babae si Desiree. But she still acted like she belonged to them, a man. Everyone in the room is silent. Including Desiree. Masyado siyang nakatitig sa boss nila. Hindi sa nabighani siya kunʼdi naamoy niya ang kauri rito. “Who are you?” aniya sa isipan. Napalingon sa kanya si Aaron dahil narinig niya ang mind communication ng dalaga. Hindi siya nag-pahalata na narinig niya ito. Ibinalik ng binata ang atensyon sa mga kasamahan sa loob ng silid. “I called you for this meeting because we have a huge problem, again. This is the second time we failed the mission. We still haven’t caught the real culprit behind this illegal business. The government already informed me that we need to catch the culprit alive or else they will not pay us for our service to them. And they will hire a new agent if possible to get the culprit alive, not dead.” Bumaling ang tingin niya sa dalaga. Hoping na makinig ito sa kanya. Desiree is the stubborn agent he has. Dito siya halos tubuan ng sungay sa tuwing ginagawa nitong palpak ang misyon. Hindi niya alam kung ano ang rason nito. He really needs to investigate her. Baka magulat na lamang siya nilulusob na siya ng ibang pack dahil hindi siya aware sa member niya. Tahimik lang ang dalaga and he saw her smirk. “That!” hindi niya napigilan sabihin sa utak niya. Kung puwede lang liparin ang pagitan nila at saktan ito para mabigyan ng leksyon ay gagawin talaga niya, kaya lang he needs to be careful. Mukhang hindi naman siya narinig ng dalaga dahil abala ito sa mga daliri na kina-kalampag sa table. “Boss, may bago pa bang operation sa team namin kahit na pumalpak kami?” tanong ng isang lalaking agent. Mukhang pursigido itong masupil ang lider na hina-hunting nila. Wala pa kasi silang lead kung sino nga ba talaga ang lider ng naturang sindikato. May sa palos ata. Pure human ito, at magaling rin makipaglaban. Masama ang tingin nito kay Desiree dahil alam nitong ang dalaga ang may pakana ng palpak na misyon nila. Parang wala lang naman sa dalaga ang masamang tingin ng ibang kasamahan. “Yes, you still have a mission. Pero sa ngayon laylo muna kayo. Mukhang matutunugan tayo ng kalaban dahil namatay na naman ang isa sa asset nila. Hoping that next mission I'm giving to you, hindi na pumalpak. Otherwise, aalisin ko ang team ninyo. I don't care kung saan kayo mapunta. Kaysa naman ako ang sisihin ng government dahil palpak ang misyon ng team ko. This is the last warning, Dey-dey! One more mistake, and say goodbye to your team!” may galit na turan niya. Dahil mukhang wala itong pakialam sa nangyayari. Hindi mapigilan ng binata na hindi magtaas ng boses partikular sa dalagang napakatigas ng ulo. “Okay!” maikling sagot nito sa kanya. Tumiim bagang na lamang si Aaron sa tigas nang ulo ng agent niya. “Dey-dey, huwag kang masyadong mayabang! Dahil diyan sa kayabangan mo kaya tayo pumapalpak sa misyon, eh! Kung gusto mo mawalan ng trabaho, mag-isa ka! Huwag mo kaming idamay! Hindi porkeʼt mas magaling ka sa amin, ganyan ka na lang lagi! Nilalagay mo kami sa alanganin, eh!” hindi nakapagpigil na sumagot ng isa pang agent. Si Armando Sanchez. Nasa sampu sila at si Desiree ang lider ng team nila. Wala silang magagawa kapag ito ang nag-desisyon, dahil isang lisik lamang ng mata nito, tiklop na sila. Alam nila kung ano ang kasunod noon. Malakas ang loob nilang sumagot dahil kaharap nila ang boss. Alam nilang ipagtatanggol sila nito. Tiningnan ng masama ni Desiree ang lalaking naglakas loob sigawan siya. Mabilis ang pangyayari, nagulat na lamang si Armando may nakatarak nang kutsilyo sa harap ng lamesa kung saan siya nakaupo. Nanginginig itong umatras kasama ang upuan. Tinikom nito ang bibig pagkatapos. “Enough! Dey-dey, huwag mo idaan lahat sa init ng ulo ang bawat desisyon mo. Sa ganyan ugali mo tayo mawawalan ng pag-asa mahuli ang mga kriminal. Hindi lahat dapat idaan sa init ng ulo,” malamig na boses na wika ni Aaron sa dalaga. Tila natauhan naman agad ang huli. “Pasensya na boss. Medyo may pinagdadaanan lamang. Hindi na mauulit ang nangyari. Pasensya na rin, kosa, nabigla lang ako. Alam mo naman kapag nabibigla ako, lumilipad ang hawak ko,” she smirked after she said that. Tumahamik na lang ang lahat. Kilala na nila si Desiree, kapag mainit ang ulo kung ano-ano ang lumilipad sa kanila. Hindi na lamang nila ito pinatulan. “Okay since wala pa tayong next mission, you can rest and we will call you once the government give me some signal,” Tumayo na si Aaron at akmang lalabas ng harangan siya ni Desiree. Hindi niya alam saan ito nanggaling dahil ang bilis rin ng kilos nito. Mukhang mahihirapan siyang sundan ang mga galaw ng dalaga. “Boo este boss may tanong ako sa iyo? Ikaw ba si Mr. Right ko?” bulong na tanong ng dalaga sa kanya. Nagulat naman ang binata sa tinuran nito. “What do you mean?” kunot noong balik tanong niya rito. Bigla naman ngumiti ang dalaga na ikinabigla niya. Sa isip niya bipolar ba ito? Kanina lang naiinis ngayon ngingiti. "Joke lang, boss!” humagalpak ito ng tawa. Nagulat naman ang mga kasamahan nila sa naging akto ng dalaga. Hindi ito tatawa ng walang dahilan. “Dey, anoʼng nangyari sa iyo? Baliw ka na bestfriend?” nagtatakang tanong ni Facs. Bihira humagalpak ng tawa ang kanyang kaibigan. At iyon ay kung may kapalpakan siyang ginagawa sa harap nito. Lumapit siya sa dalaga at bumulong, “Lumalandi ka na?” Bigla naman natigil sa pagtawa si Desiree at binigwasan ng mahina ang kaibigan. “Ulol! Huwag mong mabanggit-banggit sa akin iyan. Sapakin kita, eh.” Inambahan niya ito ng suntok. “Joke lang! Boss, ano ginawa mo sa kaibigan ko at bakit mukhang baliw kung tumawa?” Medyo natulala si Aaron sa pagtawa ng dalaga dahil ito ang unang beses niyang makita na masaya ito. Unang beses niya rin makita ng personal. Parang nakakahawa ang tawa nito. Masarap sa tainga. But he composed himself into a serious look. “Hindi ko alam, painumin mo na ng gamot iyan at baka lumala pa,” wala sa sarili niyang sagot kay Facs. “Uy! Si boss marunong magbiro! Ayos!” tuwang-tuwa na sagot ni Facs. Siniko siya ni Desiree. “Isa pa, ibibitin kita patiwarik, bestfriend,” bulong ng dalaga rito. Bigla naman natigil ito at nakita na lang nila nagsara na ang pinto. Lumabas na pala ang kanilang boss. “Dey, ano ba sinabi mo sa amo natin? Bakit namumula ang pisngi?” usisa ni Armando. Feeling close ito ulit dahil nga ayaw nitong mabugbog ni Desiree. Ganoon naman sila lagi. Away ngayon, mamaya nag-aasaran na. Desiree knew what kind he is. Purong tao ito katulad ni Facs. Kaya iniingatan niya rin ito. Kaibigan na rin ang turing niya rito. Pero mas alam niya ang likaw ng bituka ng kaharap. At sa kanya na lamang iyon. Baka magwala ang kanilang mga kabaro oras na mabunyag ang lihim nilang dalawa. “Wala naman akong ginawa. Inamoy ko lang! Tapos ʼyun nag-blush siya kaya napatawa ako ng malakas,” pagsisinungaling niya rito. “Grabe rin kamandag mo, eh, no? Pati boss hindi mo pinalampas. Hay, sana all,” hindi nito naiwasan magboses bakla. Hinampas ni Desiress ang kasamang si Armando. “Gago ka beshy, Mahalata ka ng mga kasama natin. Umayos ka nga! Alam ko ang kulay ng dugo mo at huwag ka nang mag-deny sa akin. Payong kaaway at kakampi lang, ah. Umayos ka kung ayaw mong mabugbog ng mga kasama natin. ʼYung bestfriend mong si Ramon. Goodluck na lang kapag nakilala ka,” pagbabanta ng dalaga rito. Minsan kasi hindi ito aware sa kinikilos. Mabuti na lamang at mabilis pumik-up si Desiree at agad itong sinasaway. Nakikinig din naman sa kanya ang kaibigan si Armando. Takot lang nito na mabisto. Wala na siyang masisilayang mga pogi, lalo ngayon ang pogi pala ng kanilang boss. “Sorry, alam mo?” hindi maiwasan tanong ni Armando sa kanya. All this time may nakakaalam pala ng kulay niya. Akala niya sekreto ng malupet lang sa sarili iyon. Hindi pala. “Matagal na. Hindi ka pa pinapanganak,” biro ng dalaga. Nakatikim siya ng hampas sa kamay mula rito dahil hinaplos niya ang pisngi nito. “Huwag mo akong akitin Dey-dey, baka ligawan kita riyan!” pagmamayabang pa nito. Narinig ng mga kasama nila sa loob ng conference room. Hindi pa kasi sila lumalabas. Si Aaron lamang ang nauna sa kanila. “Hoy! Ano yan, huh? Bromance na ba this? Mga tangina nʼyo bro, kakadiri kayo! Magsilayo nga kayo sa isaʼt isa, nasusuka ako sa inyo!” maarteng sigaw ni Ramon. “Naku! Kung hindi ko pa alam, bro, type mo rin itong si Armando! Hindi ba bestfriend?” baling naman ni Desiree kay Facs. “Walang hiya, bakit ako tinatanong mo, Dey-dey? ʼYung mga tingin mo feeling mo naman gusto ko si Ramon. Hoy! Straight ako, gago!” Nagtawanan ang lahat dahil sa Pasa-pasahan na ng asaran. Mga walang balak lumabas ng conference room. Kanina lamang ang intense ng atmosphere nila dahil nasa harap nila ang boss, pero nang lumabas. Baliw moments na naman sila. Ganito sila magkaibigan o magkakasama sa misyon. Mainit ang ulo kapag seryoso, pero mga katarantaduhan ang alam kapag naman chill lang ang buhay nila. Ayaw kasi ni Desiree ang masyadong seryoso ang environment after the mission. Nakaka-suffocate sa kanya iyon. Napagdesisyunan nilang lumabas ng ng conference room. At nang makauwi na sila. May misyon pa ang dalaga na mag-ikot sa paligid ng Slovokandia. Kailangan niyang I-secure ang area nila dahil baka mamaya may nakapasok pa lang intruder at hindi nila alam. Halos mga babae ang mga kauri niya, ilan lamang ang lalaki. Ang alam niya mayroon ring ibang pack sa ibang lugar ng Slovokandia pero hindi niya pa nakikita ang mga ito. Naamoy lamang sa kung saan siya malapit. “Bye, bestfriend! Kita tayo bukas sa mall, ah! Huwag mo kalimutan!” sigaw ni Facs. “Ano'ng mall pinagsasabi mo, Facundo!” sigaw niya rin habang nasa hallway sila naglalakad palabas ng high-tech building pero ang labas akala mo babagsak na. “Luh, nakalimutan niya! Hoy! Sabi mo sasamahan mo ako, may ka-eyeball ako bukas, remember? Iba na talaga ang tumatanda. Mag-jowa ka na kasi! ” “Ulol, anong koneksyon ng jowa sa tanong ko sa iyo? Ikaw! Huwag mo ako pinagtitripan, ah, kalilimutan talaga kitang bestfriend tayo!” “Hala, joke lang kasi iyon, bestfriend.” Naglakad ito pabalik, medyo may kalayuan na sana pero dahil sa banta ng dalaga, bumalik ito para sa kanya. Ayaw nitong friendship over sila. Super close kasi sila at turing sa kanya ni Facs ay youngest sibling. “Sige binabawi ko na. Pero sasama ka sa akin sa mall, ah? Promise mo sa akin iyon noong nakaraan. First time ko makipag-eyeball, ʼDey. Pagbigyan mo na ako.” Hinawakan siya nito sa ulo na parang inaalong aso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD