ARAW ng lunes ang balik nila Desiree sa Slovokandia. At kailangan nilang mag-report sa opisina sampu ng mga kasama niya mula sa mission nila sa Russia. Alam niyang galit na galit ang boss niya dahil palpak ang naging lakad nila. Hindi nila nahuling buhay si Fawzy.
At gusto silang makita nang personal ng boss nilang masungit. Natatawa na lamang siya sa tuwing naiisip na high blood na naman ito sa kanya. Nagtataka rin siya kung bakit sa ilang beses niya nang pumalpak sa misyon ay hindi pa rin siya sinisesante nito. Kung iba sigurong boss ay malamang natanggal na siya sa trabaho.
Ngunit ayaw niya ring mangyari iyon. Dahil mahal niya ang naturang trabaho. Ito rin kasi ang paraan niya para ma-protektahan ang kanyang pack sa mga mapang-abusong nilalang. Hindi lingid sa kanila ang nabalitaan sa mag-asawang lobo na sinunog ng mga taong masama ang budhi. At puro sila mga babae na kanya-kanyang pinoproteksyunan ang bawat pack nila.
“Welcome back, Dey-dey. Kumusta ang lakad ninyo?” unang salubong na tanong sa kanya ni Dane. ito ang nakaantabay sa kanilang lugar kung may nararamdaman bang mga kalaban. Madalas nitong kasama si Astraeana Jane. Minsan hindi magkasundo pero sa pagprotekta na kanilang lipi, nagkakaisa ang dalawa. Ganoon lang siguro kung sanay na kayo sa isa’t isa, madalas mag-away pero mahal ang bawat isa.
“Okay lang naman,” bored niyang sagot rito.
“Mukhang bad trip ka, ah? May nangyari ba?” tanong naman ni Astraeana.
Kararating lamang din ng mga ito galing sa kanilang misyon. Inatasan ang mga ito ng boss nila na bantayan ang port sa bansa para pigilan ang mga iba-biyahe sanang mga armas galing Russia. Pero dahil sa ginawang niyang kapalpakan, naudlot ang lahat. .Mabuti na rin iyon, at least walang may nasaktan sa mga kasama.
“Nakakainis kasi ‘yung boss natin, laging mainit ang ulo sa akin. Sa galit ko sa kanya si Fawzy ang pinagbuntunan ko. Ayun nag-aalburoto na si boss. Hahaha,” malakas niyang tawa matapos sabihin iyon.
“Tsk, drama lang pala. Akala ko totoong bad trip siya. Hindi ka bagay sa theater, Dey-dey. Wala kang talent!” kontra naman agad ni Seri. ito ang seryoso sa kanilang lima. Kaya isa rin ito madalas sa inaasar ni Desiree. Gusto lamang ng dalaga na maging masaya ang kanyang paligid dahil masyado na siyang high blood sa mission niya sabayan pa ng boss nilang pinaglihi ata kay the grinch.
“Asus! Nagselos ka na naman sa talent ko, Ri! Hayaan mo kapag sumikat ako, ikaw ang una kong fans na pi-pirmahan ang autograph!” pang-aasar niya rito. Nagtawanan naman ang lahat habang abala si Magenta sa kanyang laboratory.
Nagpaalam na siya sa mga kaibigan dahil kailangan niya pang pumunta ng opisina nila. Ito ang kauna-unahan na makikilala niya ang boss niya in flesh.
“Bye guys! See you when I see you!” sigaw niya habang papalayo sa mga ito.
Sa tuwing uuwi siya ng Slovokandia ay nasa hide out sila ng mga kaibigan. Kumustahan at gagamutin kung may injured sa kanila. Syempre hindi mawawala ang asaran nilang lima. Typical na bonding ng mga magbabarkada.
Nang makaalis siya sa hide out nila, lulan ng kanyang baby, ang the Dodge Tomahawk niyang motorbike na mabilis sa four hundred-twenty miles per hour ang takbo, mabilis siyang nakarating sa opisina nila. Located ito sa isang building na kung titingnan mo ay parang napakaluma pero ang loob nito ay puro high tech ang kagamitan.
Pagkababa niya ng motorbike niya, sinalubong agad siya ng yakap ng kanyang best friend na si Facundo, Facs for short.
“Best friend!” Yakap nito sa kanya. Naka-leather black jacket at black t-shirt siya, pantalon na leather rin ang kanyang suot at lace-up ankle boots feature some elements such as chunky rugged soles plus black studs on the sides.
“Aray!” kunwari niyang nasasaktan nang yakapin siya nito. Mabilis naman na lumayo sa kanya si Facs at biglang kinabahan. Kapag kasi nasaktan ang kaibigan niya -- binubugbog siya nito.
“Sorry, best friend! Please huwag mo akong bugbugin, mahal mo naman ako hindi ba at makonsensya ka naman? Masyado na akong laspag sa iyo, eh!” drama rin nito sa kanya.
Ganito silang dalawa, gantihan ng kadramahan sa isa’t isa.
“Tsk! Nanggaya ka na naman! Sapakin kita riyan, eh.” Inambahan niya ito ng suntok. Mabilis naman itong nakalayo sa kanya at tumatawa. Natatawa rin ang dalaga sa ginagawa nilang dalawa. Walang araw na hindi sila nagkukulitan maliban sa mga pack niya.
“Nasaan na ang iba? Nariyan na ba si Boss? Ano ba itsura ng Boss natin? The Grinch ba itsura?” tanong niya kay Facs na nanlalaki na ang mga mata. Sa totoo lang ito ang kaibigan niyang pure tao. Kaya gusto rin niyang proteksyunan ang kanyang best friend dahil ito lamang ang tumanggap sa kanya bilang siya sa trabaho nila. Marami kasi naiinggit sa kanya dahil nga magaling siya sa combat fight.
“Dey-dey ang sama mo sa boss natin. Kapag ikaw talaga na-in love ka sa boss natin, tatawanan kita! Balita ko binata ‘yon, Dey? Baka ito na ang pagkakataon na tumibok ang pihikan mong puson este puso?” wika nito at pabulong na sinabi ang huli.
Baka may makarinig at sabihin bakla silang pareho. Madalas na nga silang mapagkamalan na lover dahil close nga silang dalawa.
“Gago! Love ka riyan? Naliligaw nga kasi ang love, hindi ako matunton. Pasahan mo nga ng google map baka sakali masundan niya iyon at mahanap ako?” biro niya rito.
Sasagot pa sana ito ng may taong nagsalita sa likuran nila. Naestatwa ang dalaga dahil s aboses na narinig. Kita niya rin na nanlalaki ang mga mata ni Facs na dati nang malaki, mas lumaki pa iyon ngayon.
Paano ba naman kasi ang boses na narinig niyang nagtanong ay kaboses ng boss nila sa tuwing may mission siya naririnig niya ito.
“B-boss?” nauutal na tanong ni Facs. Kaharap niya kasi ang kaibigan at nakatalikod siya sa lalaking nagsalita sa likuran niya.
Hindi umimik ang tinawag ni Facs na boss. Kaya pumihit siya paharap rito at ganoon na lamang ang kanyang gulat nang makakita siyang nubod ng guwapong nilalang kaya lang masungit ang awra. Seryoso itong nakatunghay sa kanya at tila malulunod siya sa mga mata nitong kulay asul na parang isang karagatan. Matangkad ito sa kanya at medyo nakatingala ang dalaga. Pero hindi iyon ang nakaaagaw ng atesnyon niya. Kung hindi ay naamoy niya ang uri nito.
Kunot-noo siyang nakatitig rito at pilit na inaamoy at pinapa-kiramdaman kung tama ba ang hula niya na isa itong lobo.
“Lobo kaya rin siya? Ano ang breed niya?” Bulong niya sa sarili.
HIndi niya alam naririnig siya nito. Malakas ang pakiramdam ng isang alpha sa kanyang kauri. At ngayon napatunayan ni Aaron na kauri niya ang dalagang lihim na sinusubaybayan sa tuwing may mission ito.
“B-boo este boss? Ikaw ba si boss?” tanong rin ng dalaga na nauutal. Nakaka-intimidate naman kasi kung makatingin ang lalaki partikular na sa kanya.
“Yes, I’m Aaron,”