Mabilis na umalis sa pwesto si Desiree at lumabas ng pabrika. Prenteng nakaupo siya sa hood ng kanyang black sedan. May sarili silang mga sasakyan sa tuwing may misyon sila. Provided iyon ng boss nila. Hindi pansin ng kalaban iyon dahil sadyang ginaya ang mga sasakyan na pumapasok sa pabrika. Akala ng mga kalaban nila ay isa sila sa kasapi. Mabilis nilang nalinlang ang mga ito.
Habang naghihintay sa mga kasamahan bigla niyang narinig ang boses ng boss niya sa earpiece na nakakabit pa rin sa kanyang tainga. Papatayin niya sana iyon ngunit nagsalita muli ang boss niya.
“Who told you to kill those bastards, Dey-dey? Hindi ba ang plano huhulihin sila dahil kailangan natin imbestigahan para mahanap natin ang pinaka-utak ng sindikato nila? Ano ngayon ang gagawin natin? Back to zero na naman!” galit na sermon nito sa kanya.
“Tsk!” iyan lamang ang sagot niya. Natutulilig ang kanyang tainga oras na mag-sermon ang boss nila. Ginawa niya iyon para asarin ito. Napikon kasi siya dahil minura sila kanina. Mabilis uminit ang ulo ng dalaga kaya wala siyang pakialam kung pumalpak man ang misyon nila. Basta ang sa kanya nakaganti siya sa boss niya.
“You’re really stubborn, Dey-dey! You can go back to the camp no. . .” pinatay ng dalaga ang earpiece dahil ayaw siyang tigilan ng boss niya mag-sermon.
Sasakay na sana siya sa sedan niya nang magsalita ang isa sa pack niya. Si Magenta Montana, ito ang salutary nila. Magaling gumawa ng gamot at ito rin ang lumilikha ng mga bala niya ng sumpak at tirador niya.
“Luna, kumusta ang misyon? Nasugatan ka ba? May pasa o ano?” nag-aalala na tanong nito sa kanya.
Hindi nila kailangan ng telepono para mag-usap dahil sa angking kapangyarihan nila bilang wolves puwede silang mag-usap kahit malayo na parang may teleport silang ginagamit to hear and feel them. Mind communication ang ginagawa Nila to have conversation. Isa ito sa mga kaibigan niya. Magkahiwalay sila ng misyon ngayon. Minsan nagkakasama silang lima kasama sina Dane Lycaon na isang Rogue, Seri Flenzier isang sentinel, Astraeana Jane Williams isang guardian ng pack nila. Ito ang mga nasa lower position niya. She protects them and they are doing the same to her.
Whenever they are on a mission, especially a separate mission, they used to ask each other how they are after their job is done. Lalo na si Magenta. Lahat sila tinatanong nito kung okay lamang sila. Dahil kahit malayo siya she will do her best to reach you and give you medicine. Hindi sila puwedeng kahit saan lamang na hospital pumasok, dahil may espesyal silang pagamutan na sila lamang ang puwede roon at hindi ang mga normal na tao.
“Okay lang ako. Wala akong galos o anuman. Parang hindi mo ako kilala?” mayabang niyang sagot sa kaibigan.
“Tsk, oo na ikaw na ang matibay. Sigurado ako tinamaan ka na naman ng katamaran makipag-bakbakan at ʼyang weapon mo ang ginamit mo?” wika nito na sini-sigurong totoo ang hinala.
“Tsk! Anyway kumusta ang ibang pack natin? Make sure na hindi sila made-detect ng mga kalaban, huh? Inform mo ako agad kapag may hindi magandang pangitain sa location ninyo,” sabi niya rito.
“Okay, Luna. I’ll inform you once we have news from our pack,”
Minsan masyado siyang busy sa misyon, nakakaligtaan niya ang mga pack niya. Mabuti na lamang at alerto rin ang mga ito oras na may hindi magandang nangyayari sa bawat isa sa kanila. Puro sila babae kaya kailangan nilang proteksyunan ang bawat isa.
Nagpaalam na siya sa kaibigan at sumakay na sa kotse. Pinaharurot niya iyon ng mabilis. Sa ka po na lamang nila hihintayin ang mga kasamahan. Alam niyang pagbalik na rin ang mga ito.
Samantala, nanggigil sa galit ang may-ari ng ASSA o Aaron Sandoval Secret Agent. Ipinangalan niya ito sa sarili bilang alaala sa yumao niyang magulang. Hindi man agent ang mga ito pero alay niya ang naturang organisasyon para gamitin ito sa pagtatanggol ng bayan. Namatay kasi ang magulang niya dahil sa halang na mga tao sa mundo. Sinunog ang mismong bahay nila dahil ang akala ng mga tao ay isa silang halimaw. Siya lamang ang nakaligtas noon.
Matikas ang pangangatawan at blue eyes na mga mata. Sa tuwing titigan mo siya—pakiramdam mo’y nasa deep pacific ocean ka.
Nang marating ang tamang edad, nagpasya siyang magtayo ng sariling agent organization para mai-pag-higante ang magulang niya sa likod ng mga taong sumunog sa bahay at magulang niya. Maipagtanggol na rin ang mga taong napagkamalan masama, na ang totoo ay may mas masahol pa pala ang mga binabaliktad ang sitwasyon, ma-pagtakpan lamang ang kasamaan.
Nagagalit siya dahil laging pumapalpak ang mission nila sa ginagawa ng agent niyang si Desiree. Alam niyang mainitin ang ulo nito, kaya lang hindi makontrol ng dalaga iyon. At hindi rin niya maiwasan na hindi ito patawarin. Bukod sa magaling ito sa pakikipaglaban, alam niyang espesyal ang dalaga sa kanya.
“Damn it! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon! Hindi ko tuloy matukoy sino ba ang pinuno ng mga sindikato na tinutugis ko! Kainis!” kausap niya sa sarili.
Nasa opisina siya ngayon. Halo ang mga tauhan niya sa naturang organisasyon. May normal na tao at may mga lobo siyang tauhan. Ramdam niya na maliban sa ilang tauhan niyang lobo kagaya niya na isang alpha, ay may lobo pa rin silang kasama. Ramdam niya iyon dahil malakas ang kanyang pang amoy. At kilala niya ang mga ito. Kaya hindi niya rin muna magawa na magpakita sa mga ito dahil alam niyang makikilala siya. At dahil magaling siyang magtago ng kanyang alpha, hindi siya agad naaamoy ng kapwa niya lobo.
Rinig niyang may kumatok sa pinto ng opisina niya habang inaayos ang earpiece dahil gusto niya pang kausapin ang Ilan sa kasamahan ng dalaga.
Malamang ito na naman ang secretary niyang may gusto sa kanya. Hindi niya madespatsa dahil isa ito sa pack nila. Isang beta.
“Sir, dinalhan ko po kayo ng maiinom at lunch na rin,” wika nito sa labas ng pinto. Hindi ito basta pumapasok dahil ayaw niya. Madalas siyang akitin nito pero hindi niya binibigyan pansin.
“You can eat that. I already ordered mine,” malamig niyang tugon dito.
Kahit kailan hindi siya tumanggap ng binibigay nito na pagkain, minsan siya na ang nire-regaluhan nito pero wala ni isa man tinanggap. Ayaw niyang haluan ng romantic vibes ang opisina niya.
“Pero kung sa isang agent niya, okay lang,” ani ng mapang-asar niyang utak.
Napangiti siya sa naiisip.
Dinig niyang umalis na ito. Alam ng binata na nakasimangot na naman ang secretary niya. Dahil sa pagtanggi niya ng pagkain rito.