Nang matapos ang meeting nila at napag-pasyahan ng simulan ang paghahanap sa naturang laman-loob syndicate, nang gabing iyon mismo. Gustong mag-protesta ni Desiree dahil mukhang hindi siya makatulog muli sa darating na gabi. “Bwisit naman, oh, ngayon pa may misyon bangag na ako!” maktol niya habang mag-isang naiwan sa conference room. Hindi muna siya pinalabas ni Aaron at kinausap sa labas ang mga kasamahan. Kung bakit sa tuwing si Aaron ang nagsasalita wala siyang bayag este wala siyang lakas ng loob na magsalita. Pero dahil makulit siya, nakaisip agad na puwedeng paraan para makalabas sa naturang silid. Sinuri niya muna kung may taong papasok sa conference room. Nang napagtanto ng walang senyales, tumungo siya sa may bintana ng silid. Medyo mataas ang kanyang babagsakan kung sa

