Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang motor tungo sa malapit na coffee shop. Ramdam niya na ang pagkalam ng kanyang tiyan. Pagkarating sa naturang coffee shop, nagmamadali siyang bumaba sa motor at agad pumasok sa loob ng establisyemento. Binati pa siya ng guard mula sa entrance pero hindi niya na binati pabalik. Kapag gutom siya walang ibang tumatakbo sa utak niya kung hindi pagkain. Nang makarating sa counter agad siyang um-order ng coffee latte, egg sandwich croissants and cookies. Minsan lang siya maging foreigner sa almusal kaya carry niya na ang ganoong pagkain. Habang naghihintay sa counter may biglang kumalabit sa kanya sa likuran. Muntik niya ng bigwasan ito ngunit naalala niya na nasa public place pala siya. Nilingon n'ya ang pangahas na nilalang na kumalabit sa kanya. Med

