Isang linggo ang lumipas. Ngunit bigo sila Desiree at Aaron na mahanap ang magulang ng bata. Kahit na nag-interrogate na sila sa mga sindikato ay wala silang sagot na nakuha rito. Ang sabi lamang ay ang bata lang kinuha nila at ang magulang nito ay hindi alam kung nasaan. Madalas umiyak ang bata at nahihirapan na silang alagaan ito. Gustuhin man nila iwan sa lugar kung saan ma-alagaan ito pero hindi kaya ng konsensiya ni Desiree. Napamahal na sa kanya ang bata at hirap siyang malayo ito sa kanya. "Dey, ano ang plano mo sa bata?” tanong ni Facundo. Nasa headquarters sila ngayon, kasama rin nila ang bata na kasalukuyan naglalaro ng mga manika. Ayaw rin magpaiwan ng paslit sa bahay ni Aaron. Lagi lamang itong nakadikit kay Desiree. “Hindi ko pa alam, Facs. Naawa rin ako sa bata, mukhang

