"Ha?"
Tawang-tawa talaga ako kapag nagugulat si Momay sa tuwing may lakad kaming magkakaibigan. She hates it when I wear baggy pants or even oversized shirt. Magkabaliktad kaming dalawa kaya malayong ayaw niya talaga sa mga napipili kong soutin.
But who cares? As long as I am comfortable.
"Totoo ka, Jens?" Wala yata sa bokabularyo niya ang magmove on. We're almost near at our destination ngunit hanggang ngayon nasa litanya pa rin ni Momay iyong sout ko. Actually, hindi naman talaga pangit... magkakasunod lang sa uso noong dalawang teenager na mas nauna na sa amin umakyat sa balsa.
Napairap nga ako at ngumiwi, natawa lang din ito sa reaksyon ko. Ako kasi... nevermind.
Isang oras lang ang byahe patungo sa isang Island, kung saan mas nauna na ang mga kaklasi. Sakto nga pagkababa ay naghihintay pala sila sa pangpang. Ngumisi si Andie at tinuro iyong mga tinayong tent sa malayo. I smirk too, and I saw Momay's sour face. Halatang hindi niya makasundo itong pinsan ko. Na akala ko nga no'ng una ay dahil gusto niya ito, yon pala... inagawan.
"May ibang nauna na sa'tin do'n malapit sa make stage. E ayaw ko namang makipagbardagulan kasi alam mo, ang ya-yummy ng mga papa peps." Bulong pa ni Jasper.
Mas lalo tuloy akong napangisi at nagdive sa loob ng tent, bahagya ko pang nadapaan si Kat-Kat na panuksong susuntukin ako. Umiling nga ako at tumihaya saka pumikit. Nagising lang ako ng may narinig akong malalim ang hininga. I thought it was one of my ka-blockmate but I was shocked to confirm that this is a total stranger!
Muntik pa akong napasigaw kung hindi lang ako natulala sa pila ng mga tattoo sa braso niyang putok na putok sa muscles. Hindi nga ako nakaimik kaagad, kasi sobra akong natulala. Hindi lang sa braso! Kundi sa buong likod niya! At mabalbon si kuya na triple ang laki ng katawan sa akin.
And then I realized, did I sleep in the wrong tent? Naalala ko dinapaan ko pa si Kat-Kat kanina. Sigurado ako at hindi ako naghallucinate kanina.
Kinabahan tuloy ako at naupo saka tinitigan ulit ang bare back ng lalaking 'to. Moreno, puno ng tattoo at mabalbon ang braso. Who the heck?!
Sumilip nga ako sa labas, medyo nakaawang ang zipper kaya kahit papa'no nakikita ko naman ang mga taong dumadaan.
Dahan-dahan na lang ako kumilos, aalis na lang ako dito kesa naman gumawa ako ng eksena. Ayaw ko noon. Napahinga na lang ako nang maluwang noong nakaalis ng matiwasay doon. Atleast...
Hinanap ko kaagad ang mga kaibigan, magsusumbong ako. Baka kamo sila pa ang makagawa ng solusyon. I think, that big guy, thrice my size, is a tent crasher. I am sure of...
Nakita ko nga iyong mga kaibigan na nag-eenjoy sa isang make shift table na tanaw ang stage at saka dagat. Binatukan ko si Jasper, sa kanya ako inis kasi pakiramdam ko siya ang nang-iwan sa akin doon.
"O sister Jenseal, gising na pala ang sleeping beauty." Ni hindi ininda nito ang batok ko.
"May tsika ako." Agad na nagsilingunan ang mga chismosa kong mga kaibigan. Napairap nga ako. Half inis at half natatawa.
"May naligaw doong chupapi, hot likod pa lang."
Nabilaukan si Jasper, ang lakas pa ng tawa nito. Napakunot noo tuloy ako.
"Ay hot talaga iyon," tawang sabi nito, "Dapat dinukot po, tapos ah—" umaksyon itong chinuchupa iyong alam na...
Nanlaki tuloy ang mga mata ko at nakatikim ulit ito nang mas malakas na batok, napa- "aray!" nga.
"Gagi ka Jens, pinsan ko iyon! Pinasundo kanina ni Mama, eh pagod yata kaya pinatabi ko sa'yo."
Tawang-tawa nga ang mga kaibigan namin samantalang para akong mamamatay sa sobrang kaba. Pinatabi sa akin without my consent! At talagang malakas pa ang loob nilang iwan kami doon!
"Next time nga magpaalam ka naman." Kumuha ako ng isang bote ng inumin saka naupo sa buhangin, patalikod sa stage at katabi si Angelique na nagmumuni yata... siguro broken hearted na naman.
"Di mo ba type Jens? Gwapo iyon, moreno saka sobrang hot!! Malakas din yata bumumba, didn't caught in the act but I am sure of."
Siniko ko nga! Ang kulit talaga nitong si Jasper, sarap nilang pagbuhulin ni Momay. Sinabi ng ayaw ko muna ng lalaki, at wala pa namang ni isa ang nakakaagaw ng atensyon ko noon.
"Makikita mo, tulo laway ka mamaya. Tatawagin ko lang."
Ni hindi ko na nabigyan pa ito ng isa pang batok. Napabuntong hininga na lang ako at tinitigan ang papalubog na araw. Kinalabit ko si Angelique at nagtanong kung may extra siyang damit. Tumakas lang ako sa bahay, at sinabi ko kay Nanay Lydia na makikisaglit lang ako sa kabilang mga kaibigan, kabilang kaibigan means sa kabilang subdivision... iyon pala e babyahe ng 8 oras pagkatapos isang oras para lang tumawid sa isa pang isla, iyong paalam ko sa kabilang bakod lang... pero ang totoo ang layo ko na pala.
"May spag strap akong extra doon."
Kumunot ang noo ko at na iinsultong tinitigan si Angelique na tawang-tawa at tinuro si Andie. Na nakatitig pala sa amin.
"Meron ka?"
Tumango ito at tinuro ang katabi noong tent na tinulugan ko kanina.
"Pahiram ah? Balik ko lang next week."
Tumango ito kaya dali-dali kong pinuntahan sa pag-aakalang makakalusot kaagad ako roon. Napatid ako ng nakalabas na paa at napamura ng pagkalakas-lakas. Natawa na lang din si Jasper na nakaluhod pala doon at mukhang ginigising iyong pinsan nitong mukhang tulog mantika.
Ngumiwi nga ako at sumilip na rin kaso napaatras ako ng pagkalayo-layo dahil sa gulat. Nakaupo na kasi iyong lalaking pupungas pa at napatitig din sa akin.
Gwapo nga! Pero hindi naman sa point na napasinghap talaga ako. Indeniably handsome nga ito... iyong hunk ba na ma-muscles at almost half din pala ng body niya e may tattoo. Kaso... not interested with boys.
"Lapit ka," tawag ni Jasper. Sinamaan ko nga siya ng tingin pero lumapit din naman ako kasi ayaw kong maging bastos, tinuruan ako ng tama doon ni Mommy.
Lumuhod ako ng bahagya, nakatitig ng seryoso iyong pinsan niyang ang lalim talaga ng titig. Iyong parang nanununaw... kaso hindi nga ako tinatablan ng mga ganyan.
"Luis, this is my friend... Jenseal, the one I was talking about. Ganda 'no?" Ngising-ngisi si Jasper.
Ako naman nagulat. Ano daw?! Pinakilala niya ako sa lalaking 'to ng hindi ko alam?! At ano naman kaya ang pinagsasabi ng baklang 'to?
"Hi," seryoso pa rin ito, ang lalim ng boses. Lalaking-lalaki. Na-insecure ako bigla.
"Hoy! Babae! Walang response?" Nainis yata si Jasper. Hinila ako nito sa tabi kaya nawala ako ng balanse at napaupo na lang sa buhangin.
Nakabukaka iyong nakatiklop niyang tuhod, typical na upo ng isang lalaki kapag nasa ground ang pang-upo. Kaya laking gulat naming pareho ng hinila ni Jasper ang kamay ko at dinakot sa gitna.
Namutla ako, umakyat ang lahat ng kilabot at hiya sa ulo ko. Para akong mabubuang kaya mabilis kong binawi ang kamay.
Tinulak ko nga si Jasper, sa sobrang inis ko nawala iyong lakas ko kaya parang wala lang sa kaibigan ko iyong ginawa ko.
Hihingi na sana ako ng sorry kung hindi lang ako nakaramdam ng inis noong nakita ang sobrang lapad nitong ngisi! Ginanahan!
Nawala iyong seryoso niyang mukha kanina, napalitan ng kapilyuhan. At ako, nangasim na talaga.
“That was hot.” Sabi pa nito.
Sininghalan ko nga at tumayo na roon. Tinitigan ko si Jasper na tawang-tawa habang pulang-pula iyong mukha at inuubo-ubo pa. Sinipa ko iyong paa niya’t tumakbo sa kabilang tent saka nagtago sa loob. I made sure that I zip the tent. Dinig ko pa rin ang tuwa ni Jasper samantalang para akong hihimatayin habang iniisip iyong nangyari.
Gago amputa! Nagsisipa ako sa ere at gusto sanang sumigaw sa inis kaya lang ayaw ko nga eskandalo. Naluluha ako sa inis, naaalala ko pa rin at talagang kadiri!
Isang oras yata akong nakatago doon. Kung hindi ko lang naramdaman ang gutom hindi na ako lalabas pa sana. Madilim na at sinilip ko ang kabilang tent, napahinga ako nang malalim ng makitang wala ng tao doon. I peek at the back, on going ang mga ilaw at siguradong may sayawan o party ang mangyayari mamaya. Ngumiwi nga ako, should I let that one slid? Kaso gutom na talaga ako e. At rinig ko iyong cellphone kong may tumatawag. At nakitang si Nanay Lydia iyon, magtatanong siguro... paano iyan? E bukas pa ako makakauwi. But if I ignore her call, magsusumbong iyon kay Mommy.
“Nay,” tawag ko nakasilip pa rin sa labas. Tinitingnan ko kung nasaan na ang mga kaibigan, iniisip ko rin kung magkakasama ba sila including Jasper’s cousin.
“Uuwi ka ba?” Tanong nito.
“Bukas na lang po, pakisabi kay Mommy Nanay Lydia.”
Iyon lang ang usapan, sanay naman silang minsan hindi ko ugali ang umuwi. Boring kasi sa bahay, pagkatapos kaming dalawa lang ni Nanay Lydia ang nandoon. Si Mommy kasi busy pagkatapos si Daddy umuuwi lang isang beses sa isang taon.
Lumabas na ako nang nakitang wala akong ma spottan, maybe they’re nowhere but not here. Ginugutom na ako at saka wala akong pera. Ang paalam ko kasi sa kabilang subdivision lang ako at hindi pa ako binibigyan ni Mommy ng baon.
Nahanap ko naman sila, sa isang open restaurant at nakaupo sa mahabang mesa, I am sure they’re done ordering for dinner. At wala man lang nag-aya sa akin! Ngumunguso ako habang mabilis ang lakad at binigyan ng sakal na yakap iyong pinsan ko.
“Aray! Ano ba, Jens! I already ordered for your dinner! Kainis!” Baling nito sa akin.
Hilaw iyong ngiting binigay ko sa kanya. Saka parang walang nangyaring tumabi ako sa kanya. Ang sama nga ng pagkakatitig, waring bubuhulin ako ng buhay.
“Jens!”
Umakyat lahat ng kilabot at takot ko ng narinig ang boses ni Jasper, hyper ang bakla! At kailan ba siya nagiging ganoon? Kapag—
“Dito muna itong pinsan ko ah,” tinulak nito iyong hunk niyang pinsan sa tabi ko.
Kilabot na kilabot ako habang nanginginig ang labi noong tumama ang braso niya sa balikat ko. Amoy ko iyong panlalaki niyang pabango, ayaw ko nga sanang lingunin kung hindi ko lang naramdaman ang kilabot sa mga titig nito sa akin. Nakatuko ang braso nito sa table at nakatagilid na nakatitig sa akin. Naninigas tuloy ako... mali yata! Mali na sinunod ko ang sikmura. Sana tiniis ko na lang hanggang bukas!
“You’re so f*****g hot.”
Natahimik ang buong paligid. Ako naman parang pusa na nagsitayuan ang mga buhok sa buong katawan. Iyan ang mga linyahan ng mga pa-cool men at inis na inis ako sa ganyan kasi pakiramdam ko abusong-abuso na ang ganyang salita. But he sounds so lewd and I can’t deny that it sounded truly manly from his mouth.
“Ano daw?” Bulong ni Andie, mukhang pati siya hindi makapaniwala sa narinig. Ako nga hindi nakaimik at bagsak ang mga mata sa upuan, iniisip ko na lang kung paanong kinuha niya ang espasyo na dapat ay sa kakasya pa sa dalawang tao.
“Ano daw, Jens?” Ulit ni Andie.
Narinig ko iyong parang ngisi kaya napatitig ako pabalik kay Luis na tuwang-tuwa yata habang nakatitig ng malalim sa akin. Tutunawin niya ba ako?! Makukutungan ko si Jasper sa pinaggagawa niya eh!
“Type ka yata, Jenseal.” Bulong ulit ni Andie. Natatawa!
Alam ko kung ano ang iniisip niya! Iniisip niya sigurong baliw na itong lalaking ito kasi sa lahat ng babaeng nandito ako pa yata ang natipuhan. Boyish ako manamit, mahilig ako sa baggy pants at oversized. Kaya paano?
“Oo, she’s my type.”
Naduduwal ako! Sinigundahan pa ng isang ito na mukhang di na mawawala ang kapilyuhan sa ngisi’t titig. Kasalanan talaga lahat ni Jasper! Nag-umpisa lang lahat doon eh...
“Tol, gawin mo nga itong babae.” Tawang-tawa na utos pa ni Andie. Kinurot ko nga ang siko nito pero mukhang walang epekto.
“Oo ba,” mayabang na ngisi nito at hinigit ang bewang ko. Nanlalaki tuloy ang mga mata kong nakatitig kay Angelique na nakanganga, ganoon din ang dalawa pa naming mga kaibigang babae. Si Momay lang itong pilyong-pilyo ang ngisi.
Kainis na Jasper! Tinulak ko nga ang braso nitong may pila ng tattoo pero mukhang dahil sa nanghihina pa ako sa kaba at sa lakas na rin siguro nito ay walang epekto.
“How old are you, Jens?” Bulong nito, na siguradong ako lang ang makakarinig.
“H-ha?” Tinulak-tulak ko pa rin ito. Iyong kamay nito di natitinag, hinaplos pa sa bewang ko.
“Hm, you’re not a minor, right?” Tumama na talaga sa tenga ko iyong tungki ng ilong niya.
Nangasim ako, nangingiwi ang mukha at nahihiyang tinitigan ang mga kaibigan na natutuwa yata sa kalandian ng lalaking ‘to. Tinubuan na yata ako ng sobrang hiya. At kinuha ang tinidor saka sinaksak sa table, nagsinghapan ang mga kaibigan ko. Lumuwang din ang pagkakapit niya sa bewang ko. Naghahabol ang hininga ko sa hiya at sobrang asar.
“Get your f*****g hand off me. O bubutasin ko!”
Naalarma yata ito at paunti-unti ng lumuluwang ang kamay. Natuwa naman ako tinitigan itong sa halip na pamumutla e natawa saka naghands off.
“Okay, calm down babe.” Ngisi nito at tinungko ang braso sa table saka kinuha ang tubig para lumagok at muli akong tinitigan na napanganga na lang. Kumindat pa. Naitikom ko ang bibig at bumilis ng bumilis iyong pagsaksak ko sa table. Tawang-tawa si Andie samantalang ang mga kaibigan namin natatarantang sinaway ang mga lumapit na waiter at waitress. Naghahalo ang nararamdaman ko sa hiya at inis para sa lalaking ‘to.