2

2146 Words
“Hoy, matulog ka na...” Sinamaan ko nga ng titig si Momay, na hindi ako sigurado kung nakapikit na nga ba talaga o nakadilat at pinag-aaralan ang mga kilos ko. Aminado naman ako na hanggang ngayon ay bumabagabag sa akin iyong malagkit na titig ng pinsan ni Jasper. Hindi ako komportable at lalong hindi ako natutuwa doon. He might think that I like him or what... pero kasi, hindi ako iyong tipo ng babaeng basta-basta na lang nagkakagusto sa lalaki. The last time I remember liking someone, grade 3 pa ako noon eh. At weird ng pagkakagusto ko sa kanya... I liked him because he kissed our female teacher. Pagkatapos noon kahit kailan hindi na ako nagkakagusto. The fastest I grow, the lesser I had interest with boys. At walang lusot doon ang antipatikong pinsan ni Jasper. “Susko! Magpatulog ka, Jenseal...” “Inaano ka?!” Aburidong sabi ko kay Momay, para namang ang ligalig ko, ni hindi nga ako gumagalaw. Natawa ito at saka naupo kaya nagulat ako sa ginawa nita. Galit ba siya? Ngunit natawa ito! Sadyang mainit lang talaga ang ulo ko kaya nasagot ko ito ng ganoon. “Stop thinking about that guy, Jens. Oo na gwapo iyon, mala adonis pa ang katawan... susko! Ang lapad ng katawan! Masarap sanang higaan, pero kasi halata namang playboy.” Napaismid ako sa pinagsasabi niya, no need to remind me about that. Hindi ako nag-iisip ng kung anong romantikong bagay tungkol sa lalaking iyon. Naiinis lang talaga ako at sa isip-isip ko, gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino. “Hindi ko kaya gusto iyon,” nguso ko, hindi sigurado kung nasilip niya ba iyon. Natawa ito lalo saka nahiga sa tabi ko, nakapagbihis na ako at nakihiram sa pinsan ko ng damit... si Momay, kung ano iyong suot niya kanina pagkarating namin dito, iyon pa rin. Hindi ko alam kung sasama ba itong bukas na maliligo bago kami umalis o ganoon pa rin hanggang sa makauwi kami. “Bahala ka, pag di mo tinigil iyan... talagang madedevelop ko roon.” Kinilabutan tuloy ako at nanlalaki ang mga matang tinitigan ang likod ni Momay. Ha?! No way! Alas 6 ng ginising kami nina Angelique, nang-i-invite na maligo sa dagat at hindi pa gaanong mainit. Pagkatapos niyan ay kakain na kami ng breakfast bago magpahatid sa kabilang isla para umuwi. “Ano?! Ibababad mo iyan sa dagat? Hoy Jens! Mahal ang pagkakabili ko niyan!” Inis na inis si Andie habang nakasunod sa buntot ko. Tawang-tawa naman ako at nawala lang nang nakitang kong naghubad iyong Luis... full show ng tattoo art niya sa buong nakamasid. Bigla akong nainis kaya napatalikod ako at nagulat na lang na hinila ni Andie iyong damit para mahubad ko. “Ow??” Nagsinghapan iyong mga kaibigan ko. Ako naman ay nanlalaki ang mga matang nilingon si Andie na mabilis na nakalayo. “Hoyyy! Pang FHM.” Asar ni Jasper at hinila ako sa tubig dagat. Napatalikod tuloy ako at pulang-pula ang mukha habang unti-unti nang nilulubog sa dagat iyong katawan ko. Paano ako aakyat mamaya? I hate showing my body, kaya nga mas komportable ako kapag nakasuot ng oversized shirt... natatakpan iyong katawan ko. “Susko Jens! Iyan ba ang tinatago mo?” Nakangising sabi ni Momay, nakalapit kaagad pagkahila sa akin ni Jasper. Nagsilapitan ang buong barkada, maliban sa ilang boys... malayo kina Andie at doon kay Luis na nasilip na pala dito. “Wag niyo ‘kong tinutukso ha...” sabi ko habang nilulubog ang katawan para tanging ulo lang ang nakikita. “Sa tagal nating magkakaibigan, ngayon ko lang nakita iyang katawan mo. At masasabi kong... blessed thy Jenseal!” Halakhak ni Gretta. Na isa din sa mapang-asar. Ngumiwi ako at pilit na lumalayo sa kanina kaso laging nakasunod. Hindi ko mawari kung dapat ko ba silang pagsasapakin. Inaasar nila akong lalo, na ayaw ko nga dahil kanina pa ako nakakaramdam ng pagkakailang. “Kuhanan mo ‘ko ng tuwalya, a?” Nakasimangot na sabi ko kay Momay na tawang-tawa at kumembot-kembot habang nakabikini. Ewan ko ba, isa rin ito sa mga mapang-asar. “Hoy!” Hinabol ni Jasper sina Gretta at Angelique na ewan ko at inaasar yata iyong isa. Napahinga tuloy ako ng kaginhawaan. Sa wakas, at kanina pa ako nilalamig. Sabi nila kapag kumilos ka sa ilalim ng tubig, mawawala iyong ginaw. Which I did, nilangoy ko ang ilalim ngunit sinisigurado ko namang hindi ako mapapalayo. At nagulat na lang ako nang may humawak sa binti ko. Halos panawan ako ng ulirat sa sobrang kaba. Napaahon ako ng wala sa oras at nilibot ang paningin, at mula sa harap ay may tumakip sa paningin ko. “You’re heading far from the shore, Jens.” Seryosong saad ni Luis. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko at napatitig sa kaliwang dibdib niya. May tattoo doon, kasing laki ng platito at hindi ako sigurado kung anong desinyo iyon. Halos nga pababa na iyon. “Do you like my tattoo?” Turo nito sa dibdib, saka ini-stretch ang mga braso niya sa harap namin, para siguro ipakita iyong braso niyang punong-puno ng art. “Ito?” Tanong pa niya. Kinagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Nag-iinit naman ang ulo ko at mukhang klaro iyon sa ekspresyong pinapakita ko kasi bigla niyang hinawakan iyong braso ko. Parang pinipigilan ako sa iniisip. “Okay... I’m sorry with my silly jokes. I have no other intention, Jens. I though you’re cool.” Ngiwi niya. Unti-unting nawala iyong inis ko kaya nag loosen up ang mga muscles ko sa katawan. Aburido ako sa lalaking ‘to sa totoo lang at hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit kaybilis lang din sa akin na kumalma dahil sa sinabi nito. “We’re good? You’re not mad?” Hindi ako tumango at hindi rin ako umiling, tinitigan ko lang ng matagal iyong mga mata niyang mas lalong nagki-crystal clear dahil sa tama ng araw. Aside sa buong feature niya na halata namang may lahi, Brazilian or Italian(doubt race), ay mapaghahalataan din sa kulay ng kanyang mga mata. “I have a tattoo shop near in BGC, baka gusto mo?” Napapitik ako sa sinabi niya, ang galing nito... nahuli ako sa gusto kong malaman. Inis na inis ako sa kanya kagabi pa, ngayon naiinis pa rin naman ngunit kaunti na lang... nawala siguro kasi nagkakainterest ako sa sinasabi niya “Jasper said that you were planning to have a tattoo... hindi lang matuloy-tuloy?” Napatango ako, medyo nakakalma na. Matagal na, at nasa right age naman na ako... saka sabi ni Mommy, I can have everything I want as long as I take it moderately. Including tattoo. “Magkano ba?” Napangiti na ito, binitawan na ang braso ko. “We can talk about the price when we get home. I’ll tell you about my sched. Uuwi ako ng Brazil by Wednesday at baka next month na makabalik.” Kumunot ang noo ko, dapat ba naming madaliin iyong tattoo session? Two days lang ang spare time niya bago umuwi ng Brazil. Parang hindi ko gusto iyong ideya. “Then by next month, doon na lang. Ayaw ko iyong madaliang gawa. Saka, wala pa akong napipiling desinyo.” Tumango ito, sumang-ayon din naman yata. Pabuka na iyong labi niya ng naulinigan ko si Momay na nakacross arm at nakatitig dito. Nakangisi yata e, hindi ako sigurado. Hawak niya sa dulo ng isang kamay iyong hinihingi kong tuwalya. Bigla ako naconscious at tinitigan ang mga kaibigan kaso nga lang abala rin yata sila at tanging si Momay lang ang nakapansin. “Alis na ako, hingian mo ‘ko ng contact mamaya.” Iwas ko kaagad baka may makapansin pa. “Jens,” tawag niya bago pa man ako nakaalis. Napalingon ako pabalik, naghihintay sa sasabihin niya. Para lang marinig na— “Payat ka naman pala,” Dapat ba akong mainsulto? Payat ba ako? Sa pagkakaintindi ko sa sinabi niya... walang kakurba-kurba iyong katawan ko. Napailing ako at pinulupot ang tuwalya mula sa pagkakahawak ng nakikiusyusong si Momay. “Oy, ano yon?” Ngiwi niya. Nagkasalubong ang mga kilay ko at sinabi rin sa kanya ang totoo. I have nothing to hide! Saka bakit naman ako magtatago? Mas lalo akong kukulitin nito. “Tattoo artist pala? Kaya pala ganoon...” napaisip si Momay habang tinitigan naming pareho si Luis. Na nakikipagbiruan din sa iba naming mga kaibigan. “I think Angelique likes him,” maya’y sabi ni Momay, Nagtaka naman ako at napatitig ulit sa mga kaibigan. Nasa malayo sila at kaming dalawa ni Momay ay nakaupo sa lounger at kumakain ng pananghalian, may side fruits din. Nauna na kami kasi kanina pa ako gutom na gutom. “Ha? Paano?” I got curious, wala naman akong nakikitang kakaiba. Hindi naman tumatagal iyong titig ni Angelique kay Luis. “Namumula, cannot stare longer than the normal... Jens.” Ngisi niya. Natutuwa yata na ang daming tutuksuhin sa paligid. Natawa nga ako ng napagtanto na tama si Momay at napapansin ko na iyong di pagiging komportable ni Angelique. Sa physique pa lang ni Luis, kahit sino e manghihina... ang mga tuhod ng isang normal na babae. Abnormal kasi ako. “You sure you don’t like that guy?” Kuryusong tanong ni Momay habang kumakagat ng pakwan at umiinom ng juice. Umismid nga ako na ikinatawa niya. “Aw, all this time... mali pala ang akala ko.” Kaya siguro hindi na ako naiinis o nabawasan na ang inis ko sa lalaking iyon ay dahil naglo-look forward na ako sa tattoo session. Iniisip ko nga sa first try ay dapat iyong maliit lang at manipis at kapag nagustuhan ko naman, saka ako mag-iisip ng mas mabigat na desinyo. He caught me there. And I have also given him permission to ask for my contact later this day. “Pack up na,” sabi ni Andie na binatukan ko bago ako sumakay ng bangka. Sinuot ko ulit iyong damit ko kahapon. At basa pa rin ang pants, pero okay na rin. Matutuyo iyan. Pagkatapos ng isang oras ay pinuntahan na namin iyong store na pinag iwanan ng dalawang sasakyan. Sinabi ko kay Andie na sa pick up ako sasakay at ayaw ko doon sa kanya, I have to make sure that I dry my hair before going home. Sakto at may isa pang sasakyan na pwede pang pagpwestuhan sa likod. “It’s not safe there, Jens... wala kang kasama diyan.” Nagulat ako noong lumaylay ang mga braso ni Luis, nakashades amputa! Nagulat talaga ako sa ayos niya. Nakaputing loongsleeve thin clothe at bukas ang dalawang butones. Feel na feel ang pagiging turista. Hindi ko na kasi tinitigan ito kanina dahil nag-aasaran kami ni Andie. “Okay na ako dito...” iling ko, wala na akong balak na lumipat. Lumingon ito sa harapan. Hindi ko na rin sinilip dahil komportable na akong bahagyang nakahiga doon. “You have your lincense, Jas?” “Oo, swap?” Sagot ni Jasper. Tumango ito saka yumugyog ang sasakyan. Gago! Nagulat talaga ako akala ko matutumba iyong sasakyan. Magkakaroon pa yata ako ng mini heart attack. Puta, tataob pa yata eh. “Hoy! Sisirain mo ba iyong sasakyan?!” Inis na sigaw ko dito. Narinig ko iyong pag-andar ng isang sasakyan. Ito naman tawang-tawa at ginaya ako sa pwesto. “Calm down! Not gonna happen.” Aliw na tawang-tawa pa rin ito. Umirap nga ako na lalo niyang ikinatawa. “That was the first time I saw you rolling your eyes like a girl.” Pinandilatan ko naman siya ng mga mata na lalo niyang ikinaingay. Narinig ko na lang na kumakatok ang likurang bahagi ng sasakyan. Sumenyas si Gretta na maingaw daw. Natahimik na lang ako. “Can I have your number? You promise...” Ha? Kailan ba ako nangako? Pero sige dahil sinabi ko naman iyon kanina, ibibigay ko. Saka ko naman sinabi na pwede niya akong i contact sa messenger, kaso umiling siya. “I don’t have... but I have w******p or skype.” Tumango ako at binigay na lang ang skype’s username. Nasa palayang bahagi na kami ng may sumigaw, sa kabilang malaking sasakyan. Kumaway iyong mga sakay. Teenager yata, probably minors, at nagtitili dahil yata sa kasama ko. Na kinumpira ko naman noong kumaway din siya pabalik at mas lalong lumakas ang tili. “Iba ka rin ‘no.” Na ikinatawa niya... “Jens, I’d never asked this but where are you planning to put your first tattoo?” Kuryusong tanong niya. Kumunot ang noo ko at nawala sa isip ko iyong katotohanan na baguhan itong bago kong kilala at tinuro ang puson, itaas na bahagi kung saan ako nagsi-shave. Doon ko lang napagtanto kung ano iyong ginawa ko. Iwinasiwas ko iyong palad ko sa mga mata niya na ikinahalakhak niya. “I like the idea though,” paling ng ulo niya. Ako tuloy ang nahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD