10

2085 Words
Pasukan na kaya di na ako nagulat no’ng daanan ako ni Andie. We both ride his car, iniwan ko iyong kay Mommy para makatipid naman ng gasolina. Saka na lang siguro kapag tinupak si Andie. Naghihintay na pala sina Jasper, kahit iyong hindi na namin ka-block. He was grinning from ear to ear saka ako sinapak sa balikat na ipinagtaka ko. Kabado ako, may ideya ako, kaya lang hindi naman ako sigurado kung yon nga ba talaga. But, uhm, siguro nga. “Sinabi ni Auntie, nasabi daw ni Luis sa kanya. Kalurkey ka girl! Sinungkit mo naman.” Ngisi niya. Nakita ko yong disappointment sa mukha ni Angelique. Nahiya naman ako. May alam kasi kami ni Momay... at wala naman talaga sa plano ko iyong ipaalam sa kanila na boyfriend ko si Luis. “Pero pag sinaktan ka ah. Sabihin mo sa akin.” Tumango na lang ako para matapos na rin. Saka kami naglakad papasok. Si Momay e panay ang tukso sa akin. Kesyo pwede na raw ako magdamit babae na inilingan ko. Bakit naman kaya ako magdadamit babae e okay na ako rito, komportable ako. “Sige ka, you know boys Jens. The like sexy girls.” Ngisi niya. Nahintakutan naman ako sa sinabi niya. Hindi sa ideyang baka nga maghanap ng ibang sexy’ng babae si Luis kundi yong katotohanan na nakita naman na ako ni Luis na nakahubad. Kinabahan tuloy ako, ayaw kong magka-ideya itong mga kaibigan ko. Kahit sabihing pang suportado naman nila iyong relasyon namin ni Luis. Lunch na ulit kami nagkita. Saktong tumatawag si Luis. Marahil nagtataka kung bakit hindi ko nireplyan yong chat niya kanina. Sadyang abala lang talaga at dumugo iyong utak ko sa aralin kanina. First day pa nga lang terror na kaagad ang professor. Kesyo graduating kami kaya kailangang mahasa. “Lunch break,” sabi ko sa kanya. “Who’s with you?” Binaliktad ko ang cam at ipinakita ang mga kasama ko sa table. Some was grinning, si Angelique lang itong hindi mapakali. “Good, I was thinking you were with a random guy.” Nabilaukan tuloy ako sa iniinom na tubig. Out of nowhere iyong sinabi niya! Ako at kasama ang kung sinumang lalaki? Imposible! Tawang-tawa tuloy si Jasper at sumilip sa cam. “Hoy! Praning mo!” Natawa lang din si Luis at sinabing may pupuntahan siya kaya kailangan niya ng i-end ang call. Naiintindihan ko naman. Di ko hawak lahat ng oras niya. Lalo na’t pareho kaming magiging abala. Panay ang sapak ni Jasper sa balikat ko. Iyon bang natatawa sa nangyayari. Tinutukso nga ako. “Ano bang pinakain mo sa isang yon? He’s head over heals, girl!” Umiling nga ako at tinuloy ang dessert. Wala naman akong masabi. Alangang sabihin kong, uhm, hinotel ako ng buang na yon. Baka magulantang hindi lang kaluluwa pati katawang lupa niya. “You’re quite average, Jens.” Biglang sabi ni Angelique. Natigilan ako sa pagsubo. Ito ang unang sinabi niya simula no’ng nalaman niyang magkarelasyon kami ni Luis. Nakalimutan ko nga eh, yong sinabi ni Momay na iba kung makatitig si Angelique kay Luis. Parang may halong pagkakagusto. Namumula nga ang tenga niya. Katabi niya si Momay na nagulat din sa sinabi niya. Tinitigan ako ni Momay at bahagyang sumenyas. Ayaw ko namang magmukhang masama kaya sa halip na seryusuhin iyon ay tinawanan ko na lang. “Yon nga! Anong nakita ng lalaking yon sa akin?” Nakitawa rin si Jasper saka tinulak ang balikat ko. “Girl, friends na tayo since highschool. Iyong ganda mo e pang beauty queen. Kinulang ka lang sa height! At kulang ka sa ayos!” “True!” Segunda ni Momay at kumindat pa sa akin. Pakiramdam ko kinocomfort ako noong dalawa. Kaya hindi ako sigurado kung totoo nga ba talaga iyong sinabi ni Jasper. Pakiramdam ko sa halip na ayaw kong pagmukhaing masama si Angelique e sa mga mata ko nakaramdam ako ng inis. Nainis din ako dahil ganito ako... kung kanina, naisip ko na hindi ko naman kailangang mag-ayos. Ngayon pakiramdam ko obligado na akong mag-ayos ng kaonti. “Grett,” tawag ko kay Gretta habang nasa likod kami nina Jasper. “Do I look really average?” Nahihiyang kamot ko sa sariling noo. Natigilan si Gretta. Nakakunot ang noo. Saka niya inangkla ang kamay sa braso ko. “To be honest, Jens. You’re more than average. Sinabi na nga ni Jasper, classmate rin tayo since highschool, you’re beautiful. Pang-beauty queen.” Namula tuloy yong pisngi ko sa sinabi niya. “Ngayon lang kita narinig na naging sobrang insecure sa sarili.” Nag-aalalang sabi nito sa akin. Napalunok ako. Oo nga ngayon lang. Hindi ko naman masyadong pinapansin iyon noon. Wala naman talaga akong paki. Kaya lang. Iba na kasi ngayon. May boyfriend ako. At hindi ko alam kung hanggang kailan magiging interesado sa akin si Luis. “Mamayang uwian, gusto mo samahan kita? I know some trends boutique.” Ngumiti ako saka tumango. I think, for a little, I have to change the way I dress. Sinabi na ni Mommy sa akin noon na ayaw niya sa klasi ng pananamit ko. At saka kailangan ko na raw magbago kasi malapit na rin akong gumraduate at kailangang presentable ako kapag gusto kong magtrabaho sa corporate. I somewhat understand now. “Sigurado ka? Ihahatid ko kayo.” Sabi pa ni Andie at tinitigan si Gretta. Umiling na ako. Malapit lang ang sinabing store ni Gretta at kayang lakarin mula rito sa University. Kasama ko nga si Momay at gusto pa sanang sumama ni Jasper kaya lang may activity siya sa unang araw pa lang doon sa dati niyang club. For Angelique? Ayaw ko na lang magsalita. Si Kat-Kat nga kanina pa hindi nagpapakita. May ka-date siguro. “I’m so excited!” Tuwang-tuwa na sabi ni Momay. Ngumiwi nga ako, si Gretta natutuwa rin. Kailangan ko yata silang e-libre mamaya. Syempre mag-eeffort ang dalawa. Nangasim at pinagpawisan ako ng malamig noong ipinakita sa akin ni Gretta ang hanay ng mga sexy’ng damit. I was thinking maybe they would chose some decent dress! Kaya lang, puro croptop and halter! Paano ko susuotin iyan ng hindi kinakabagan?! “Oh stop,” iritableng sabi ko rito at kinuha lahat ng t-shirt. Small size lahat. Saka kumuha na rin ako ng skinny jeans pati skirt na hindi naman gaanong kaiklian. Nilapag ko sa counter at nilabas iyong Debit Card. Ginastos ko ang bigay na allowance ni Luis! Laglag tuloy ang panga ng dalawa. Nainis din sila kasi ni hindi ko man lang sinukat. Hindi naman na siguro kailangan dahil t-shirt lang naman ang mga yon. Iyon lang fit panigurado sa akin. “Bakit ang dami mong pera? Kuripot mo kaya.” Ngisi ni Momay no’ng sinabi kong ililibre ko sila. Nagulat yata dahil umabot ng 15k iyong naswipe kanina. Ako nga e nagulat din na ganoon pala kamahal doon. Sabagay naman ang dami ko nga palang binili. Good for two weeks na palitan ng damit at pang-ibaba. “Minsan lang ‘to.” Natawa tuloy si Gretta at tinuloy ang pagmemeryenda. They asked me how we became couple e puro lang naman kami tuksuhan o kaya titig lang ang ginawa ni Luis. Ni sa hinagap wala daw sa isip nila na magiging kami. I cut some parts. Di ko talaga sinabi na may nangyayari nga. Dalawang beses ng nangyari! Nakakaeskandalo naman kasi. At mahimatay ang mga ‘to. They were not expecting that for me to do it. Nang gumabi na ay umuwi na kami. Commute ako samantalang sinundo naman ang dalawa. Tumawag ulit si Luis ng madaling araw kaya naalimpungatan ako. Tinatanong ako kung ano iyong mga ginawa ko. At sinabi kong ginastos ko ang perang bigay niya. “You really sounded like my sugar daddy, Lu-is.” Irap ko dito at tumihaya. Natawa lang ito, at sinabi niyang, “You’re my responsibility now, sweet.” “Inagawan mo pa ng responsibilidad iyong Mommy at Daddy ko. Tsaka, hindi ko naman inubos yong binigay mo.” “Still,” Makulit talaga. I wonder if he’s like that to his exes. Di ko alam. At ayaw ko namang magtanong. Hindi dahil nagseselos ako o kung ano. Hindi lang ako sanay. At ang awkward noon. “I can’t wait to go home.” Sabi niya kalaunan. I had a slight idea that he wants to go home. Obvious naman. Hindi ito mapakali at panay ang tawag sa akin. Ni hindi pa nga umaabot ng isang Linggo iyong pag-uwi niya e gusto na talagang umuwi. I also wonder if he’s just like that before he met me. Di sa ina-assume ko ang nangyayari. Pero yon ang dating sa akin. “Sigurado ka hindi maiikli yong mga damit na binili mo?” Umirap nga ako at tinaas ang kamay. Ang kulit talaga. So, maybe I have to take photos when I wear the shirt. “Hindi nga,” iling ko. Ngumiti ito. Waring nagustuhan ulit ang sagot ko. Possessive nito. Para namang may tititig sa akin. E average nga ako tulad ng sinabi ni Angelique. “I have the only right to see your sexy body.” Inambahan ko nga siya ng suntok. Tinutukso nito ako eh. At mukhang ginanahan pa sa panunukso kasi tawa ng tawa habang sinishape niya ang katawan ko gamit ang kamay niya. “I had the chance to hold your hips, you’re perfectly shape.” Pulang-pula tuloy ako. Yong tono pa niya e parang nanunukso. He didn’t have to remind me of that. Kainis na ‘to. No’ng sinabi kong kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa ako bukas, e naintindihan niya naman. Piniktyuran ko muna ang sarili bago lumabas ng bahay. Nagulat nga si Mommy noong nakita niya akong nakafit na shirt at jeans. Tuwang-tuwa siya samantalang nakangiti rin si Nanay Lydia. “Ganyan, ganyan ang gusto kong makitang sout mo Jenseal! Sayang naman ang pinagmanahan mo sa akin kung hindi mo naman ipapakita. Sexy ng anak ko.” Umismid nga ako at tinitigan si Nanay Lydia na natawa sa reaksyon ko. Minsan lang akong lambingin ni Mommy iyon pang katawan ko ang naisip niyang bigyan ng compliment. Totoo ngang namana ko ang katawan kay Mommy. Medyo pinagpala sa pang-upo at dibdib. Dahil nahihiya akong makita ni Andie, hiniram ko ang sasakyan kay Mommy. Kinakabahan nga ako ng nagparking. Di ko alam kung dapat na ba akong bumaba. E nahihiya ako. Nagreply pa naman si Luis ng emoticon na nakadila saka fire. Lalo tuloy ako tinubuan ng hiya. Kaya lang male-late ako kapag nag-inarte pa ako! Binilisan ko na talaga. Mabuti na lang sa room na kami nagkita ni Jasper na namimilog ang bibig. Nagulat nga rin ang mga ka-blockmate ko. Lalo na yong mga naging kaklasi ko noong highschool. They know how I dress. All oversized! “Girl, sexy mo!” Bulong ni Jasper. Umiling nga ako at tinitigan ang sout na sapatos. Saka nagreview ng mga pinag-aralan kahapon. Sakto at pagkarating ng prof eh nagbigay na kaagad ito ng quiz. Tinukso pa nga ako kaya para akong kandilang nauupos sa upuan. Tawang-tawa tuloy si Jasper. Pagkalunch ay alangan na akong lumabas. Pakiramdam ko magiging puntirya ako ng tukso mamaya. E paano ba naman kasi... eversince, mukha na akong tomboy kung manamit. “Jens! Didn’t we know you have the taste!” Natuwa yata si Momay pagkakita sa akin. Kahapon nga halos ibalik niya iyong mga damit na binayaran ko sa counter. Di rin naman ako sigurado dahil nga mukhang simple lang ang mga damit na pinagkukuha ko. Pero mukhang okay naman. They like it. Even Luis. Na nangungulit noong nagdadrive ako. “You’re becoming sexier everyday. That supposed to be for my eyes only.” Umirap nga ako at tinanaw ang traffic sa unahan. “Ayan ka na naman...” sabi ko rito habang nasa harapan ang cellphone at nasa holder. Videocall kami ngayon dahil nahihirapan akong makipag-usap habang nagdadrive. “I miss you so much... You’ve been my fantasy whenever I felt horny.” Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. Saka ko siya tinitigan ng masama. Mabuti na lang talaga at pareho naming alam na wala akong kasama sa loob ng sasakyan. “Then go back to your old lifestyle. I’m sure there’s a bunch of hot girls there. Probably, much younger than me.” Naniningkit na sabi ko rito. Natawa ito. Parang umayos pa nga ng upo, “I found the one, sweet. And none will be ever more than your worth to me.” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD