“Aalis ka Mommy?” Tanong ko kay Mommy pagkababa ng hagdan. I saw her packed things in the couch. Kaya sigurado akong aalis siya ngayon.
Weekend kaya akala ko sa bahay lang siya. Tinanghali nga ako sa pagbaba dahil kausap ko si Luis kanina. Kaya nagulat ako sa nadatnan.
“Oo eh, nandiyan naman si Nanay Lydia.”
Tumango ako saka hinatid siya sa labas. Maiiwan ang sasakyan dahil nga hindi niya naman pwedeng dalhin iyon dahil mahihirapan lang siya. Di na ako nag attempt pa na ihatid siya sa airport. Masyado kasing malayo saka nag-aaya si Andie na maglunch sa Blueberry kasama si Addison. Ilibre ko raw sila. Abusado rin.
Nagpasundo na lang ako pagkatapos na maghanda. Dinaanan namin si Jasper na kasama si Momay. Sabi magpapalibre rin daw sa akin. Ewan ko nga ba at anong nakain ng mga ‘to at alam naming lahat na kuripot akong tao. Kaya lang, binablackmail ako ni Jasper.
“Tita Amanda was asking if you’re a minor, nakita niya siguro iyong mga fund transfer ni Luis. Saka girl! Nagulat ako sa allowance mo! May receipt! Kung hindi lang kita kilala iisipin kong pineperahan mo iyong pinsan ko.”
Tinulak ko nga siya sa balikat. Kung makapagbintang. Bigla nga ako nahiya sa sinabi niya. Doon sa tanong ng mama ni Luis. Kailangan ko siyang tawagan mamaya. Sinabi ko na noon na ayaw kong binibigyan niya ako ng pera dahil iyong allowance pa nga lang na binibigay nina Mommy at Daddy e sobra-sobra na.
“Pwede ka ng bumili ng lupa,” ngisi ni Momay.
Pakiramdam ko ipinakita rin ni Jasper ang receipt na sinabi nito kanina.
Totoo nga yata ang sinabi ni Momay. Kung makapaghulog naman si Luis ng allowance e parang buong buhay ko na iyong binabayaran niya. Ang laki-laki! Diyos ko. Weekly na nga iyon may kasama pang daily. Minsan kasi nagugulat na lang ako bakit nadadadagan ang laman ng ATM ko. E yon pala hinuhulugan niya kahit nasabi niya na noon na weekly na siyang magpapadala.
Random topics ang pinag-uusapan naming tatlo habang nagbubuffet. Si Addison nga gustong makipaglaro sa akin kaya lang dahil semi formal itong resto na pinuntahan namin, wala akong makitang playground. I just promised her na dadaan kami ng SM. Kung gusto niyang maglaro pwede doon. O kung gusto niyang bumili na lang ng laruan. Pwede naman.
“He’s spoiling you.” Sabi ni Jasper kalaunan ng ipinakita ko sa kanya iyong chat ni Luis. Tinakpan ko talaga ang sa itaas dahil baka mabasa niya iyong pilyong mga chat ng pinsan niya.
“I wonder if he’s like that to his exes.” Nakakunot noong sabi ko rito. Nirereplyan ko si Luis at sinabing kasama ko ngayon si Jasper. Mukha naman siyang napanatag. Ewan ko ba sa lalaking ‘to. Lumaki yatang nerbyoso at panay ang tanong sa akin kung sino ang mga kasama ko.
“I don’t know. Basta ang alam ko mahilig iyan magdala ng babae sa condo niya.” Ngumisi ito ng titigan ko.
Kumibit balikat naman ako. Hindi naman big deal. Nasabi na sa akin ni Luis iyan noon. Ewan ko nga lang kung nagbago na talaga ang isang yon.
“Di ka man lang magseselos?” Nakataas kilay na tanong ni Jasper.
“Ha? Bakit naman?”
Napailing ito saka natawa sa huli. Ako na naman tuloy ang napailing. May pinagmanahan si Luis. No wonder why.
‘Sweet,’
Kumabog ang puso ko noong nabasa ang nag-iisang chat niya. Nasa restroom ako at sana ay maiihi but got scared when the chat.
“Napa’no ka?” I asked immediately pagkatapos na sagutin nito ang tawag ko.
Tumawa ito. Nainis naman ako. Parang hindi najustify iyong kabang naramdaman ko kanina. Gusto ko siyang sakalin sa sobrang inis.
“Sa chat lang, sweet. I’ll show you something.”
Ibinaba ko na lang at hinintay ang chat. Pumasok muna ako sa cubicle, bumalik iyong pagkakaihi ko kaya naupo na ako roon.
And then I was shocked to see what he had sent to me. Parang boomerang na pauli-ulit na bumabate iyong kamay niya sa kahabaan niya. Sure akong sa kanya iyon. Sukat ko na ang laki ng kamay at ng kanya kaya sigurado ako. Tumalsik pa nga ang puting yon. For sure his semen.
‘Hoy!’ Gulat na reply ko dito. Nanginginig ako sa nerbyos. But... syempre tao lang din, tinamaan yata ako ng very very slight lang.
‘? he misses you so much.’
Kainis. Tinutukso ako ng isang ‘to. Magdadalawang Linggo pa lang... at matagal pa siya makakauwi. Kainis talaga ano.
‘Keep it to yourself. Asshole!’
Tinawanan lang ako nito. Inioff ko nga ang data ko saka lumabas na ng cubicle. Mahirap na at baka kung anong kalokohan na naman ang ipapakita nito sa akin. Kasama ko pa naman sina Jasper at may bata pa.
“Let’s go home... Addie.” Tawag nito sa kapatid.
Wala akong imik, di naman sila nagtaka. Mabuti na lang din.
Nagpahatid lang ako sa kanto ng subd saka na naglakad papasok. Pinagpapawisan ako sa init ng panahon. Kaya pagkarating sa bahay ay uminom muna ako ng malamig na tubig. I asked Nanay Lydia if she’s done with her lunch. Nang nakumpirma ko na iyon ay nagpaalam na akong aakyat lang. Saktong sunod-sunod ang tunog ng chat. Nagulat talaga ako sa pangungulit ni Luis.
Tinawagan ko na kaagad dahil wala naman akong maintindihan sa mga chat na yon.
“Kauuwi ko lang,” sabi ko kaagad.
Ngumisi ito saka nahiga ng maayos. Doon ko lang napansin na sa sarili siyang silid. Maybe he’s done with his work. Magpapahinga na siguro.
“Sweet, I have a lonely morning.”
“At anong gusto mong gawin ko?”
“Show,”
“Ha?”
“Let’s do it on cam,”
Namilog ang mga mata ko ng naintindihan iyong sinasabi niya. On cam daw?! Mag-aano, uhm, magmamasturbate kaming pareho?
“Lu-is!” Saway ko rito.
Natawa lang ito, ni hindi naman niya sineryoso iyong inis ko. Kabado ako... pinangingilabutan sa pinagsasabi niya.
“You have to rest, Luis. Pagod ka.”
“It’s morning, sweet. We’re 12 hrs apart.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagbibilang ko ang mga panahon na nagchachat kami. All along nagpupuyat siya noon?
“You should have rest instead of wasting your time with me.”
“Wasting? You aren’t, sweet.” Iling nito.
Ngumuso ako saka nahiga sa kama. He grinned. Napamulagat ako. Akala niya siguro magsoshow ako. Naku naman, anong kalokohan ba ‘tong pinaggagawa niya.
“Stop what you were thinking, Luis. Kainis ka ha.”
“Akala ko pa naman.” Ngisi niya.
Umiling nga ako at tinitigan siya. Totoo talagang gwapo itong pinsan ni Jasper. Ang hot. At siguro kung iisipin swerte ako. Maliban sa pisikal na anyo niya e abunado rin ako ng allowance.
“Or instead, I’ll show you how I—“
“Kainis ‘to. Di ko alam kung maiinsulto ako sa’yo e.” Putol ko pa.
Humalakhak lang ito. Kita ko nga iyong longing sa mga mata niya. Pinangilabutan ako sa pinag-iisip ko, ni hindi pa nga nag-iisang buwan o baka nga aabutin ng dalawang buwan tulad ng sinabi noon na October last week siya uuwi, na hindi kami nagkikita, parang uwing-uwi na siya. O imahinasyon ko lang?
“I miss you so much, Jens.” Seryosong sabi niya.
Nagsitindigan ang mga buhok ko sa batok. Hindi ako makapagsalita. Dahil sa totoo niyan wala pa naman ako sa point na gustong-gusto ko na siyang makita. I’m okay with our new set up. Saka bago pa lang kami nagkakilala. Kaya hindi pa ako ganoon ka-attach sa kanya. Kahit sabihin pang may nangyayari na nga.
“Ang problema lang, pareho na tayong adult, Luis. And next year, after graduating... I have to work na. We will have limited time for each other, for sure.”
Tumango ito. Seryoso yata sa pag-intindi sa sinabi ko.
“Ang hirap palang magkarelasyon sa taong nag-uumpisa pa lang.”
Namungay ang mga mata ko sa lungkot doon sa sinabi niya. Naiintindihan ko rin naman siya. Iniintindi ko. Okay lang sana kung hindi ganoon kalayo ang age gap namin. Okay lang sana e. Para pareho kaming sabay sa lahat ng bagay. I am far behind from him. At di malayong di talaga magkakaintindihan sa oras. But that’s life...
“Should we break up?”
Nagulat yata ito sa sinabi ko at napaupo ng wala sa oras. Namilog nga rin ang mga mata ko sa reaksyon niya. Para bang nakakagulat iyon e alam ko namang hindi katagalan e magsasawa rin ang isang ‘to sa akin. Pinuputol ko lang ng mas maaga.
“You’ve got to be kidding me. We’re not breaking up.”
Ginalit ko pa yata. Napalunok nga ako at sinabing pasensya na sa sinabi ko dahil wala naman akong intensyon na masama.
“We’re not talking about that again.”
Nahuli ko pa nga na napalunok siya. Dahil naguilty ako sa tanong kong yon, buong araw akong walang gana.
“Nag-away ba kayo?” Nag-aalalang tanong ni Jasper. Hinaplos pa ang buhok ko. Minsan lang kasi ako magkaganito kaya nagulat siya kung bakit ganito ako kalungkot.
“I ask him if we should break up.”
Napasinghap si Jasper at kinurot ako sa tagiliran. Napasigaw talaga ako sa sakit. Nawala iyong gloom sa paligid dahil sa pananakit niya. Tinulak ko nga siya dahil nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang sakit noong pangungurot niya.
“Hoy gaga ka! Bakit ka naman makikipagbreak sa pinsan ko?! Girl! You’re just lucky! Wag mo ng pakawalan. Mayaman iyon at guwapo at bodybuilder. Tikman mo muna. Baka magbago ang isip mo.” Histerikal na sabi ni Jasper. Nagpipilantik pa. Mabuti na lang talaga at malayo kami sa quadrangle kundi eskandalo.
Napalunok nga ako sa sinabi ni Jasper. Natikman ko na po. At masarap. Natawa tuloy ako sa iniisip ngunit una pa lang wala na akong balak na sabihin sa kanila ang nangyayari sa’min ni Luis. We should keep it for ourselves.
“Alam ko namang mahilig sa babae iyong pinsan ko, I warned every girls I knew including you... but it’s different when the whole family knew he has a serious girlfriend now.”
“Ha?” Ninerbyos ako sa sinabi ni Jasper. Buong pamilya daw?!
At talagang sinabi pang may seryosong girlfriend. Hihimatayin yata ako sa pagkakagulat. And to be honest, this is all so rush. Ni hindi pa nag-iisang buwan no’ng nagkakilala kami!
“Yes girl! Baka nga pag-uwi ni Luis e magthrow ng party ang buong angkan.”
Nahintakutan na talaga ako. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkakabigla. Ni hindi ko masagot si Jasper. I just a want a peace of mind for now. Parang lahat ng nakapaligid sa amin e sumasang-ayon sa relasyon namin ni Luis.
“And Luis, he’s not getting younger anymore. Aunt Amanda also wants her own grandchildren.”
Pinangilabutan ako sa sinabi ni Jasper. Kakaumpisa pa lang ng buhay ko at yong kay Luis, he got everything he wants. Ako nga hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng masasabing akin, iyon bang magkaroon ng sariling pera at investment. Mukhang delikado ako sa nangyayari.
I also talked to Mommy after I got home. Nahihiya pa ako noong una dahil hindi naman ako yong tipo ng tao na basta-basta na lang mag-oopen up. Kaya lang ibang usapan na ito.
“What if... Mom... uh, I got p-pregnant?” Nanginginig na tanong ko kay Mom. Face talk kaming tatlo. Si Daddy nga natigilan sa ginagawa. Si Mommy ay napanganga.
Visible na ang katandaan kay Daddy, yong kay Mommy dahil siguro mahilig itong magpaganda kaya kahit 50 na ay mukha pa ring teenager.
Gusto ko lang talagang magtanong. I’m just seeing the possible things may happen in the future. Pakiramdam ko kasi makukulong ako sa isang relasyon na hindi ko mahihindian. I hate to disappoint the elders kaya panaka-naka kong chinachallenge iyong reaksyon ng parents ko.
They’re soft hearted. At wala sa nature nila ang magalit ng sobra-sobra. Siguro dahil pareho silang nasa industry ng pagnenegosyo kaya ganoon.
“A-are you pregnant now?” Kabadong tanong ni Mommy. I saw her guilty look. Iniisip niya sigurong kasalanan niya where infact, pinayagan niya lang talaga akong magboyfriend.
Umiling ako. Na ikinaginhawa ni Daddy. Napalunok tuloy ako. Sa reaksyon pa lang ng dalawa, sa tingin ko kailangan talagang maghintay ni Luis hanggang sa maging handa na ang lahat. I know he’s getting there. I can sense pero kasi...
“You two should get married first.... after graduation.” Sabi Daddy.
Nalaglag ang panga ko. Hindi naman iyon ang pinag-uusapan!
“If you’re planning to have a baby... pakasal muna kayo. Kahit atat na kaming magkaroon ng apo, ng daddy mo—“ nilingon nito si Daddy sa cam na bahagyang nakangiti na. Para bang naiintindihan nila iyong sitwasyon samantalang kabadong-kabado ako., “— kailangang hindi ka nadedehado. I can sense naman na maaalagaan ka ni Luis. The older the better.” Kindat niya.
Shit! Bakit nga ba natanong ko pa?