"Jens," halata nga ang inis sa mukha ni Jasper habang sinusundan ako rito sa Cafeteria. Kasama ko si Gerald. We supposed to have our lunch together alone. But Jasper came out of nowhere. Hindi ito mapakali habang nakikithird wheel sa break namin ni Gerald.
I rolled my eyes as I eat our lunch. Di naman masyadong obvious 'no na binabantayan ako nito? As if,
"Bakit hindi si Luis ang bantayan mo?" Hindi ko na naitago ang inis pagkatapos ng tatlong araw na magkakasunod na nakasunod lagi sa akin si Jasper. Hindi naman ako bulag para hindi maramdaman na panay ang bantay niya sa akin.
As if katulad din ni Luis ay mapagsamantala si Gerald. Ang totoo, marespeto itong tao. Malaki ang respeto niya sa akin. That's why I'm starting to like him more. At balak ko na sanang ipakilala ito kay Farina... kaya lang nagulat ako noong pag-uwi ay nadatnan ko si Luis. Nakaupo sa sofa at buhat-buhat si Farina.
Hindi ako nakahulma, ni gumalaw nga ay nakalimutan ko. Tinitigan ko lang siya ng matagal. Iyong bakat ng katawan niya, iyong namumutok sa muscles ang braso nito... at lalo naman ang tattoo'ng nakaukit doon sa braso nito.
"W-when did you come home?" Kabadong tanong ko rito. Hindi ko maipirmi ang mga mata. Lalo na doon sa naniningkit niyang mga mata. Para bang gusto niya akong sakalin kaya lang dahil buhat niya si Farina ay hindi niya magawa iyon.
"This morning," isang sagot sa isang tanong. At alam kong galit ito. Noon ko lang nakita kung paano siya nagpipigil. Iyong gigil na gusto yata talaga akong saktan. Hindi tuloy ako mapakali. Kahit noong bumaba na ako ulit para kumain. I couldn't even make the dinner lighter... pakiramdam ko e may mapapalo mamaya.
At tama yata ako,
"B-bakit." Nag-aalalang tanong ko noong binigay nito si Farina kay Ynes. Na kinakabahan din yata habang nakatitig sa amin.
Kahit na kailan hindi nito hinahayaang matulog ang bata sa ibang kwarto! Dito lang ito lagi, kahit magkatabi kami noon... dito lang ito.
Kaya nanginginig ako habang papasok sa sarili naming silid. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at lalo namang ayaw ko na ring isambot iyong panloloko niya sa amin.
Para bang bumaha sa alaala ko iyong mga pictures... lahat nasa cellphone ko! At kung sakali mang magkaproblema sa custody ni Farina... kaya kong makipaglaban.
"Did we break up?" Mahinahong tanong nito habang kinakalas ang dalawang butones sa polo.
Napalunok na ako. Alam niya at sigurado may nakapagsabi sa kanya. Si Jasper iyon... kaso matagal na nitong ibinalak na sasabihin kay Luis kaya lang hindi ko naman inakala na matatagalan. At mukhang patay ako nito.
"Who's that bastard?" Segunda na nito ng hindi ko iyon sinagot.
"H-hin—" napabuntong hininga ako at pilit na kinakalma ang sarili saka kinalikot ang cellphone.
"Ikaw dapat ang magpaliwanag! Sino 'to?" Iritableng tanong ko rito pagkatapos na ilapag sa kama iyong cellphone.
Kunot noong dinampot niya iyong cellphone. Nagbrowse pa nga kaya natagalan. And I'm having small heart attacks... kabadong-kabado ako habang pilit na pinapalitan ang kaba sa inis.
Huh! Akala niya hindi ko alam! Mabuti na lang nagsumbong iyong babae niya at pinagsesend iyan two months ago! They both looked good! Para akong pipitsugi kasi hindi naman ako model like!
"These are old photos, Jens!" Iritableng baling nito sa akin.
Nawala ang kunot ko sa noo at hindi makapaniwalang tinitigan siya na ngayon nga'y nagtataka ang mukha. Sa reaksyon pa lang niya ay nakumpirma ko ng na-scam ako noong babaeng yon. Hindi ako makapaniwala habang nakanganga sa harap niya.
"E-eh... e-eh, bakit ang lamig-lamig mo?" Nahihiyang tanong ko rito. Nakayuko na habang gumagapang ang hiya sa mga nangyari.
"I... I," bumuntong hininga ito at pinangilabutan ako noong tumabi ito sa akin. Ramdam ko pa rin ang irita niya sa komprontasyon. Ako naman, iniisip si Gerald...
"I was giving you time, Sweet. Pagkatapos malaman-laman kong nakikipagrelasyon ka sa iba."
Nanlalaki talaga ang mga mata ko noong dumiin iyong kapit ng kamay niya sa braso ko. Galit eh... galit na galit. At panay na ang lunok ko habang iniisip ang pakikipagrelasyon ko sa ibang tao.
"Are you sure we broke up?" Iritableng bulong nito. Humalik pa nga sa leeg ko.
Para akong kinukuryente, high voltage... literal na nagsisitindigan ang mga balahibo ko sa katawan. Lalo na noong pinaghahalikan na ang leeg at tenga ko roon.
"T-teka," nahihimasmasan ako ng sinaway ito.
Kinikilabutan talaga ako... gumagapang iyong kuryente at magkakaroon pa yata ng short circuit. At hihimatayin ako niyan.
"We’re cheating!" Sigaw ko rito. Napanganga nga siya habang nakatitig sa akin.
"What?" Parang ayaw pa nitong maniwala doon sa sinabi ko.
"I have a boyfriend, Luis... if we're... ano, gonna do this. It will be cheating!"
Dumiin ang pagkakalapat ng labi nito. Siguro nanggigigil. And I got scared after that. Nakatitig ako sa kanya na ngayon nga'y mukhang papagalitan pa ako.
"Let me remind you, Jenseal... we didn't break up and YOU ARE MINE! And you had the gut to cheat on me now?" Hindi makapaniwalang naningkit ang mga mata niya.
Napipilan ako... ni ayaw nga bumuka ng bibig ko sa gulat. Galit ito. Galit na galit. And I am here trying to justify that whatever we will do, it will be cheating.
I have a boyfriend. A serious one... kaya—
"Break up with him... Or-" banta nito.
Hindi ako nakakilos... dapat ba? But I like Gerald.
"P-pero... kasi—" nakayukong sabi ko na rito.
Mas lalo kong naramdaman ang bigat ng loob niya roon. Alam kong galit siya. Kaya lang.
"Di ba pwedeng tayo na lang ang magbreak?"
Nanigas ito. Humigpit ang diin ng pagkakahawak niya noon sa braso ko. Waring dudurugin ako ng pinong-pino. Kaya lang,
"Try me, Jenseal. You're making me mad." Binitawan niya ako pagkatapos noon.
Hindi niya ako mapipilit at lalong ayaw ko ring sundin ang utos nito. I’m starting to like Gerald.
And I just want a simple life. Iyong sigurado na gusto ko at gusto ako. Hindi dahil sa responsibilidad lang.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi rin tumabi sa akin si Luis. Di ko alam kung ano ang ginawa nito pagkatapos ng komprontasyon na yon. Basta nadatnan ko siya sa ibaba na nilalaro si Farina sa malapad na sala.
Lumapit ako at hinalikan si Farina sa pisngi. And then I saw Luis staring at me. Pakiramdam ko kanina pa iyan ganyan makatitig. Sinisipat yata lahat ng ginagawa ko.
Hindi naman ito nagsalita. Tinawag nito si Ynes at sinabing bantayan muna ang bata. Confuse na pinakikiramdaman ko ito.
Natapos na ako sa paghahanda ng nakitang nakaayos na rin si Luis. Siguro bibisita iyan sa tattoo shop kaya lang nagulat ako noong sundan din ako nito sa labas ng bahay. At balak ko sanang magcommute dahil nandiyan siya at alam kong siya ang gagamit ng sasakyan mamaya.
Kaya lang... ihahatid ako!
“What are you doing?” Tanong ko rito habang hila-hila ang kamay ko papunta roon sa sasakyan. Forcing me to get in.
“Ihahatid ka, susunduin kita mamaya.”
Napasinghap ako at natatarantang tinulak ang pintuan kaya lang hinila niya ako at inis na hinalikan iyong labi ko. Mukhang nagkasugat pa. He’d gone mad!
“You should stop dating that bastard or I’m going to hire a gun man to do the job?” Iritableng sabi niya.
Kumabog ang puso ko sa kaba. Ano raw? Ipapashoot to kill niya sa Gerald para lang matigil ang pakikipagdate ko rito? Nahihibang na ba siya?
“Ha? Subukan mo!”
“At talagang susubukan ko. You’re my daughter’s mother and yet you’re dating someone who’s not her father! Baliw ka ba?”
Nagpanting ang taenga ko sa sinabi nito. Sinapak ko nga siya sa braso. Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na gawin iyon kasi inis na inis ako sa kanya. Tatay lang siya ng anak ko... we’re not lovers!
“I’m breaking up with you!” Sigaw ko rito.
Ngumisi ito. Saka tumitig sa labas. At muling ibinalik sa akin ang mga mata.
“Not gonna happen, Jens. Ikaw ang makikipagbreak doon sa lalaki mo. Wag mo ‘kong iniinis.” Gigil na gigil na sabi nito habang mariin ang pagkakatitig sa akin.
Nanlambot ako at nanginginig ang kalamnan. Paano ako makikipagbreak? Gusto ko iyong tao. Na hindi ko naramdaman kay Luis.
Natahimik ako at napalalim ang iniisip. Naramdaman ko na lang na malapit na kami sa working place ng tumigil siya. Napatingala tuloy ako at napatitig sa kanya na malalim ang iniisip.
“You like that guy, huh?” Turo nito sa labas.
Nanlalaki ang mga mata ko noong nakita si Gerald na umaakyat sa hagdan. Geek mode on! At sadyang malayong-malayo kay Luis. Way different. Kung pisikal lang... ilang milya ang layo ng dalawa.
Nag-init nga ang pisngi ko ng naisip ang pagkakaiba ng dalawa. Nagmumukhang kawawa si Gerald kung itatabi kay Luis.
“Let’s get outside,” sabi nito bago ko pa man napigilan.
Umikot siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Saka niya ako hinila palabas. Nasilip ko pa sa gilid nang tumigil si Gerald. Ngiting-ngiti.
Ngunit hindi iilang segundo ay naputol iyon nang hinalikan ako ng mariin ni Luis. Doon mismo sa harap ng ilang mga taong papasok sa trabaho. Nanlalaki tuloy iyong mga mata ko sa gulat. Hindi nakahulma. At lalong hindi kaagad ako nakakilos.
“Don’t you dare, Sweet. I’m gonna pick you up after work. And don’t date that asshole!” Turo nito sa likod nito. Kahit hindi sigurado kung sentro ba iyong pagkakaturo nito kay Gerald.
Nangasim ang mukha ko. Nanginginig nga ang labi ko mula sa pagkakahalik niya.
Umalis ito, na nakatayo lang ako doon. Gulat na gulat sa nangyari. Nakita ko si Gerald na sumama ang mukha at walang lingong-likod na naglakad papasok ng building.
Napakagat labi ako roon, nanginginig dahil sa nangyari. Lalo na noong nakita ko si Jasper na tawang-tawa at lumapit sa akin.
“Nakita mo na? You go on cheating girl! Baka magulat ka burado na iyong lalaki mo.” Humahalakhak na sabi pa nito.
Nanubig tuloy iyong mga mata ko at napaiyak. Iyong iyak na parang di naman sineryoso ni Jasper. Tawang-tawa pa nga eh. Tapik-tapik ang balikat ko roon na nanginginig sa kakaiyak.
“Makipagbreak ka na.”
Tumango ako at mukhang nagbunyi ang kalooban ni Jasper. Talagang makikipagbreak na ako! Nakakahiya iyong ginawa ni Luis! At lalo naman ni Gerald na talagang tinalikuran pa ako.
The rumors broke its silence, lunch time ng naging bulong-bulungan sa buong building iyong halikan namin ni Luis. Ang labas, ako pa ang nagcheat kay Gerald.
Dumami ang umayaw sa akin. Maraming ayaw makipagbatian sa akin. At sa lahat ng galit doon ay si Jasper lang itong malakas ang loob at nakikipagtawanan pa habang sinasamahan akong maglunch.
Tinitigan ko si Gerald na umiwas noong nagkatitigan kami. Nakita ko ring nag-ismiran ang mga chismosang ‘to. Gusto ko sanang sundan si Gerald kaya lang humigpit ang kapit ng kamay ni Jasper sa kamay ko. Waring nagwawarning. Napilitan tuloy akong pumirmi roon.
“Nakita ko yon,” biglang sabi ng kung sino dito sa tabi namin ni Jasper.
Nilingon ko ito at naalalang si Korina iyon, ka-departamento ko. Kikay kung manamit at talagang head turner kasi ang lakas ng dating kahit hindi naman siya ganoon kagandahan.
“Kahit ako talaga e magchi-cheat kung ganoon naman kagwapo. s**t! Katawan pa lang no’n panalo na!” Tawa nito.
Natawa tuloy si Jasper at chinika iyong katrabaho ko.
Namimilog tuloy ang mga mata nito habang inaabsorb iyong nalalaman niya.
“Hala, totoo! Girl! Lucky mo! Sigurado malaki ang bunal noon!” Tawang-tawa ito habang nakikinig sa mga sinasabi ni Jasper.
“So basically, he’s not the other guy. But still, it was cheating kung nakipagrelasyon ka pa sa iba. Di ka ba nakontento doon sa lalaki? Grabi ka girl, kung titingnan sobrang gwapo noong lalaki. Na it turns out tatay pala ng anak mo. Naghanap ka pa talaga ng iba.”
Ngayon na nagsisink in na sa akin iyong nangyayari ay para bang lason na unti-unting nanunuot sa utak ko iyong pangangaliwa ko. Luis is enough, but—
I should talked to Gerald. Kailangan niya ring malaman na ayaw ko na... delikado at mainit talaga ang dugo ni Luis sa kanya.
“Good that you weren’t together.” Ngiting-ngiti na sabi ni Luis habang inaayos ko iyong seatbelt. Pumisil pa nga ang malaki niyang kamay doon sa nakaexpose kong legs.
“Should we celebrate it together tonight? Doon muna si Farina kina Ynes. Mahirap na at baka magising iyong bata... it’s been awhile, Sweet. I’ll make you scream tonight.”
Nanginig tuloy ako sa gulat at nakangangang nakatitig kay Luis. Bati na ba kami?