I was saved! And it couldn’t be enough to just say thank you to Gerald for saving me that day. Gusto ko nga sana siyang ayaing kumain kahit pasasalamat na man lang. Kaya lang umuwi ito ng maaga, hindi ko naabutan. Pagkatapos kinabukasan wala rin ito doon,
“They’re in a group trip, binisita itong kabilang kompanya.” Sagot ni Alice ng nagtanong ako rito.
Napabuntong hininga ako at nakatulalang tumitig sa harap ng computer. Saka nagdesisyon na tapusin ang ginagawa. At lunch dinaanan ako ni Jasper para kumain sa cafeteria. We talked about things... mas marami nga lang ang tungkol kay Farina. He’s very fond with his niece. Bibisita raw ito kapag may pagkakataon.
“Nga pala, kumusta kayo ni Luis?” Nakikiusyusong tanong nito.
Natigilan ako sa pagsubo at tinitigan si Jasper. Ilang araw na ba simula ng huling tumawag sa akin si Luis? Sabi naman ni Ynes at Jeng-Jeng ay madalas naman itong tumawag sa bahay para kumustahin ang kalagayan naming mag-ina. Iyon nga lang, hindi na ito direktang tumatawag sa akin. I got bothered. Ni hindi ko iniisip iyon noon. Kontento na kasi ako na tumatawag ito sa bahay. Kaya akala ko normal lang.
“Is his businesses okay?” Balik tanong ko rito.
Natigilan ito sa pagsubo at parang di makapaniwalang tumitig sa akin.
“Girl, smooth sailing ang lahat ng mga negosyo niya sa Brazil. Aunt Amanda informed my Mom that they’re have problems before pero resolved na iyon simula ng nakauwi si Luis doon!” Di yata ito makapaniwala.
Natigilan ako sa pagkain at tulalang tumitig sa pagkaing nandoon sa mesa ko. What should I say? Hindi tumatawag iyong pinsan niya. At di naman dapat ako mag-alala kaya lang isang Linggo? What’s wrong with that guy! He’s not like that!
“Kayo ba ay okay lang?” Biglang tanong ni Jasper sa gitna ng katahimikan.
I got really bothered. Halata yata iyon sa mukha ko at parang natuklaw ng ahas si Jasper habang nakatitig sa akin. I couldn’t even uttered a word. Iniisip ko kasing...
“Did Luis cheat before?” Wala sa sariling tanong ko rito.
Napasinghap ito. Parang di makapaniwalang natanong ko iyon kaya lang, posible. Knowing his past, playboy iyon. And it scares me to death. Paano nga kung tama ako? Maiiwan ba ako? Paano si Farina? Halos hindi ako makapagconcentrate. Nasagot ni Jasper ang sagot ko nito. Sa nag-aalalang boses at kumpirmada. He cheated before. And no wonder if he’ll cheat again.
Patapos na ako sa ginagawa at ilang minuto na lang ay mag-a-out na ako. Nairaos ko naman ang trabaho kahit papa’no at kahit na bumabagabag sa isipan ko iyong ideyang baka nga tama ang hula ko.
Ilang minuto pa, hanggang sa nagulat ako noong may naglapag ng pagkain sa table ko. At pagkatingala ay nagulat din ako na makita si Gerald na nakangiti at sout pa rin ang geek size nitong eyeglasses.
“Kainan mo ah,” saka ito tumalikod.
Nagulat talaga ako... hindi pa naman kami gaanong magkakilala kaya di malayong magtaka ako kung bakit binigyan ako noon ng pagkain. Mukhang pasalubong pa eh.
Dinala ko sa bahay, kumain ako ng kaonti at binigay ang ilan kina Jeng-Jeng at Ynes. Saka ko inalagaan si Farina at paunti-unti ng gumagapang. Late bloomer but I like how slow Farina grows. Naeenjoy ko ang pagiging ina dahil doon.
“Tumawag ba si Luis?” I asked the two while the four of us having our dinner. Bottled milk ang kay Baby Farina samantalang solid foods naman ang sa amin.
“Kanina, Jens.” Sabi ni Ynes.
Tumango ako at tumitig kay Farina. It really scares me. I wanted to call Luis but I don’t want to regret it. Ayaw kong magulat. At lalong ayaw kong masorpresa.
Pinili kong baliwalain ang mga bumabagabag sa akin. I continued my life as a working Mom. Habang nagdududa ako rito ay hindi na muling tumawag si Luis. Iisipin ko talagang may nangyaring masama sa kanya kaya lang tumatawag din ito sa bahay. Siguro nga... ayaw ko na lang isipin.
“Lunch, Jens.” Anyaya ni Gerald.
Tinitigan ko ito, geek mode on. Pero kahit ganoon, kahit nakasuot ito ng eyeglasses halata namang ma-fashion ito. Hindi naman malaking tao si Gerald. In fact mukhang 5’6 lang ito pero maporma. Saka mabait.
Sabay kaming kumain, nadatnan ko pa si Jasper na parang nang-aakusa ang mga titig. Umismid nga ako. Hindi naman ako nagchecheat ah?! Tanungin niya kaya iyong pinsan niyang mukhang nakawala sa hawla at hindi na nagpaparamdam sa akin.
“Are you single, Jens?” Sa gitna ng pagkain ay ito ang naging tanong niya.
Natigilan ako, parang namutla. Hindi niya ba alam? Hindi siguro kaya natanong niya ito. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Kaya lang... ayaw kong magsinungaling.
“In a complicated relationship.” Tawa ko.
Na ikinailang niya. Natigilan ako roon at saka tumitig sa kanya. Gwapo naman si Gerald. Average pero napakaalalahanin. Mahilig din magbigay ng kung ano-ano. Ramdam ko naman na para siyang nagpapapansin. Kaya lang, I have Farina... at si Luis?! Ewan ko doon!
“I have a daughter.” Sabi ko rito habang kinakabahan, tumango ito waring interesado sa mga sasabihin ko.
Nawala ang pag-aalangan kong sabihin ang totoo. Ayaw ko namang magsinungaling. Ayaw ko ring manloko ng tao. Besides, it really bothers me how I become so excited whenever Gerald give me things.
“She’s 1 yr old and 5 months.”
“What about his father?”
Nawala ang angas ko roon. Iniisip ko ng mabuti kung ano nga ba talaga? It was a month ago when we had a decent conversation. Anong akala niya hindi ko napapansin iyong pagiging malamig niya? Dito pa lang sa Pilipinas pansin ko na iyon! Kaya inis na inis ako kasi— parang nababaliwala na ako.
“We broke up.”
The next day Gerald give me flowers. At nagulat talaga ako. I was having second thoughts while staring at that bunch of beautiful flowers. That was my 1st time I had real flowers.
Kinabahan tuloy ako at napalingon sa paligid. Hindi naman yata bothered ang mga kasama ko roon. They seem to not mind. Normal sigurong nangyayari iyon sa office. Napalunok ako at inamoy ang bulaklak kaso napailing ako at mabilis na tinapos ang mga gagawin.
Nag-aya si Gerald na maglunch sa labas. Ayaw ko nga sana kaso namutla ako noong nakita sa loob ng cafeteria si Jasper paikot-ikot at parang may hinahanap.
Kaya walang atubiling sumama ako kay Gerald. Ang sarap niyang kausap... hindi ko alam pero ang gaan-gaan ng loob ko. Tumitig ako ng matagal kay Gerald habang nagsasalita ito. Mahiyain ngunit may lakas ng loob na magpapansin. Ni hindi nagawa ng hinayupak na yon.
“Hindi ka ba nag-aalala kahit na may anak na ako?” Tanong ko rito pagkatapos ng sandaling katahimikan.
“Hm, it doesn’t matter Jens... hindi naman kabawasan iyon sa pagiging ikaw.”
Oh? Holy s**t! Plus points. Ngumiti ako saka tumango. Kaya lang para akong tinakasan ng kaluluwa noong nakitang tumatawag si Luis. Nagdadalawang isip akong sagutin dahil nandito si Gerald kaya lang napansin iyon ng kasama ko at sinabing sagutin ko na raw iyon without knowing na tatay iyon ng anak ko.
“Restroom,” muwestro ko sa kabila. Tumango ito kaya dali-dali akong umalis doon at sinagot ang walang humpay na ring ng tawag ni Luis.
“Breaktime?” He asked first.
Kumabog iyong puso ko sa kaba. Ang lalim ng boses. Isang tanong lang pero para akong hihimatayin sa kaba. And all of the times, ngayon pa talaga tumawag?!
“O-oo, ikaw?” Halata yata ang boses ko dahil para akong bibitayin.
“About to rest... tagal kitang hindi natawagan.”
Ah, obvious ba? Kung hindi niya alam baka pwede ko ring sabihin na isang buwan na! Nakalimutan niya yatang may isa pa siyang responsibilidad.
“Then rest,” iritableng sabi ko rito. Nagmamadali rin ako dahil baka mainip si Gerald dahil sa tagal ko rito. Ayaw ko namang paghintayin ang isang yon.
“Jens, baka ma-extend pa ako ng ilang buwan.” Paalam nito.
Natigilan ako at tinitigan ang sarili sa repleksyon. I changed a lot... I wore make up now, I dress and I wear heels. Ang layo ko noon... at magbabago pa yata.
“It’s okay,” nakalunok na sabi ko rito. Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Para akong mabubuang sa kaiisip. Pero kung ganoon, kung gusto niyang manatili roon... at posibleng nagchecheat na nga... hindi naman siguro—
“Hatid na kita,” sabi ni Gerald habang palabas kami ng building. Hindi ko tuloy alam kung tama ba iyong ginawa ko. He’s very happy samantalang para akong natuklaw ng ahas. Sunod ng sunod sa akin si Gerald. Very careful din ito at talagang ramdam ko iyong pag-aalala niya sa akon. Napakabait at talagang ramdam ko ang walang tigil niyang panliligaw. So I said yes when he asked me that day.
Kaya buong gabi akong tulala habang iniisip kung ano ang ginawa ko. Sinagot ko ba naman yong tao kahit hindi sigurado kong pwede ba iyon. I have a daughter... and not sure if I and Luis are already done.
Nakatitig ng masama sa akin si Jasper habang sinama ko si Gerald sa lakad naming magkakaibigan. Nagtataka rin si Momay bakit may kasama akong iba. Kaya lang, gusto ko talagang isama si Gerald. Gusto ko kasing ipakilala— na alam kong mali at kaya ganoon ang titig sa akin ni Jasper.
“Kukutungan kita, Gaga ka!” Iritableng sabi ni Jasper habang inaayos namin ang ibang pagkain. Nakikitulong din si Angelique na tahimik lang na ginagawa ang trabaho.
“Hindi naman kami,” sabi ko.
“Nino? Ni Gerald?! Hoy! Pinag-uusapan kaya kayo kung hindi mo pa alam.”
Napatitig ako sa kanya. Pinag-uusapan? Bakit hindi ko naririnig?
“Hindi! Hindi naman kami ni Luis.”
Parang namumutlang napatitig sa akin si Jasper. Gusto yata akong sakalin nito. Tagos hanggang kaluluwa ko iyong klasi ng mga titig niya.
“Girl! Sa naalala ko hindi pa kayo break?!” Histerikal na sigaw nito.
Umiling ako at ngumiti. Kailangan ba talagang sabihin na break sa isa’t isa na wala na kami? Kasi isang buwan ulit ang lumipas at hindi na ito tumawag. Direktang sa bahay na tumatawag para lang makausap si Farina na puro ‘Dada’ ang tinatawag.
“Dito ka!” Pinanlalakihan ako ng mga mata ni Jasper habang tinuturo ang tent niya. Overnight iyon at maaga rin kaming uuwi bukas dahil may mga trabaho na sa Lunes.
Ngumuso ako at pumasok. Tinitigan ko naman si Gerald na tumango at pumasok na rin sa sariling tent.
“Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa pinaggagawa mo. Literal kang nagloloko Jens! At ang kapal-kapal mo talaga dinala mo pa yong lalaki mo dito.” Iritableng sabi ni Jasper habang magkatabi kami.
Hindi naman siya sobrang galit pero halata ang inis niya sa ginawa ko. Hindi ko nga alam kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon. At lalong hindi rin tama na magpaliwanag pa ako. Basically, I’m still cheating because Luis and I haven’t talked about ending our relationship.
“I am not tolerating this,” hindi mapakaling sabi ni Jasper.
Natigilan ako sa pagpikit at nilingon si Jasper na tulala at hindi na nagsalita.
“You’re going to tell him?” Hindi naman ako boses natatakot pero rinig iyong kaba sa boses ko.
“Ano pa girl? You’re cheating! No’ng una nga akala ko rumors lang iyon pero... ikaw talaga ang nagdala!” Histerikal na sabi pa nito.
Napalunok ako at napatitig ulit sa ceiling ng tent. Iniisip ko nga ano kaya ang mangyayari? Gusto ko nga sanang magrebelde kaya lang iniisip ko si Farina.
“Sige, sabihin mo.” Nakangiting sabi ko pa rito.
Napasinghap ito at napatitig sa akin. Para bang gustong-gusto niya akong kutusan hanggang sa magising.
“You’re unbelievable! Pinaseselos mo yata si Luis eh.”
Umiling ako saka tumalikod. Kung saan pinagseselos lang pero kasi... he cheated first and I have evidences.